Kabanata 10 - Hadlangan

15.1K 364 22
                                    

Kabanata 10

Hadlangan

Napahinga ng malalim si Catherine habang nakadapa sya sa kama. Hanggang ngayon ay iniisip parin nya ang naging damdamin ni Bosch. She was guilty for what she did to Bosch. She broke his heart. She's nothing but a heartless woman. Kung sana lang ay hiniling nya na sana ay may gamot para maalis nya ang sakit na dinulot nya sa binata, pero alam nyang wala kaya sobra syang nakokonsensya ngayon.

It's friday today, tomorrow is Samuel's birthday. Nung martes ay wala namang nangyari sa buhay nya. Kahit break na sila ni Bosch ay hindi parin naman nagbabago ang routine nila ni Samuel kundi ang palihim na itago ang relasyon nila. Nung miyerkules naman, nagsukat sya ng gown sa botique ng Tita Beatrice nya para sa isusuot nya sa party ni Samuel. Tapos nung Webes, merong naganap na naman na away sa pagitan ni Nesya at Felicia, kasama pa si Leonie at Pinky. Hindi nya alam kung ano ang gagawin dahil imbes na pigilan ni Samuel ang mga babaeng nagkakagusto rito ay hinila lang sya nito at sa rooftop muli sila nagtago upang magawa ang sekretong relasyon nila.

Kinakabahan din sya dahil baka balang araw ay may makahuli sa kanila at malantad sa buong eskwelahan ang relasyon nila. Hindi nya ata kakayanin ang kahihiyan kapag nangyari iyon.

"Catherine!"

Napabangon sya ng marinig ang tinig ni Samuel. Agad syang bumaba sa kama at lumapit sa pintuan. Pagbukas nya ay bumungad sa kanya ang binata na nakangiti. Napakuno't noo sya at napatingin sa box na dala-dala nito.

"Ano 'yan? Tsaka anong ginagawa mo ngayon rito?"

Niluwagan nya ang pinto at pinapasok ang binata. Tumingin muna sya sa labas at nang walang tao ay sinara nya ang pinto at nilock. Hindi naman maririnig ang usapan nila dahil sound proof ang kwarto nya. Tumingin sya sa binata at nakita nya na nilapag nito ang box sa kama.

"Pumasok na ako dahil tila wala sila Tita. Yung tagalinis nyo lang ang nakakita sa akin."

"Wala sila Mommy dahil sinamahan pa si Nesya na magpasukat rin ng gown."

Tumingin ito sa kanya ng makaupo ito sa kama. Sinenyasan sya na lumapit kaya napanguso sya na lumapit rito. Naupo sya sa kandungan nito patagilid at tinignan nya ang binata.

"Ano ba yang dala mong box?" tanong nya.

"Kiss ko muna.." inismira nya ito habang ito ay ngumiti ng pilyo. Hinalikan nya ito kaya napangiti ito na tumugon sa halik nya. Bumitaw na sya dahil ayaw pa nitong magpaawat.

"Oh, sabihin mo na kung ano 'yan."

Natawa ito at binalingan ang box. Tumingin ito sa kanya at hinalikan ang braso nya.

"Buksan mo para malaman mo."

"Talaga?"

Tumango ito kaya umalis sya sa pagkakaupo sa kandungan nito at hinawakan ang takip ng box. Inangat nya at tinignan ang nasa loob. Napamaang sya habang binababa sa sahig ang takip. Kinuha nya ang laman ng box na isang yellow dress na napakaganda.

"Wow!" anas nya.

"You like it?" tanong ng binata na pinapanood ang reaksyon nya. Tumingin sya rito na namamangha.

"Ang ganda nito. Akin ba 'to?"

Nang tumango ito ay hindi nya mapigilan na lumuwag ang ngiti at muling tinignan ang dress. Tinapat nya ito sa katawan nya at masayang-masaya sya dahil bawat tela at tahi nito ay pulidong pulido at napakaganda.

Tumingin sya sa binata at lumapit sya rito. Muli syang naupo sa kandungan nito habang yakap-yakap nya ang dress.

"Bakit mo ako binibigyan nito? Para saan ito?"

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon