Chapter 4: Confession and Rejection

287 4 0
                                    


Ilang buwan narin ang nakalipas pagkatapos ng unang pakikita namin. Lagi narin kaming nagkakatext. At oo, Crush na Crush na Crush ko na talaga sya. Ibig sabihin 3 beses na mahigit ang pagiging crush ko sa kanya, dati Crush lang. Ngayon Lumelevel up pa.

Kaya naman hindi ko narin napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko. Kahit sa text lang pwede na. Uso naman eh? Right o wright?

"Kamusta Ezekiel?" text ko.

"Okay naman ako, ikaw?" reply nya.

"Okay lang din. May sasabihin ako sayo" reply ko naman.

"Ha? Ano yon?", tanong niya.

"Gusto kita. Crush kita! Sinabi ko lang para alam mo. Pero puwede ba manligaw?" text ko. Pinagisipan ko ng ilang minuto bago ko i-reply sa kanya 'yon.

Hindi na siya nag-reply. Kaya parang bato 'yon na nalaglag sa ulo ko. Fu*k! Bakit ko pa sinabi. Pahiya tuloy ako. Kahit ikaw kung ganon at hindi mo alam kung nandiri ba sya sa sinabi mo o hindi. Okay ba ang sagot nya o hindi kasi hindi ka niya gusto. Pero hindi ko na sya kinulit. Hindi ko nalang inulit mga text ko sa kanya. Bukod sa pagpapaalam na gusto ko s'ya.

Pero after noon ay nagkakatext parin kami kahit medyo awkward. Binabanatan ko siya ng mga text na baka makapag pabago kung ano man ang iniisip nya sa mga sinabi ko tulad ng:

"Pag uwe mo wag ka magpapakapagod ha? Baka sumobra. Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko."

Ewan ko kung napapangiti siya sa mga text ko na ganon. Pero bahala na dahil yun talaga gusto ko gawin. Pakiligin siya kung makakaya ko man. Gusto ko siya eh? So, I'll try my best to make him fall at magustuhan din ako. Kung papayagan niya rin ang sarili niya na mahulog sa mabulaklak kong mga texts. Na minsan hindi naman ganon talaga kabulaklak.

Sasabihin ko sa inyo. Sobra akong mag admire ng crush. Infatuation ang level ng admiration sa isang tao. Ganoon eh? Kulang nga sa pansin. Infatuated ako ng sobra kay Ezekiel.

I can't explain why but, I just feel so much inspired and light pag ka-text ko s'ya at pag nararamdaman kong natutuwa siya sa mga text ko kahit hindi ko naman talaga alam kung natutuwa siya. As in, i'm so much in-love sa kanya. Ganon naman talaga madalas sa mundo ng mga gays and bisexual. Madalas na rin talaga sa makabagong panahon ngayon, 2014 na kaya. Madali kang ma-fall. Kahit sa text lang, isang beses palang nagkikita at ni-hindi pa nga halos kilala ang isa't-isa. Ganoon ako. Ako ito eh? Hindi ko din alam kung bakit.

Ang alam ko lang, masaya ang pakiramdam ng nagmamahal. At alam ko alam nyo yon. Kahit ano man o paano man magmahal, masarap paren 'yon na parang KFC flavor shots na puno ng gravy.

Sa sobrang infatuation ko sa kanya, hanggang sa panaginip pumapasok siya. As in! Grabe diba? Naranasan mo na ba yon? Kung Oo, taas mo kilikili mo! Tanong, pano mo itataas ang kilikili mo?

Masaya ako na crush ko siya.

Crush Ko siiiiiiyaaaa.

Crush ko nga siya.

Paulit-ulit! Pati mga ka-officemates ko sinasabi na sobra naman daw ata ako. Kilalanin ko daw muna. Sabi ko, "Uso paba yon?". Kahit masaktan ako, isa lang masasabi ko, Crush ko siya at papangarapin ko ang crush ko.

Kaso, isang araw, habang magkatext kami, nasingit niya ang tungkol sa pagkakagusto ko sa kanya. Sinabi nya:

"Jon, (Jon kasi codename ko sa clan) ayokong saktan ka pero sasabihin ko sayo to para hindi tayo masaktan parehas. Hindi pa kasi ako ready makipagrelasyon. Ayokong paasahin ka at sa huli masaktan ka. Ayoko. Sorry Jon."--

-OUCH-

Pare, mahal mo raw ako?
Yan ang sabi mo raw nang
minsan ay malasing tayo.
Hindi kita sinisisi, galit ay wala ako
Pare pagusapan natin 'to.

Pare, ako raw ang yong gusto
Yan ba ang lihim na sa aki'y
sasabihin mo?
Di ako iiwas, Di lalayo sayo
Pare pagusapan na 'tin to.

Wala namang magbabago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede
kong ialay sa iyo
At kung higit pa 'ron pasensya
na, 'Di ko makakaya
Pare, kaibigan lang kita

Pare, mahal mo raw ako
by Michael Pangilinan

Lalalala

-FRIENDZONE ang peg-

Ang sakit! Sobrang sakit. BUSTED na ba ako? Ayokong itanong kasi mukhang malinaw na OO ang sagot sa sariling tanong ko sa sarili ko.  Umiyak ako. Tumulo ang luha ko nang hindi ko napapasin at tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako umiiyak. Crush ko lang naman siya.

Pero nasaabi ko sa sarili ko, "Oo nga pala, pinapangrap ko pala ang crush ko. At ang pangarap mahirap talagang tanggapin agad pag alam mo sa sarili mo na malaki ang tiyansang hindi mo siya makuha o maabot man lang. Kaya pala ako na-iyak."

Pero dahil sa isa akong positibong tao at hindi madaling sumuko. At crush na crush na crush at nagdagdagan pa ng isa kaya crush na crush na crush na crush ko na siya. At pinapangarap ko siya, nag-reply ako:

"Okay lang yon Ezekiel. You don't have to say sorry. Alam ko naman na ayaw mo akong saktan. Pero nandito parin ako. Hindi naman ako umaasa, pero ako'y nagbabakasakali."

Oh diba? lakas ng fighting-spirit ko. Ikaw ba? Pag pangarap mo susuko kaba at hahayaan na lang lumipad 'yon ng hindi mo pa naman nasusubukan na makuha? Hindi syempre. Kahit pano susubukan mo. Parang ako ngayon, susubukan kong ipakita kung gaano ako ka-sincere. At ka-deserving na pumila at isa sa piliin niya. Although na sinabi niya sa akin na hindi siya ready sa lahat ng nakapila. Wala akong paki. I will keep trying. At ang alam ko lang, masaya ako sa gagawin ko.

Pinapangarap Ko Ang Crush Ko (BROmance)Where stories live. Discover now