Kabanata 1 - Feelings

29.6K 533 14
                                    

Kabanata 1

Feelings

Summer days, maraming turista ang dumadayo sa BF Island lalo't maganda ang araw at alon ng tubig. May mga nagtatakbuhang mga batang babae na nakasuot ng bathing suit habang ang ilang batang lalake ay nakabrief..

"Ah, I missed this."

Nilanghap ni Catherine ang masarap na hangin na hatid ng magandang panahon at magandang paligid. Nakaupo sya sa isang tela na nakalapag sa maputing buhangin. She's wearing a pair of floral bikini revealing her fair and flawless skin.

"Here.." Napangiti sya at kinuha ang bigay na sunblock ni Samuel na naupo sa tabi nya.

Pinatakan nya ng kaunti ang palad nya at pinahiran ang legs nya, maging ang braso at tiyan nya. Pilit nyang inaabot ang likod ngunit hindi nya maabot dahil nahihirapan sya lalo't nakaupo.

"Ako na.." inagaw sa kanya ni Samuel ang sun block at nagpunta sa likod nya na kinangiti nya.

"Thanks."

"Uh, I'm excited to feel the water. Hindi ko na muling naranasan ang ganito dahil masyado akong busy sa study ko."

Napangiti si Samuel habang pinapahiran ang likod ni Catherine. Maingat ang pagdampi ng mga kamay nya tila isang babasaging bagay ang katawan ni Catherine para sa kanya.

"Wag kang mag-alala, dito ay kahit kailan ay mararanasan mo ang dagat. Hindi ka na rin naman masyadong gugol sa school."

"Tama ka," napangiti si Catherine at tumayo kaya natigil si Samuel sa paglagay sa kanya ng lotion. Hinubad nya ang sun glasses at hinagis sa towel na kinauupuan nya. Maging ang tsinelas ay hinubad nya bago humarap kay Samuel na nakatingala sa kanya, "Let's swim!"

Napailing si Samuel at agad na nilapag sa towel ang sunblock. Hinubad nya ang suot na summer white sando at maging tsinelas na suot bago tumakbo pasunod kay Catherine.

Pinisikan sya ng tubig ni Catherine kaya natawa sya at hinabol ito habang umiiwas sa pagtapon nito ng tubig sa kanya. Nang maabutan nya ito ay agad nya itong hinuli sa bewang at hindi pinakawalan habang ito ay napatili at napahagikgik.

"Let me go, Samuel. Promise, I'll stop."

Hingal na hingal si Catherine sa ginawang pagtakbo sa tubig upang hindi maabutan ni Samuel, pero nabigo sya at nahuli parin nito. Humarap sya rito at nagpunta sa likod nito. Sumampa sya kaya agad na hinawakan nito ang binti nya kaya mahigpit syang napayakap sa leeg nito.

"Gusto ko sa malalim pa, kaya mo ba?"

"Yeah.."

Napangiti sya at sinandal ang baba sa balikat nito. Napakalaki na ng pinagbago ni Samuel. Dati ay hindi pa mamuscle ang balikat at braso nito, at hindi din ito katangkaran. Tila lahat ay nagbago sa nagdaang mahabang taon ng hindi sila nagkikita. Sa looks ni Samuel ay tiyak nya na kapag nasa state ito ay nasisiguro nya maraming girls ang mahuhulog rito. Hindi naman bago na maganda ang genes ng pamilyang ford, dahil maging ang daddy nya ay nakakuha no'n. Hindi sa pagbubuhat ng bangko; maganda naman sya pero wala syang nakuhang ford sa side ng Dad nya. Sabi ng ilan ay sa mommy nya nakuha ang beauty nya. She's okay with that, because her mom is so gorgeous. A beauty queen material.

Nilubog nya ang isang kamay sa tubig na kitang-kita nya sa linaw ng asul na asul na dagat. Nawawala ang stress nya mula sa flight nya nung nakaraan. Stress reliver talaga ang Bf Island para sa kanya.

"Catherine.."

Pilit na nilungunan ni Samuel si Catherine ng hindi ito umimik. Bumalik na sya sa pangpang at walang pagtutol na natanggap rito. Lumakad sya palapit sa pinag-iwanan ng gamit nila at marahan nyang inupo si Catherine na sinalo nya agad ito upang huwag bumagsak.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now