Chapter 5: Saying Okay doesn't really mean that I'm really okay

222 3 5
                                    

September 27, 2014

Naka-leave ako. Yes! After ilang months nakapag-leave din. So, I took this chance na ayain mga ka-clan ko na mag-inuman. I invited Ezekiel as well. At dahil nanliligaw nga ako sa kanya kahit sinabi nya na hindi sya ready, gagawin ko parin. I prepared a gift for him.

One small box of Ferrero chocolate at isang book na nabanggit niya na hindi pa daw nya nababasa. Book ni Bob Ong na Bakit baliktad magbasa ang mga Pilipino.

That night, I and Ezekiel met again together with some of our clanmates, ofcourse. Habang nasa bus kami papuntang Pasay kung san kami magiinuman, inabot ko sa kanya 'yung regalo ko. Nahihiya ako sa kanya kaya sinabi ko lang na,

"Ito na yung libro mong gustong basahin, binili ko na lang."

Nagulat siya kasi binili ko yung libro. Kasi kala niya meron ako kaya, nanghihiram lang siya para mabasa niya din. Isang ngiti at salamat ang sagot niya sa akin. At napakasaya ko dahil mukhang natuwa naman siya.

Naginuman kami sa Pasay. Sa may Malibay. Hindi ko alam ang lugar na 'yon pero sumama naman ako. Tiwala ako sa mga kasama ko. Syempre kasama ko naman si Ezekiel kaya masaya ako at komportable. Kuwentuhan, kulitan at kung ano-ano pa at nang malasing na. Lumakas loob ko para kausapin si Ezekiel na alam ko naman hindi yon tama dahil lasing na ako.

Lahat sinabi ko sa kanya. Inulit ulit ko na gusto ko siya. Tinanong ko siya ng paulit ulit kung hindi ba talaga siya ready habang umiiyak ako. Oo umiiyak ako na parang tanga sa harap ng taong gusto at pinapangarap ko.

Nag sorry ako kahit hindi kailangan. And I said, "That's okay." na hindi pa siya ready. Kahit hindi naman talaga okay para sa 'kin. Iyak tawa, iyak tawa. Iparamdam ko lang sa kanya na "Oo, okay lang iyon."

Inakbayan nya ako at sinabing,  "Kahit anong mangyari, walang magbabago ha?".

Lalo akong naiyak pero kinaya ko dahil ayokong matsismis naman siya dahil sa akin at dahil baka makita nang iba naming kainuman na umiiyak ako. Lakas makababae noh?

Pero promise.

It's really hard for me to accept lalo na't super infatuated ako sa isang taong hindi ko alam kung magugustuhan ko. Na kahit alam kong nag-mumukha akong tanga. Ganon katigas ang ulo ko, sabihin man niyang itigil ko na. Mas gagawin ko. Yun nga din sabi ng nanay ko eh? Kahit pinagbabawalan ng gawin ang isang bagay, ginagawa parin.

Sinabi naba sa inyo yan ng mga parents niyo ang ganoon? Minsan talagang applicaple yang sabihin sa mga pagkakataon tulad ng katangahan na ginagawa ko ngayon.

Nang umuwi na kami. Lahat kami lasing. Dahil taga Q.C si Ezekiel at North Caloocan naman ako, isa lang ang way namin. Sobrang lasing narin si Ezekiel at pagod sa sobrang dami niyang ginawa nung araw bago kami maginuman ng gabi, kaya naman inalalayan ko na siya.

Sabay kami sa bus. Sa likod na kami umupo. Sa kanan namin ay dalawang magshota. Sa kaliwa naman namin ay magina, dalaga na yung anak niya at may dalang cute na aso.

Sa haba ng byahe mula Pasay hanggang QC, at pagod na talaga kami lalo na si Ezekiel , nakatulog na siya sa balikat ko.

Nice one Kerwin! Ang saya!

At alam mo ba kung ano ginawa ko. Desperado talaga ako, sabihin mo nang oportunista ako pero ang ginawa ko, hinwakan ko ang kamay niya.

Holding hands!

Grabe!

Ang puso ko tumatalon sa saya. Hindi ko alam kung alam niya ang ginawa ko o hindi. Pero napakasaya ko. Although naging oportunista ako. Holding hands while natutulog siya sa balikat ko.

Sige!

Mag-imagine ka. Nakikita mo ba?

Para kaming magshota diba?

Sabi nung nanay na nasa tabi namin sa kaliwa, na dahil akala nila tulog din ako dahil naka shades ako,

"Mag-shota sila."

"Oo nga mag-shota sila" sabi naman ng anak nitong dalaga.

At sabay silang ngumiti na parang natutuwa naman sa nakikita nila. Natutuwa din ako dahil mas mukha pa kaming sweet kesa dun sa magshota sa kanan namin. Lahat din ng sumasakay ay napapatingin at napapangiti dahil sa nakita nila na parang natutuwa naman din sila.

Nang makarating na kami ng Q.C., Okay? Ezekiel needs to go. So, bumaba na kami at inantay ko siyang makasakay. Bago siya sumakay. Muli, nakatanggap ako ng matamis na halik mula sa kanya :)

-Yes!-

Pinapangarap Ko Ang Crush Ko (BROmance)Место, где живут истории. Откройте их для себя