Kabanata 12 - Runaway

13.4K 351 12
                                    

Kabanata 12

Runaway

Sobrang problemado ang pamilyang ford dahil sa gulong nangyari. Nagsiuwian na ang mga bisita at nililigpit na rin ng mga caters at ilang kasambahay ang mga kalat. Kahit alas dose na ng hating gabi ay gising na gising parin ang pamilya upang masinsinan na harapin si Samuel.

"Anak, susuportahan ka namin sa ibang bagay, pero sa pagkakataong ito ay hindi namin kukunsintihin ang ginagawa nyong ito ni Catherine."

Mula sa pagyuko at paggulo ng buhok ay napaangat si Samuel ng tingin sa parents nya. Wala na ang magandang ayos nya, ang coat nya hinubad nya at bukas ang tatlong butones ng polo nya habang nakatanggal na ito sa pagkakatuck-in. Nababaliw na sya sa pag-aalala sa dalagang si Catherine. Nais nyang puntahan ito ngayon sa bahay nito, ngunit pinigil sya ng magulang nya at nais na makausap sya.

"I love her so much! Hindi nyo po kami mapipigilan dahil nagmamahalan kami!"

Hindi nya mapigilan na pagtaasan ng boses ang kanyang magulang. Naiinis sya dahil sa pagtutol ng mga ito sa pag-iibigan nila ni Catherine.

"Son, where's your manners? Stop shouting at your mom!" maawtoridad na suway sa kanya ni Dimitri.

"Hindi kayo pwedeng magmahalan dahil magkadugo kayo, naiintindihan mo ba 'yun, anak?" sabi naman ni Beatrice kaya napatayo sya mula sa pagkakaupo.

"Bakit ang mga kapatid ko suportado nyo? Kahit anong kalokohan nila para makuha ang gusto nila, sinusuportahan nyo parin! Ako, naging masunurin ako, naging matino, pero bakit ngayon hindi nyo po ako masuportahan? Bakit?"

Napatiim-bagang sya habang tumataas-baba ang dibdib nya sa galit. Naiinis sya dahil bakit parang ayaw syang suportahan ng pamilya nya sa gusto nya. Wala naman syang pakialam sa sasabihin ng ibang tao! Kaya nyang ayusin ang lahat basta hayaan lang sila ni Catherine.

"Samuel, magpinsan nga kayo! Ang mga asawa namin ay hindi naman namin kadugo!" sumabat na ang kuya nya na kinakulo ng dugo nya. Narito rin lahat ng kapatid nya at mga asawa nito. Mas lalo syang naiinis dahil parang napapamukha sa kanya kung gaano hindi kapwede ang pagmamahal nya sa dalaga.

"I don't care if she's my cousin. I love her, I know she love me too. Gagawin ko po ang nais ko at hindi nyo ako mapipigilan kahit pa anong gawin nyo!"

Umalis sya sa harap ng mga ito pero natigil sya ng may humawak sa magkabilang braso nya. Nakita nya na hawak sya ni Drake, Diesel, at Deo, habang sa paa nya ay nakakapit si Benj. Nagwala sya at nagpupumiglas.

"Let me go, Asshole! Fuck!"

"Dalhin nyo muna sa kwarto nya ang kapatid nyo at wag palalabasin." utos ng kanyang ama kaya mas lalong sumama ang loob nya.

"Sige! Ikulong nyo ako! Pero oras na makaalis ako, hindi nyo na ako makikita!"

Napaiyak si Beatrice dahil gusto sana nyang pigilan ang nais ni Dimitri dahil naaawa sya sa anak nya. Hindi nya alam ang gagawin dahil nahihirapan sya lalo't sinusumbat ng anak nya kung bakit hindi nila ito masuportahan.

"Dimitri, natatakot ako na baka totohanin ng anak natin ang sinabi nya.."

"Shhh, we need to do this. I need to talked to Xander and Manilyn first bago tayo magdesisyon kung ano ang dapat na gawin kay Samuel."

"Sasama ako.." Si Beatrice.

Napahinga ng malalim si Dimitri dahil tila dito sya mahihirapan sa anak nyang si Samuel. Napahilot sya sa sentido pero natigilan sya na may napagtanto.

"Wait. Sino ang nagplay ng video?"

"Nalaman na namin, Dad." tugon ni Duke at tumingin sa pinto kaya napatingin sya doon.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz