Chapter 9

1.9K 63 8
                                    

Pagkatapos ng convention ay nagkaron ng isang maliit na party para sa mga delegado. Doon dumiretso ang grupo ni Daniel. Pagpasok sa ballroom ng isang kilalang hotel ay agad nakita ng binata si Maris na abala sa pag-aasikaso sa mga batang kasama. Gusto niyang lapitan ang dalaga, ngunit hindi siya sigurado kung gusto ba siyang makausap nito. Kaya naman ay nakuntento na lamang siyang pagmasdan ang babae mula sa malayo. Nakita niya ang isang mataas na lalaki na lumapit kay Maris. Nakilala niya na anak ito ng isang popular na aktor. They're starting to attract attention from the press.

"Yuck, who is that girl? She is so baduy! Bakit siya kinakausap ni Inigo?" narinig ni Daniel na sinabi ng kaibigang si Zara.

"I don't know! Baka for charity case, you know." painsultong sagot naman ni Bryan sa babae. Nagtiim ang bagang ni Daniel. Hindi niya gusto ang ginagawang pangmamaliit ng mga ito kay Maris.

"I think I know that girl. Ayan yung fan ni Daniel eh! God, ang cheap! Di ba tiga dun yan sa bundok ng basura?" Chloe added.

"Really? Kaya pala nangangamoy dito. Here she comes, panoorin mo ang gagawin ko sa basurerang yan.." bago pa mapigilan ni Daniel si Zara ay agad na nitong nasalubong si Maris na kumuha ng inumin. Sinandya nitong banggain ang babae kaya naman medyo natapunan si Zara ng dala nitong inumin.

"Gosh! Look what you've done.." sigaw ni Zara kay Maris. Akma namang pupunasan ni Maris ang sapatos ng babae ng muli itong magsalita.

"Hey, don't touch my shoes! Baka lalo mo pang madumihan. Mahal yan, baka hindi ka pa nakakahawak niyan." patuya na muling bulyaw ni Zara sa babae. Si Daniel naman ay agad na tinayo si Maris. Sasawayin niya sana ang kaibigan ng lumapit naman si Chloe.

"Gosh! I know you. Kaya naman pala nangangamoy dito. Di ba tiga-Vitas ka? What are you doing here? Begging for some solicitation, perhaps?" taas kilay na sabi ni Chloe. Di niya maintindihan pero unang kita pa lamang niya kay Maris, kumukulo na talaga ang dugo niya dito.

"Zara, Chloe, that's enough!" Daniel butt in. Tinapik tapik ni Maris ang kanyang kamay.

"Don't tell me, Dandan, you will take her side?" si Zara na nagulat sa pagtaas ng kanyang tinig.

"Zara, please talk in Tagalog, baka hindi ka naiintindihan! Alam mo naman sa kanila sa Tondo, salitang kalye." muling patuya na sabi ni Chloe. Daniel saw Maris inhale, then smiles.

"Ma'am, I think nag-sorry na ako sa inyo. Tama po kayo, tiga-Vitas kami. Tama din kayo na nandon ang bundok ng basura. And tama din kayo na andito kami to seek for help. But don't you think you girls are being rude? Just sad that money can't buy you class.

That kind of mouth you use to kiss your mothers? I suggest you gargle an enormous amount of mouthwash, cause seriously, your mouth stinks! And by the way, let me tell you that there is dignity in being poor. I don't want to stoop down to your shallow, pathetic level but you push your luck too much." sabi ni Maris na hindi pa din nawawala ang ngiti, patalikod na ito ng tila may muling naalala. Hinarap nito si Zara. 

"And Miss, I know how much an LV shoes cost, believe me! So, let me tell you this, you are as fake as your shoes and as fake as your boobs." yun lang at naglakad na itong palayo. Si Daniel naman ay naiwang natitigilan, habang ang dalawang babae ay tila sinampal sa mga sinabi ng dalaga. Hindi akalain ni Daniel na may tinatagong tapang si Maris. Nasanay siyang lagi na ay mahinahon at nakangiti ang babae. 

He smiles. Well, at least she fought back with class. Hindi kailangan magtaas ng tinig, but she manage to give Zara and Chloe a dose of their own medicine. Buong paghanga itong pinagmasdan ni Daniel na ngayon ay muling naging abala sa pag-aasikaso sa mga bata na tila walang nangyari. Ngayon, nakilala niya ang isang bahagi ng pagkatao ng dalaga, ang Maris na palaban.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon