Chapter 3: Siya

296 4 0
                                    

Si Ezekiel ay 19 years old. Nagaaral sa isang pampublikong pamantasan sa bansa. Taga Quezon City. Malapit lang sa'min at sa workplace ko. Mabait, approachable, at mukhang mapagkakatiwalaan naman. Base lang ang mga ito sa nararamdaman ko tuwing katext sya.

One time, sa unang pagkakataon ay nakita ko na rin s'ya. Nagkaroon kasi ng "g2g" o parang eyeball ang clan namin. Dahil gusto ko na 'din naman s'yang makita, kahit nasa trabaho ako, kahit 1 hour meal break ko lang, ay nag-taxi na lang agad ako makapunta lang sa isang bar na pinag-gaganapan ng "EB" namin, sa Starlites. Isang bar ng mga gays and bisexuals sa may Aurora, Quezon City. Siguro, kung nagpu-punta ka din doon ay alam mo 'yon? At baka nagkita na tayo.

Sa wakas, nakita ko rin s'ya. Pumintig ng malakas ang puso ko ng makita ko siya at parang halos 'di ko alam ang gagawin. At dahil break ko lang, I just stayed there for less than 40 minutes lamang at umalis na agad ako. Kahit gusto ko pa talagang mag-stay para makasama siya. At mas makilala pa siya sa personal at hindi lang sa likod ng mga letra na pinagpapasa-pasahan namin sa text at sa facebook.

Ang 'di ko inaasahan, nang pa-paalis na ako, binigyan niya ako ng isang kiss.

Sobrang kilig ang naramdaman ko. Parang mahihimatay na ata ako at sa sobrang ngiti ko ay mahahati na ang mukha ko.

"Lord .. nananaginip lang ba ako at nangyari talaga 'yon? OMG." sabi ko.

Hanggang sa pagbalik sa office at makauwe sa bahay ng umaga, abot tenga parin ang ngiti ko. ANG SAYA SAYA KO. Kahit sabihin mong mababaw ako, wag kang KJ! Hindi pa tapos ang kwento. E-epal ka kaagad. Nang makauwe 'ko sa bahay noong umagang iyon, tinext ko sya:

"Natutuwa akong makita ka. Salamat pala sa kiss. Pinakilig moko."

-NO REPLY-

Toinks!

Malay mo naman, nalasing s'ya kagabi at malamang puyat kaya tulog at kaya hindi nakapag-reply.

Waaaaaah! Oo na. Feeling ko parin ay na-isnob ako. Sino ba ako para i-text nya agad-agad? Taga hanga lang niya ako. Oo CRUSH ko sya. At dahil lalo nya pakong pinakilig, ngayon ay CRUSH na CRUSH ko na s'ya. (Kahit wala siyang reply sa text ko na 'yon)

Pero di naman din ako nagkamali. Dahil kinahapunan, pagkagising ko, may message ako galing sa kanya:

"Nice to meet you din. Wala yon, kiss lang naman 'yon eh. Magkaibigan naman tayo"

-YES! But, OUCH-

Okay. Oo na, KISS nga lang yon. At Oo narin, mababaw nga talaga ako. Pero ang mahalaga eh yong nagreply sya.

Pahiya ka noh? Kala mo 'di magrereply. Anyway, dahil nag message sya, nagreply ako:

"Hehe. Oo at kinikilig parin ako dahil sa kiss na 'yon. Salamat ha?"

Aba! Nagpasalamat pa ako.

Bakit?

Kasi feeling ko dahil sa kiss na 'yon sinasabi din n'ya na nagusto na rin niya ako. Feeling lang, okay? Feelingera ang kuya mo. Dahil hindi naman talaga ganoon.

Siya? Magugustuhan ako? NO WAY!  Hindi. Hindi. Famous siya. Madaming may gusto sa kanya. At feeling ko hindi ako ang tipo n'ya.

Madali talaga akong mag-appreciate ng mga bagay. Maliit man o malaki. Ginusto man ng tao ang ginawa niya sa akin o hindi. Kulang kasi ako sa pansin. Blah! Blah! Blah! See?

At para sa akin, mapapansin ako sa paraang pag a-appreciate sa mga bagay na ginagawa ng iba sa akin.

Ikaw? pano ka ba mag- appreciate? Katulad mo ba ako na dahil lang sa simple kiss ay parang mahihimatay na?

Nako, wag mo nang balaking tumulad sa 'kin. Dahil para kang papel na lilipad sa mga imahinasyon at kasinungalingan na ginagawa ng makukulit mong nerve impulses sa utak na talon ng talon at nagsa-sabi sayo ng mga bagay na hindi naman totoo. Minsan sinungaling talaga ang utak.

Pinapangarap Ko Ang Crush Ko (BROmance)Where stories live. Discover now