CHAPTER 21 - LIE

Start bij het begin
                                    

Ang tanging bagay nalang na nagawa ko sa moment na yun ay magtago sa isang malaking puno na nasa gilid ko pero nakasilip parin ako at tinatanaw silang dalawa, hinihintay ang mga susunod na mangyayari.

"Meow!"

"AHHHH!" Pagtili ni Angel ng ikuskos ni Chimhyang ang balahibo nito sa binti niya.

Halos sumabog na ako sa kakatawa nang makita ang nangyari sa kanilang dalawa. Tinakpan ko nalang ang bibig ko para di nila ako marinig.

Pero ang EPIC talaga non.

EPIC FAIL. Haha!

Muli kong ibinaling ang atensyon ko kanila Angel at Jimin nang medyo mahimasmasan na ko mula sa sobrang kakatawa.

Di kalaunan sa kalagitnaan ng pagtanaw ko sa kanilang dalawa ay napagpasyahan kong lumabas na sa punong pinagtataguan ko at magpakita na sa kanila.

Pero ofcourse pa-innocent girl muna ako. HAHA!

"Kaloka Angel! Nandyan ka lang pala kung saang lupalop na ko ng daigdig nagtungo dito lang pala kita makikita." Usal ko sa kanya.

"H-Huh? Eh d-di ba sabi ko naman sayo magpapahangin lang ako." Medyo nauutal na sabi ni Angel.

"Grabe sobrang lamig kaya dito gurl!" Banat ko sa kanya.

"Ah.. Eh.. naiinitan ako eh." Matipid niyang sagot sa akin.

Nakita kong sa ibang direksyon nakatuon ang atensyon ni Jimin at nagkukunwaring wala itong nakikita kaya naman napagpasyahan kong tawagin ang atensyon niya.

"And.. Oh! Jimin? Nandito ka rin pala?" Sambit ko habang pinipigil ang tawa.

"Oh.. Ah.. Hi!" Jimin said with a tensed smile.

Matapos niyang sabihin yon ay itinuon niya sa iba muli ang atensyon niya. Pero since trip ko mang-asar ngayon, hinding-hindi kita tatantanan! MWAHAHAH!

"Oh! Teka.. Magkasama kayo? Hmmmmmmm.. Anong ginagawa niyo dito?Ha.." Panimulang asar ko sa kanilang dalawa.

"No, that's not what you-- Steph ahmm, ano kasi-- Hindi-- I was the first one here and-- uhmm nauna siya, tapos di ko alam na ano--" Magkakasabay na sinabi ni Angel at Jimin na sinusubukang depensahan ang isa't isa.

*Internal Laughs*

"Oo na sige na! Di niyo na kailangang magpaliwanag pa.. alam ko namang nakaupo kayong dalawa dito at tinatry magkiss-- ahh este, tinatanaw pala ang magandang view." Banat ko pang muli.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu