Chapter 10

2K 57 3
                                    

Hindi mapakali si Daniel habang naghihintay sa harapan ng isang kilalang hotel kung saan gaganapin ang ball ng isang kilalang network. Taon-taon ay lagi nang naiimbitahan siyang dumalo sa pagtitipon na iyon. Noong mga nakaraang taon ay mag-isa siyang pumupunta. Last year, he was with Chloe. But this year, he made a promise to a very special lady, si Maris.

Kaya ngayon ay aligaga ang binata. Maaga niyang pinapunta ang driver sa Tondo para sunduin ang dalaga. Pinadala din niya dito ang puting gown na mismong ang kanya pang ate ang pumili para kay Maris. Ngunit nagsimula nang maglakad sa red carpet ang ilan sa mga celebrities ay wala pa din ang dalaga. Parang tinatambol na sa kaba ang dibdib ni Daniel.

"Hey, Dandan, wala pa si Ms. DSWD?" nilingon ng lalaki ang nagsalita. Si Chloe, kasama nito ang isang male model bilang date. Habang si Zara at Bryan naman ang magka-partner. Parehas na naka-itim na gown ang dalawa na may kababaan ang mga neckline. The gowns are really showing off their sexy figures.

"Maris ang pangalan niya. So, please stop calling her names." buong pagtitimpi na sabi niya sa mga kaibigan. Isa sa marami niyang natutuhan kay Maris ay ang maging mahinahon, at laging pilitin na intindihin ang mga tao. Ayon sa dalaga, lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan.

He can't help smiling with just a thought of her.

"Seriously, dude, kakampihan mo na naman yung babae na yun? Ang laki na nang pinagbago mo simula nung bumalik ka from Tondo. Suddenly, you become a total stranger. Hindi na ikaw ang dating Daniel na kilala namin." narinig niyang sinabi ni Bryan. Natigilan ang binata. Tama naman ang sinabi ng kaibigan. Dumalang na ang pagsama niya sa mga ito. Sa tuwing wala siyang ginagawa, mas pinipili niyang pumunta sa Vitas. Tinutulungan niya sa pagtuturo sa mga batang kapus palad sila Fourth at Maris. Kung hindi naman ay sumasama siya sa mga feeding program sa mga lugar na sakop ng Vitas. Masaya siya sa kanyang ginagawa. Nakakaramdam siya ng fulfillment sa ginagawang pagtulong sa kapwa

"Ayokong makipag talo sainyo. I still consider you as my friends, but please leave Maris alone." mahinahon pa din niyang pahayag sa mga kaibigan. Nakita niyang may sasabihin pa sana si Bryan nang pumarada sa tapat nila ang kanyang sasakyan. Nakaramdam bigla ng kakaibang kaba ang binata.

Naunang bumaba ang kanyang driver. Mabilis itong umikot upang buksan ang pinto ng passenger;s seat. Lumabas mula doon si Maris.

Natulala si Daniel ng tuluyang masilayan ang dalaga. Akala niya ay sa nobela o pelikula lamang nangyayari iyon, pero it is actually happening to him right now. Pakiramdam niya ay sila lamang ang tao sa lugar na yun, maging ang kanyang mga kaibigan ay hindi na niya makita. Tila slow motion ang paglalakad ni Maris papalapit sa kanya. Parang may naririnig siyang fireworks. At pakiramdam ng lalaki, maging ang tibok ng kanyang puso ay naririnig na din niya sa lakas.

"Dandan, okay lang ba?" tinig ng babae ang nagpabalik sa kasalakuyan sa binata. Parang biglang natauhan si Daniel. He stares at the beauty in front of him. Her hair is in messy buns with soft curl. Di gaya ng mga ordinaryong araw, she is wearing make-up, which enhance all her beautiful features.

"Are you serious? Sobrang ganda mo, Maris! You're the hottest here." buong paghangang turan ng binata. He heard her giggles na tila nahihiya. Pero sincere siya sa sinabi, dahil miski si Bryan at ang modelong date ni Chloe ay buong paghangang nakatingin sa babae. She is a picture of a beautiful woman, at para sa lalaki, si Maris ang pinakamaganda sa lahat. Inilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga, at pagkatapos ay sabay na silang naglakad sa red carpet.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon