Chapter 8

1.9K 58 4
                                    

Matulin na lumipas ang isang linggo sa buhay ni Daniel ng muli siyang makabalik mula sa Vitas. Naging abala ang binata sa mga naiwang trabaho, and partying every night. Pero kahit anong gawin ng binata, every night before he go to bed, may isang tao siyang hindi maiwaksi sa isip, si Maris.

Gusto niyang bisitahin ang dalaga at kamustahin, ngunit alam niya na sobrang magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan. Maris world is all about kindness and charity, while his world is all about glam, fame and looking good. He admits, being inside her world made him realized how shallow his world can be. Kung may gusto man siyang wag mangyari, yun ay ang makaladkad si Maris sa kanyang mundong ginagalawan. At alam niya na kung bibisitahin niya nag dalaga, he will attract unwanted attentions, and he doesn't want her to be drag in his chaotic world.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Dude, after this let's party ha! Some gorgeous European models will be in this bar in Makati. We should see them!!" may kamanyakan na sabi ng kaibigan niyang si Bryan. Nasa PICC sila ngayon para sa isang convention na dadaluhan ng mga delegado mula sa iba't-ibang panig ng Asya. Naimbitahan ang kanilang management dahil sa aktibong pagtulong ng mga ito sa ilang charitable works.

"Let's see, dude! Pag maaga tayong natapos dito." naiiling na sinagot ni Daniel sa paanyaya ng kaibigan. He is with some of his friends na mga modelo din at parte din ng management na kanyang kinabibilangan. Actually, they are turning heads! Bakit hindi, talaga naman nag-gagandahan at nag-gwagwapuhan sila. Not to mention, they wear the latest trends.

Hindi muna sila sa pumasok sa loob upang hintayin ang pagdating ni Chloe. They were told by their management to come as a group. At dahil nga late ang babae, they have no choice but to wait for her. Tutal on the way na naman daw ito.

"Kuyang Pogi!" narinig ni Daniel ang tinig na yun. Awtomatiko siyang napalingon. He saw Cesi. Naka-puti itong dress at naka-itim na school shoes. Ang mga buhok nito ay naka-pigtail. Kahit halatang luma ang suot ng bata ay maayos at malinis naman ito kaysa nung nasa Vitas ito. Maging ang kanyang mga kaibigan ay napadako ang tingin sa bata.

"Do you know that kid?" taas kilay na tanong ni Zara, isa din itong modelo. Ang mga tingin nito ay may halong pang-aalipusta. Si CeSi naman ay nakangiting lumapit sa binata. Halata sa mukha ng bata ang kagalakan na muli siyang makita.

"Kuyang Pogi, natatandaan mo ba ako?" muling tanong ng bata. Ang mga ngiti nito ay abot hanggang mata.

"Dude, kilala mo ba yan? You didn't tell us may mga street kids ka na palang kaibigan." si Bryan, na sinundan ng tawanan ng iba pa nilang kasamahan. Napatingin si Daniel sa mga ito. Ano ba ang sasabihin niya?

'Hmm, h-hindi! H-indi ko siya k-kilala!" mahina niyang nasabi pagkaraan ng ilang saglit. Nakita niyang tila magsasalita ang batang babae na pigilan ito ng isang tinig.

"CeSi..." parang napako ang binata sa kanyang kinatatayuan. Kilala niya ang tinig na yun. He knows that voice so well. Unti-unti siyang lumingon sa pinanggalingan ng tinig. He saw Maris walking towards them. She's wearing a flowery dress, her usual black doll shoes and blazer. At gaya ng dati ang buhok nito ay nakalugay at nilagyan ng itim na clip sa gilid. Daniel held his breath.

"Pasensya na po kayo! Kanina ko pa po kasi hinahanap ang batang ito." nakangiti nitong wika ng makalapit kay CeSi.

"Gosh! Hindi kayo dapat pakalat-kalat dito. Kung ano ano pa sinasabi niyang bata na yan. You should wait till the event is over before approaching us to take pictures with you. Yan naman di ba ang habol nyo?" mataray na pahayag ni Zara sa dalaga. Ngunit hindi nagbago ang ekpresyon ng mukha ni Maris. Nakangiti pa din ito sa kanila ng mga kasama.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon