Chapter 3

3K 68 2
                                    

Pabalik na sana si Daniel sa kanyang silid ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng ilang kalalakihan. Di sana gusto ng binata na makihalubilo sa mga ito, pero wala siyang choice kundi lapitan ang mga lalaki.

"Boss! Magandan ggabi! Tagay oh" parang gustong mapangiwi ni Daniel ng inabot sa kanya ng isang maitim na lalaki ang baso. May pitong lalaki na nakapalibot sa inuman, at lahat ng ito ay umiinom sa iisang baso. The thought disgust Daniel. Pero wala siyang magawa kundi tanggapin ang tagay mula sa mga ito.

"Yon!! Ang kowboy pala talaga ni Sir eh!" Palakpakan ng mga lalaki pagkatapos niyang inumin ang tagay. Hinila ng lalaking maitim ang isang silya at inayayahan siyang maupo don. Napipilitang naupo ang binata. Ang balak niya ay manatili lamang ng ilang minuto at pagkatapos ay papanhik na siya sa kanyang silid.

Napansin ni Daniel na sa tuwing may dadaang magagandang babae ay mag-uunahan sa pagpito ang mga lalaki. O, pagtawag sa mga ito. Kaya naman nagtaka siya ng magyukuan lamang ang mga ito ng si Teacher Maris ang dumaan. Hindi tuloy maiwasan ng binata na titigan ang babae.

"Ser, kursunada nyo ba si Teacher Maris?" tanong sa kanya ng lalaking maitim na napag alaman niyang Mario ang pangalan. Naiiling siyang tumawa.

Si Mario naman ay naupo sa tabi niya, "maganda talaga yan si Ma'am. Kowboy din yan! Napakagaling kumanta, mabait pa. Kaso wag kang loloko loko diyan, ubod ng sunget yan! Kami nga dito lagi niyang nasesermunan." Mahinang bulong sa kanya ng lalaki.

Yun naman pala. Takot pala ang mga ito kay Maris. Amused na amused na muling tinitigan ng binata ang babae. Sa tingin niya wala pang 5'3 ang dalaga, may kapayatan din ito. Di mo aakalain na tutupi ang mga barakong nasa harap niya sa babae. Nakita niyang papalapit ito sa kanila.

"Mang Mario, ang aga nyan ha! Sinama nyo pa si Sir Daniel." matamis nitong ngiti sa lahat.

"Nakuu, hindi naman po, Ma'am! Sakatanuyan nga, ikaw ang pinagku-kwentuhan namin ni Ser Pogi dito eh!" sagot ni Mang Mario na kamot kamot pa ng ulo.

"Ganon ba? Dapat ginandahan nyo yung mga kwento nyo ha! Baka di ako ligawan ni Sir Daniel nyan." she giggles. Ang binata naman ay di alam kung ano ang magiging reaksyon. Di niya alam kung seryoso ang dalaga o nagbibiro lamang.

"Siyempre! Puro magaganda, Ma'am. Kayo pa ba? Malakas kayo sa amin eh! Ma'am, paano gaya ng dati?'

"Oo ba! Agawin nyo na yung mic nang makapagsimula na tayo, Mang Mario!"  nagpalipat-lipat ng tingin si Daniel sa dalawa. He have no idea kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

Saglit na nawala si Mang Mario, at pagkatapos ay dala na nito ang mic ng videoke. Bumaling ang lalaki kay Daniel.

"Ser, ano pong gusto niyong kantahin? Kayo na po mauna dahil kayo po ang bisitors namin! aaa, Tama ba yung English ko Ma'am?" masaya nitong tanong sa guro.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon