Chapter 1: Ako

605 6 1
                                    

Mahilig akong mag-facebook. Masaya kasing mag-post ng kung ano-ano. Mga ginagawa ko sa buhay, sa araw-araw tulad ng pag-kain, pag-gigym, pag-ligo, pag-alis, pamamasyal, pagkanta at ultimo pagtulog.

Maramin natutuwa, marami 'rin ang minsan ay naaasar. Ilan ba namang post sa loob ng isang araw. Sabi ko naman, "hayaan nyo na, minsan lang eh?". Minsan lang daw?

Sa ilang taon ko nang pagfe-facebook, madami na akong nakita, nakilala, naka-fling at king ano-ano pa. May naka-meet nako, nakasama, nakausap, naka-skype. Pero yung iba, okay na sa pa-like like. Ang masaya pag-may nakakausap at nakaka-meet ako ay 'yong nagkaka-Crush ako.

Crush lang.

Oo, crush lang. Pero nung nakilala ko s'ya, sobra na siguro ang naramdaman ko. Pinapangarap ko na ang crush ko.

Ako si Kewin. 19 years old nako. Undergraduate ng kursong Seconday Education Major in English sa isang hindi kilalang institusyon. Call center Agent. Hindi masyadong panget. Panget lang. Hindi rin gwapo kasi panget nga lang ako. Sub-standard kung ikukumpara ko sa materyales na pang-gawa bg bahay. Hindi magang uri pero mapagtyatyagaan na.

Mahilig akong mag clan. Texting man yan o page sa facebook. Babanggitin ko dito yung isang page at texting clan na kung alam mo, eh baka kasali ka pa nga doon.

Fresh Men University. Isang page ng mga bisexuals. Yes, bisexual. Tama ang nabasa mo. At kung nagiisip ka na kung baka bisexual ako. Oo, bisexual ako. Bakla ako. Kung gusto mo magpatuloy sa pagbabasa, sige lang

Kung ayaw mo na, sige lang din. Hindi kita pagbabawalan.

Kung bukas ang iyong pag-iisip bilang nagbabasa. (Ikaw na nga lang magbabasa magiinarte ka pa. Nasimulan mo na eh? Erase .. Erase .. haha :D ) Sana ipagpatuloy mo ang pagbabasa ng libro. Ano man ang laman, at gustong ipaghiwatig nito--

Sa clan na 'yon nakilala ko si Ezekiel. Baka kilala mo sya, kaya baka mabanggit mo 'to sa iba. At makwento sa iba at makwento ulit sa iba hanggang makarating sa kanya. Nakilala ko si Ezekiel dito sa simpleng pag like, pag-share, pag-add tapos chat na.

Simple steps na naging pangunahing hakbangin na bubuo ng isang kwento.

Pinapangarap Ko Ang Crush Ko (BROmance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon