Chapter 14

1.9K 59 2
                                    

"Hey, ang dami na nang nainom mo!" malambing na bulong kay Daniel ni Chloe. Nasa isang sikat na club sila sa Makati.

"Just let me be, Chloe!' muli niyang tinungga ang alak na nasa kopita. May dalawang linggo na simula ng iwan siya ni Maris, pero tila hindi nababawasan ang sakit na meron siya.

"Cmon, tama na yan! May naisip akong mas magandang bagay na gawin natin...." naramdaman niya ang paghimas ng babae sa kanyang braso. Kung gaya pa din siya ng dati, baka agad niyang daluhan ang imbitasyon na ito ni Chloe. But he isn't in the mood for anything, he just want to drink and drink till he can no longer feel anything.

"What is your problem, Dandan? Nandito ka nga pero parang di ka naman namin kasama. Tell, dahil pa din ba sa babaeng yun?" tila nawawalan ng pasensya na bulyaw sa kanya ng dalaga nang tila maramdaman nito ang pag ayaw niya sa mga advances nito.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang sinabi ni Chloe.

"Wag mo siyang isali dito, please! Ayoko na din makarinig ng kahit na anong tungkol sa kanya." sigaw niya sa dalaga na labis nitong kinagulat. Agad namang lumapit sa kanila sila Bryan at Zara ng marinig ang tila komosyon na nagaganap. Si Zara ay agad na inalo si Chloe na nakayuko at halatang nasaktan sa nagawang pagsigaw sa kanya ni Daniel. Si Bryan naman ay hinarap siya.

"Seriously, what's your problem, dude?" tila nagtitimpi na tanong sa kanya ng kaibigan. Nag-angat siya ng tingin, at tinapunan ng matalim na titig ang lalaki.

"Ano bang pakelam mo? Wala kang pakelam, you know nothing!" sigaw niya kay Bryan. Muli niya sanang tutunggain ang alak na nasa kopita ng marahas itong hatakin ng kaibigan. Bagay na ikinagalit niya.

"Bakit mo ginawa yun? Pabayaan mo ako!" itinulak ni Daniel si Bryan, na agad naman gumanti ng marahas din na tulak. Ngunit bago pa man sila magpang-abot ay agad na silang napigil at naawat ng iba pang mga kaibigan at kakilala.

"Pagsabihan nyo yang si Bryan!"

"Dude ako ba talaga ang kailangan nilang pagsabihan? Look at you! Kelan ka huling tumingin sa salamin? You look miserable!" patuya nitong bulyaw, muli niya sana itong susugurin ng suntok ngunit maagap siyang napigilian ng ilang kaibigan.

"Wala kang alam sa mga pinagdadaanan ko! Wala kang alam!!" he screams.

"Oo, siguro nga wala kaming alam sa mga nangyayari sa'yo, just because you chose to stay away from us. Dude, babae lang yan..."

"B-bryan, tama na!" lumapit dito si Zara at masuyong hinawakan ang braso ng binata.

"No, Zara! I think it's time for Daniel to hear everything he doesn't want to hear." mahinahon nitong paliwanag sa dalaga, at pagkatapos ay muli siya hinarap.

"Alam mo ang problema mo? Ang duwag mo! Kesa harapin mo kung ano yang ikinalulungkot mo, you opted to live your sadness and anger. Dude, duwag ka! Oo, siguro di namin alam kung ano ang pinagdadaanan mo, pero kung mahalaga sa'yo ang isang bagay, bakit hindi mo sundan? Bakit hindi mo habulin? Mas okay na yung masaktan ka na lumalaban, kaysa naman diyan sa ginagawa mo ngayon. You are making yourself miserable, which is absurd lalo kung may magagawa ka naman.

And I have some news for you, hindi titigil ang mundo para sa'yo dahil lang sa malungkot ka. Dahil lang sa brokenhearted ka! Magpapatuloy ang mundo, dahil hindi sa'yo 'to umiikot. Hindi mag-a-adjust para sa'yo ang mga tao sa paligid mo. Kung ayaw mong harapin ang problema mo, at least spare us with your self-pity stints."  hinila nito si Zara at Chloe palabas sa club na yun. Habang naiwan naman si Daniel na natulala. Pakiramdam siya ay umiikot ang kanyang ulo sa pagkahilo dahil sa alak na nainom at sa mga narinig sa kaibigan.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon