"Magpaalam ka kila Tita Scarlet na dito ka matutulog."

"Yes po, I'll call them later."

"Ayusin mo ang pag-explain ha." natawa naman si Marcus.

"Copy that." and winked at her before she went inside her room.



They had a nice dinner. Hindi akalain ni Annika na marunong din pala na magluto si Marcus.

"Mas na-in love ka ba sa akin ngayon because I know how to cook?" biro nito kay Annika. Namula naman ang huli.

"H-Hindi ko lang talaga in-expect na may talent ka rin sa pagluluto." sagot nito habang nagliligpit sila ng mga hugas ng pinggan. He moves closer to her.

"May iba pa akong talent sweetheart, do you wanna know?" he teases her na mas lalong kinapula ng mukha ni Annika. She pushed him lightly.

"W-Wala akong pake 'no. Tapusin na nga natin itong pagliligpit." tumawa naman si Marcus.

"Ano bang nasa isip mo? ikaw talaga sweetheart, sasabihin ko lang naman na marunong din akong kumanta."

"Okay."

"Pikon na sya.." sabay sundot sa tagiliran ng nobya na kinagulat naman nito.

"Marcus!"

"'wag ka na mapikon, sweetheart."

"Hindi ako napikon, okay?"

"Talaga?"

"Oo nga." Saka tinapos ang pagliligpit.

"Love you." and he kissed her on the cheek. Tahimik lang si Annika. Inakbayan sya ni Marcus saka inakay papunta ng sala.

"Sorry na, bati na tayo..please?" at sabay silang umupo sa sofa saka binuksan ang t.v.

"Hindi naman tayo nag-away. Imbento ka." he cups her face with both hands.

"Promise, we're okay?" He said while looking at her in the eyes.

"We're okay. Ikaw lang itong makulit."

"Mahal mo naman."

"Mahal naman talaga kita." mabilis nitong sagot sa nobyo. Napahinto naman bigla si Marcus.

"Sh-t, sweetheart. Kinikilig ako." He honestly said that makes her smile. Smile turns to laughter.

"Hay naku, sweetheart. Manuod na lang tayo." saka inakbayan ulit sya ni Marcus habang nanunuod sila.

Alas onse na ng gabi ng mapag-desisyunan nila na matulog na.

"Gusto mo ba sa tabi mo na lang ako matulog?" tanong ni Marcus.

"No, thank you." mabilis nitong sagot habang nakangiti.

"Sure?"

"101% sure, sweetheart."

"O-Okay." With a disappointed voice.

"Goodnight." then she kissed him on the cheek.

"Good night." saka naglakad si Annika pero pinigilan sya ng nobyo.

"Sure ka talaga?" natawa naman si Annika.

"Sobrang sure ako kaya huwag ka ng makulit. Hindi ka pwedeng matulog sa loob ng kwarto ko."

"Tsk. Matutulog lang naman katabi ka eh." bulong nito.

"Narinig ko yun, Marcus Quintana."

"Hatid na lang kita sa kwarto mo."

"Mukha bang malayo yung kwarto ko? Ilang hakbang lang naman yun." Sagot nito habang nagpipigil ng tawa.

"Fine."

"Gusto mo palit na lang tayo?"

"No way. Sige na pumasok ka na sa kwarto mo." sabay akay nito sa nobya papunta sa kwarto nito.

"Para-paraan ka talaga." sabay pisil sa tungki ng ilong ng nobyo. Nasa tapat na sila ng kwarto.

"There's no harm in trying."

"Tsk. Sige na, good night." sabay talikod pero hinarap ulit sya ng nobyo.

"Kiss ko?"

"Nabigay ko sa na iyo kanina." Kumunot naman ang noo ni Marcus.

"Pang friends lang yung kiss na ganun."

"So kini-kiss mo sa cheek ang friends mo na babae?" tanong nito ng nakataas ang isang kilay.

"No..I mean. Argh! sweetheart, let's not argue over non-sense things."

"Defensive mo masyado." saka tinignan nya ito ng may duda kahit nagbibiro lang talaga sya. He holds her hands.

"Sweetheart, I'm telling you the truth---" then she cuts him off and kissed him on the lips.

"I know. Binibiro lang kita. Good night, sweetheart." mabilis naman na hinawakan ulit ni Marcus ang magkabilang pisngi ni Annika saka ginawaran ito ng matagal at malalim na halik.

"I love you. Sweet dreams." saka nito hinayaan na tuloyang makapasok sa loob ng kwarto ang nobya.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

What he wants, He gets.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon