Chapter 29: Where are you?

Start from the beginning
                                    

"Hoy! Ano nga? 'Di ko gets!" Inis kong sambit. Tumawa pa siya ng mahina bago sumagot, ulit.

"Hindi talaga?" Bakit sa pagsabi niya nun, biglang nagprocess sa utak ko ang ibig niyang sabihin?

Hindi kaya.......

"Oh shet," napasinghap nalang ako. Ngumiti pa siya saka kumain ulit.

"You've got it," sabi niya.

"Holy cow! Seryoso!? Isa kang Gang-" pinutol niya ako sa pamamagitan ng pagpatahimik sa'kin.

"Oo... Oo, 'wag kang maingay. Secret lang natin 'yon ah." Sabi niya na para bang joke time lang 'to sa kanya.

"Ang President ng St. Joseph's? Gangster?" Pabulong kong sambit sa part na gangster.

"Oo, 'wag mong sabihin ha. A secret is a secret." Kumindat pa siya. Nung medyo bumaba na ang pagkatense ng katawan ko, naisipan kong kumain ulit.

"E-eh, bakit mo 'ko sinasabihan kung secret lang pala?" Tanong ko habang ngumunguya.

"Eh bakit 'di ko pagkakatiwalaan ang babaeng liniligawan ko? Ultimo puso ko nga, pinagkatiwala ko na sa'yo eh, 'yan pa kaya." Sabi niya at ngumisi. Hokage!

"Hoy, tungkol pala dyan sa ligaw ligaw thing mo na 'yan. Seryoso ka ba talaga diyan?" Medyo na-aawkwardan pa kasi ako eh. Baka kasi napressure lang siya dahil sa kinwento ko about kay Mommy... hays, miss ko na ang malusog na Mommy ko.

"Oo naman, ano sa tingin mo? Nagjo-joke ako?" Seryoso ngunit may halong pakilig niyang sambit. Uy, warning! 'Di ako kinilig dun ah, hindi talaga. Kahit ang gwapo pa nitong lalake sa harap ko, 'di talaga ako mabilis matablan ng charms charms na 'yan.

"H-hindi nga, sabi ko nga." Nasagot ko nalang. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa magkapaalaman na.

"Sige, uwi na ako. Maguumaga na rin eh, salamat pala sa time." Paalam ko sa kanya at tumayo na. Patay, bawal pala akong magdrive kung alas sais na kaya kailangan ko ng bilisan. Alas singko na eh. Malayo layo pa naman 'yong bahay namin, medyo may pagkalayo kasi sa city.

"Sige, no probs. See you when I see you! Secret is a secret ah?" Nanigurado pa talaga. Tsk, kung 'di din naman ako trustworthy, bakit niya pa sinabi?! Ay! Nagiging pikunin na talaga ako.

"Oo! 'Wag kang magalala, your secret is safe with me." Panigurado ko sa kanya na 'di talaga ako magsasabi kahit kanino.

"Pati puso ko ah? Ingatan mo rin," banat niya.

"Naks! Bumabanat si Mr. President ah!" Asar ko sa kanya ng palabas na kami ng Jollibee.

"Syempre naman, basta't para kay Ms. President!" Tatawa tawa naman kami.

"Heh! Ang hokage mong manligaw! Tsk!" Pabiro ko ring sabi. Nang makarating na kami sa sasakyan na minaneho ko, nagpaalam na talaga kami saka nagpaharurot na ako.

Nang dumating ako sa bahay, buti at hindi ako nadakip. Swerte ko walang LTO na nakabantay ngayon sa high way ah.

"Hija! Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap! Jusko kang bata ka!" Sinalubong kaagad ako ni Manang Soledad, ang madrasta sa bahay. Since ata nang 2 years old ako, dito na nagtatrabaho si Manang pero dahil sa mga kailangan niyang asikasuhin, less bonding time nalang kami.

"Sorry po manang, nagpahangin lang ho. Don't worry, okay lang po ako." Sagot ko at ngumiti kay Manang.

"Aysus ka talaga! Sana nagpaalam ka. Hayayay! Buti at hindi pa nagising ang Ate mo kundi kanina pa iyon nagsumbong sa pulis. Osya, kumain ka na ng agahan mo." Panermon ni Manang. Kapag nagsalita si Manang, 'di ako nagagalit o naiinis. Para ko na rin kasi siyang second Mommy eh.

The Gangster's LoveWhere stories live. Discover now