Chapter 6: Oo, isa ka sa pinapangarap ko

210 4 0
                                    

Masaya naman ako sa mga nangyari. Nakapag vent out ako, nakabonding ko siya, nakatanggap pako ng kiss mula sa kanya. At kinahapunan, nakatanggap ako ng text mula sa kanya saying,

"Jon, Thanks ulit sa regalo mo sa akin. Ferrero at book ni Bob Ong. Nung binuksan ko naiyak ako dahil may tao pa palang nakaka-appreciate at nagmamahal sakin. Salamat! Ang sweet mo pala at maalaga pa."

Oh-my-G!

Haha. Kinikiliiiig ako ! Yes! Finally, I was able to do my first step. That's to make him say or know that I'm a good person and that I really care for him.

Tuloy-tuloy ang pagte-text namin simula noon. Mas kinikila ko siya. At mukha namang nagkaroon siya ng kaunting interest sakin at humahaba na ang kanyang mga replies. Kahit minsan pinapasok niya parin yung usapan na hindi pa siya ready. Tulad ng conversation namin na 'to:

(Copied from my inbox)

Sya: "That's why I keep reminding everyone here at the clan na kilalanin akong mabuti, not just in physical. Wala eh, may mga tao talagang mapanghusga. :) so its better for me to move alone and never commit to any relationship except friendship. :)"

Ako: "Ganon ba. Sorry for ME to hear na you never want to commit relationship."

Sya: "Okay naman sakin ang makipag-Rel, pero ayoko muna talaga isabay. Hehe"

Ako: "Ayaw isabay? Saan? Bakit? I'm raising my hand here. Willing to wait whenever u're ready :)"

-Weee. HAPPY ng bahagya--

Pero ewan ko talaga kung matutuwa ako o hindi dahil sa paminsan-minsan na pag sasabi niya na hindi siya ready or for what ever reason pa. Hindi man niya ako gusto, I'm happy na magkatext kami at nalalaman ko natutuwa siya sa 'kin. Nasabi ko na 'rin na isa siya sa mga pangarap ko noong isang araw na napagusapan namin ang tungkol sa pangarap.

(Copied from my inbox)

Ako: "Kaya nga mag aaral na ako next year. Para masimulan ko ng buuhin mga panagarap na yon :) Parang ikaw? Isa ka sa mga pangarap ko. Na mukhang pangarap nalang."

Sya: "Wow kasama ako sa Dreams mo? Hehe nice naman :)"

Nakatulog ako kaya hindi ko na siya nareplyan non. Pero sasabihin ko sana na,

"Oo isa ka sa mga pangarap ko. Kaya sana bigyan mo ako ng pagkakataon na abutin ka at iparamdam sayo kung paano pahalagahan at mahalin ang pangarap habang inanaabot mo pa lang at pag naabot mo na."

Para sa akin medyo magaling ako mang-bola sa pamamagitan ng mga mabubulaklak na salita. Ewan ko kung ganon din ang naiisip mo habang binabasa mo yung mga reply ko sa kanya. Pero kinikilig ka man o hindi, lahat ng sinasabi ko sa kanya ay galing sa kaibuturan ng aking puso, sa may basement kaya medyo malalim at out of the box.

Kinikilig din ako sa mga sinasabi ko. Kahit mukha akong tanga na napapangiti sa mga nirereply ko, na parang umiihi na biglang kikiligin na lang at sisigaw ng, "Ahhhhh!". Wag ka masyadong bastos mag-isip! Kinikilig ka pag umiihi kaya ka napa-"Ahhh!'. "Ahhhh Ooohhh Ahhh!". Yan iba na yan! Nakaupo kana sa trono at lumalabas ang napakalaking puot sa sarili mong kweba ng karimlan na nakaharap na ngayon sa butas ng paglilitis. "Ayaaan naaah, Ahhh!" PLUUUK! Sarap. Solved. Ngayon, kakain ka ulit at mamaranasan mo ulit yan makalipas ang mahabang mga oras. Pano napunta doon ang usapan? Actually, hindi ko din alam. Ang alam ko lang, kinikilig ako dahil sa mga sinasabi ko sa iba't-ibang parte ng kwentong ito.

Pinapangarap Ko Ang Crush Ko (BROmance)Where stories live. Discover now