Chapter 2

3.3K 79 7
                                    

"O, pasado po ba ako?" narinig ni Daniel na tanong ng babaeng nasa kanyang harapan. Naguguluhang muling umangat ang tingin ng binata sa mga mata ng dalaga. She's smiling, that kind of smile that could brighten up someone's day.

"Excuse me?" Tanong ni Daniel dito pagkaraan ng ilang sandali.

"Hahahah! You were staring at me kasi, so I thought to asked if pasado po b aako?" Her voice is so friendly, pero di alam ng binata kung bakit nakaramdam siya ng inis para dito.

"Psst, Kuyang Pogi! Naaalala mo pa ba ako?" nadako ang tingin ni Daniel sa batang babae na nasa tabi ng babaeng may magandang ngiti. Weird, pero ngayon lang niya napansin ang batang babae!

"Oo naman! Cecilia, right?" nakangiti niyang balik tanong sa batang babae.

"Hehehe! Natatandaan mo ako ha! Kasama ko pala si Teacher Maris! Siya yung sinasabi ko sa'yo, Kuya!" Pagpapakilala ni  Cecilia sa babaeng kasama. Muling nabaling ang tingin dito ng binata. "So, ito ang Teacher Maris na kanina pa niyayabang ng batang 'to" sabi ng binata sa kanyang isip.

"I see!" tatango tango niyang sagot sa bata.  Muling lumapit sa kanya ang bata at tila may ibubulong. Yumukod ng bahagya si Daniel.

"Oh diba? Ang ganda ganda ng teacher namin? Sabi ko sa'yo bagay kayo eh!" bulong ni Cecilia sa kanya na sigurado siyang narinig naman ni Teacher Maris.

"Cesi, ikaw ha! Mina-match make mo na naman ako!" narinig ni Daniel na sabi ng babae.

"Pasensya na kayo diyan, Sir Daniel ha! May kakulitan lang talaga pero mabait yan!" maya maya ay dagdag  nito. He look at her, she's smiling again! Di ba ito marunong sumimangot?

"It's fine! Don't worry, wala naman ako balak seryosohin ang pagma-match making ni CeSi. Di ko lang alam sa'yo." sadyang inasar ni Daniel ang babae kung makikita ang pagbabago sa reaksyon nito. Nakita niyang saglit itong nag-isip, ngunit agad naman na bumalik ang mga ngiti sa labi.

"Naku, aarte pa ba ako? Ang gwapo mo kaya, di na ako magpapaka- choosy pa, noh!" masiglang sagot nito na di alam nang binata kung nagbibiro.

He was about to say something ng biglang lumapit si Chloe. He seriously almost forget about her, nakalimutan niyang kasama pala niya ang modelo.

"Dandan, I really can't take this anymore. Are you sure you will want to stay here? Gosh! This place stinks!" maarte nitong wika na umarte pa na talagang diring-diri. He saw Maris smells her armpit, then also smells Cesi's armpit. Gustong matawa ni Daniel sa dalawa.

"Mabango ako ha, Teacher!" Narinig pa niya na sabi ni Cesi. Pinigilan lang talaga ng binata na wag matawa dahil baka akalain ni Chloe, ito ay pinagtatawanan niya.

"Well, you can go back to Makati na, Chloe. I'll be fine here." suhestiyon niya dito bukod sa talaga namang gusto na din niyang tantanan siya ng babae.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon