Chapter 6

2.1K 67 6
                                    

Napag-alaman ni Daniel mula kila Maris at Fourth na tatay ni CeSi ang matangkad na lalaking pinagtulungan nilang bugbugin. Ayon din sa mga ito ay matagal na nitong pinagbubuhatan ng kamay ang batang babae lalo pag wala itong nadadalang kita. Hindi man lang nahulaan ni Daniel na may mabigat na pinagdadaanan ang bata dahil napaka-daldal at napaka-masayahin nito. Di ba nga't sa tuwina ay masigla at biba si CeSi sa tuwing kinakausap siya.

"Aray!! Dahan dahan naman, Fourth!" narinig niyang reklamo sa lalaki na nilalagyan ng yelo ang pasa sa binti ng babae.

"Ang lakas mo kasi maka-action star! Sumugod ba naman don mag-isa? Anong kala mo sa sarili mo, Charlie's Angel?" hindi ngumingiti na wika ni Fourth.

"Ayy, ang sunget!! Bat ang sunget mo? Di pa naman sa'yo bagay pag masunget ka, nababawasan ng 50% yung pogi meter mo."

"Heh! Diyan ka magaling. Wag mo nang uulitin yun, Mariestella ha! Kelan mo ba titigilan maging superhero para sa lahat?" hindi pa din nakangiting pagalit nito sa dalaga. Nakita ni Daniel na tumayo ang dalaga at yumakap sa mga braso ni Fourth. Tila nakaramdam ng estrangherong pakiramdam ang binata. Yumuko si Daniel, cause suddenly he felt awkward.

"Oi, wag ka na magalit! Promise next time, di na ako susugod ng basta basta." tinaas pa nang dalaga ang kamay.

"Sige na, sige na! Alam mo din naman na hindi kita matitiis eh."

"Yehey!!!" masayang lundag lundag pa ni Maris.

"Hey, Dandan, thank you din ha! Kung di mo agad tinalon yun, baka najombag na ako non." nag-angat ng tingin ang binata pagkarinig sa kanyang pangalan. He met Maris' beautiful smile!

"Wala yun!" cool niyang ani sa babae kahit ang totoo, muntik mahulog ang puso niya ng makitang susuntukin ng ama ni CeSi si Maris. Di siya matatakutin, pero talagang lubha siyang natakot ng makitang nasa panganib ang dalaga.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong araw na lamang ang natitira at aalis na si Daniel sa Vitas. Ayaw man aminin ng binata pero sa loob ng maikling panahon, napamahal sa kanya ang lugar na ito. Kung dati ay kailangan pa niyang hilahin para lang pumunta dito, ngayon ay tila may bigat sa dibdib na iiwan niya ang Vitas. He met lots of colorful and interesting personalities here, isa na don si Maris.

Ngayon nga ay nakita niyang abala ito sa pagsusulat ng kung ano sa loob ng barangay office. Biyernes ngayon kaya maaga natapos ang klase ng dalaga. Nilapitan niya ito na abala sa pagsusulat sa ibat-ibang kulay ng post-it na papel, tutupiin at pagkatapos ay ilalagay sa loob ng isang maliit na garapon na nilagyan ng pink na ribbon.

"Hey, Maris! What are you doing? Super busy ha!" tila nagulat ito. Pero maya maya ay nagpatuloy sa pagsusulat.

"Ano yan?" muli niyang tanong sa babae. Hinulog nito ang ilang papel, at pagkatapos ay inalog-alog ang maliit na garapon.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon