Kabanata 17 - Finally

18.2K 468 9
                                    

Kabanata 17

Finally

By the decision of court; Nesya is guilty. Pang habang buhay na pagkakakulong ang pinataw rito dahil sa nagawang pagkakasala sa pagkamatay ni Manilyn at Catherine.

Nakuha man ang hustisya sa pagkamatay ng dalawa, ngunit tanging kalungkutan at pagluluksa parin ang namamayani sa pamilyang ford. Lalo na at mas masakit sa parte ni Samuel na hanggang ngayon ay wala paring katahimikan ang isip nya sa pag-iisip kung buhay pa nga ba si Catherine o talagang nakain na ito ng anu mang uri ng lamang dagat.

Ang christmas, graduation, maging ang birthday ni Catherine ay lumipas na. Sa panahong iyon ay mas lalo lamang nasasaktan si Samuel dahil hindi nya kasama ang dalaga sa mga araw na iyon.

At tiyak na kung nabubuhay lamang ito at baby sa sinapupunan nito ay tiyak na naipanganak na nito iyon. Masakit na hindi man lang nya naalagaan, nalaman ang gender, at nakita ang pagsilang ng kanilang anak.

Binato nya ang bato sa dagat habang puno ng galit rito dahil kinuha nito ang babaeng pinakamamahal nya. Hindi man nya nais na makita ang dagat, pero hindi nya kayang iwanan ang lugar na ito na maraming alaala nila ng dalaga.

"Please, ibalik mo si Catherine sa akin! Nagmamakaawa ako!"

Patuloy sa pagtulo ang kanyang luha at napasabunot sya sa buhok habang nakaupo sa buhangin. Nahiga sya at tumingin sa kalangitan na unti-unting nagkukulay kahel sa kahapunan.

"Mama.."

May yakap-yakap na isang papel ang batang babae na nasa edad tatlong taon. Isang ngiti sa labi nito ang nakapaskil sa tuwa dahil sa hatid ng papel na iyon. Nakapusod sa dalawang hati ang buhok nitong mahaba habang suot ang bestidang gawa ng tinatawag nitong 'Mama'.

"Ano iyan, anak?" tanong ni Veronica na nagtatahi ng nasirang bestida ng kanyang anak na si Star.

"Yung pogi pong teacher namin sa arts, drinawing po ako."

Binaba ni Veronica ang tinatahing bestida sa lamesa at tumayo sya bago lumapit kay Star na naupo sa isang upuan.

"Patingin nga si Mama."

Excited na hinarap ni Star ang drawing ng teacher nito na sinasabi nito. Saling pusa lang si Star sa isang volunteer learning center sa lugar nila. Dahil kahit tatlong taon palang ito ay bibo at deretso na itong magsalita. Wala naman syang magawa dahil napakalayas nito at palaging sumasama kay Annie na kaibigan nya na may anak din na babae na apat na taong gulang naman.

Namangha sya dahil ang ganda ng pagkakadrawing. Kuhang-kuha ang bawat anggulo ng mukha ni Star. Kinuha nya dito ang papel at napahaplos sya sa drawing dahil pakiramdam nya ay napakalaki ng halaga sa kanya ang bawat guhit ng lapis sa papel.

"Napakaganda naman, Anak." binigay nya muli rito ang papel at agad nito iyong niyakap kaya napangiti sya.

"Idol na idol ko po sya, Mama. Gusto ko maging magaling din sa guhit."

Napatango sya at napangiti na naglakad patungo sa kwarto. Kinuha nya ito ng pamalit na damit dahil napakadungis na naman nito, gaya ng kapag uuwi ito.

"Kung gusto mong maging kagaya nya, dapat ay mabait kang bata, masipag, at mahal mo ang ginagawa mo. At dapat na concentrate sa pag-aaral at hindi pasaway." aniya ng maramdaman ang pagsunod nito sa kanya.

"Opo, good girl naman po ako, ah."

Natawa sya at humarap rito na bitbit ang pamalit nitong damit.

"Good girl, pero bakit inaway mo si Ayin?" tanong nya habang nakataas ang kilay nya rito.

Ngumuso ito at kumunot ang noo habang nakapamewang tila ba matandang galit.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now