Kabanata 5 - This is wrong

18.9K 448 20
                                    

Kabanata 5

This is wrong

"Catherine. Anak..."

Naalimpungatan si Catherine ng marinig nya ang tinig ng kanyang ina na si Manilyn. Inaantok, pikit-pikit ang mata nyang kinukusot habang bumabangon mula sa pagkakahiga sa kama.

Nakita nya ang Mom nya at Dad nya na bihis na bihis kaya doon sya tuluyang napamulat habang tinitignan ang mga ito na may pagtataka.

"Bakit po?" napansin nya na kilik ng Dad nya si Zach na nakabihis rin ngunit natutulog sa bisig ng kanya ama.

"Anak, pupunta kami ng maynila ngayon dahil may kailangan kaming asikasuhin. Biglaan kaya ngayon lang namin nasabi sa'yo."

"Po? Aalis kayo? Maiiwan po ako rito?"

"Oo, may klase ka pa bukas. May titingin naman sa'yo kaya hindi na kami mag-aalala."

Napabuntong-hininga sya at wala rin namang magagawa dahil hindi sya makakasama lalo't mamaya ay may exam sya. It's already 1am in the morning.

"Hanggang kelan po kayo mawawala?"

Lumabas sila ng kwarto nya para naman maihatid nya ang mga ito hanggang sa labas ng kanilang bahay.

"I'm not sure, Anak, but I think we are stay in maynila for three weeks." tugon ng Dad nya.

"Ang tagal naman po pala." napanguso sya at nagtampo dahil wala na nga syang makakasama, tapos ganung katagal pa. Ngumiti ang mommy nya at hinaplos ang buhok nya bago ibigay sa kanya ang susi ng bahay.

"Alam kong kaya mo. Sa state nga ay wala kami pero kaya mo. Tsaka rito ay maaari kang pumunta sa mga tita at tito mo, oh 'di kaya ay ayain mo si Samuel."

Wala na syang magawa kundi ang tumango at magpaalam sa mga ito.

"Ingat po kayo. Uwian nyo ako!" pahabol nya na kinangiti ng mga ito bago paandarin ng Dad nya ang kotse paalis sa harap ng bahay nila.

Nakatanaw sya sa palayong kotse hanggang sa mawala iyon sa paningin nya. Napabuga sya ng hangin at napayakap sa sarili ng madama ang hangin na tumatama sa kanyang balat. Sinara nya ng mabuti ang gate at pumasok na sya sa loob, at pinagpatuloy ang naudlot na tulog.

Alas sais ng umaga, antok na antok pa sya pero kailangan nyang bumangon gawa ng alarm clock nya. Pasuray-suray at pikit-pikit pa ang mata nya. Suot pa nya ang silky purple nighties dress. Komportable syang isuot iyon.

Binuksan nya ang ref at kumuha ng one bottle mineral water bago nya tunggain habang nakapikit ang mata nya. Nanlalata sya sa antok kaya kahit ganun ay pilit nyang ginigising ang sarili at naghanap ng makakain para sa pang almusal nya..

Nakakita sya ng can tuna kaya kinuha nya iyon at lumakad sya palapit sa kitchen bar. Nagsalang sya sa bread oven ng tinapay at habang hinihintay ay pumikit sya na nakapalumbaba sa kitchen bar.

Napaidtad lamang sya ng may humawak sa bewang nya at halikan ang leeg nya kaya doon nagising ang diwa nya. Napalingon sya ngunit ang pagsakop sa labi nya ang sumalubong sa kanya kaya hindi sya nakahuma. Bumitaw sya at nakita nyang si Samuel pala na basa ang buhok habang suot ang fitted black shirt at jogging pants na itim rin.

"Samuel.."

Inalis nya ang kamay nito sa bewang nya at hinango nya ang tinapay. Yumakap sa kanya ang binata at pinatong ang baba sa balikat nya.

"Samuel, bitaw nga. Bakit ka ba nangyayakap?"

"Mag-isa ka lang daw dito?" hindi nya alam kung bakit tuwang-tuwa ito. At iba ang pakiramdam nya sa pagkakayakap nito sa kanya kaya medyo nailang sya. Halos umabot na rin ang braso nito sa ilalim ng dibdib nya na medyo ikinaangat ng dulo ng night dress nya.

Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now