Chapter 52: Letter

Magsimula sa umpisa
                                    

I need to be strong for them. Kelangan kong ipakita na magiging maayos din ang lahat. Pagsubok lang lahat ng ‘to.

Dumaan ang mga araw lalong lumala si Lola. Halos hindi na siya kumakain at palagi siyang tulala. Tinutulungan  kami ng mga tita ko sa pagbabantay kay Lola. Gusto kong makabawi sa kanila. Sobra sobra na yung tulong na naibigay nila sa’kin.

“Working student ka?” Tanong ko kay Karlo nang minsang dumaan siya sa bahay nang utusan siya ng Mama niya.

“Yep.” Pinatong niya sa lamesa ang mga pinamili nilang gamot at pagkain ni Lola. “Bakit?”

Humarap siya sa’kin bago tinitigan ako.

“Gusto ko sanang magtrabaho rin. Full time, since… hindi na ko nakakapag-aral.”

“Bakit hindi ka bumalik sa pag-aaral?” Kinuha niya ang phone niya para magtext.

“Gusto ko sanang makaipon muna, gusto kong unahin ang pag-aaral ni Harley.”

“May naiwan namang pera si Lolo Eddison, pwede niyong gamitin yon.”

“Para kay Lola yon.” Tumingin ulit siya sa’kin. Ngumuso ako. “Gusto ko ring makabawi sa inyo.”

“Hindi naman kami nagrereklamo ah? Tumutulong kami dahil gusto namin.” Naglakad siya at nilagpasan ako. “Pero kung gusto mo talaga, isasama kita bukas.”

“Okay!” Ngumiti ako sa kanya kahit likod nalang niya ang nakinabang sa ngiti kong yon. “Thank you, Karlo!”

“Alright.” Tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Siguro ay pupuntahan niya ang girlfriend niya.

Kinabukasan ay sinamahan niya nga ako sa part time job niya. Nakuha naman ako agad bilang cashier sa ministore don. Hindi rin masama ang sweldo kaya wala na kong dapat ireklamo.

Tuwing gabi, palagi kong tinatawagan si Dana pero ang tanging sagot niya lang ay hindi niya pa nakakausap si Royce o kaya ay hindi pa umuuwi si Royce. Pero pinadala na niya ang sulat sa bahay nina Royce. Siguro ay hindi niya pa nababasa yung sulat ko. Pinabigay ko rin kay Dana ang number ng phone na ginagamit ko dito. Dapat ay tumatawag na sya ngayon. Nung last time na tinawagan ko ang phone niya, unattended na yon.

Tinulungan ako ni Karlo kapag nagpapadala ako ng sulat kay Royce. Siguro ay masyado siyang busy sa pag-aaral kaya hindi siya nakakasulat o nakakatawag sa’kin. Gagawa pa rin ako ng paraan para makausap ko siya.

Dumaan ang ilang taon, unti-unti nang natatanggap ni Lola ang pagkawala ni Lolo Eddison. Minsan kapag naiisip niya ay bigla bigla ulit siyang umiiyak. Hindi ko siya maiwan dito kahit gusto kong bumalik sa bahay namin. Mas kelangan ako ni Lola at sa tingin ko ay ito ang tama.

Sobrang namimiss ko na si Royce pati ang mga kaibigan ko. Si Dana na rin halos ang nag-asikaso ng dropping process ko. Ano na kayang ginagawa ni Royce ngayon? Halos hindi ako makatulog sa gabi sa kakaisip sa kanya. Nabasa na kaya niya ang letter ko? Hinihintay niya pa rin kaya ako? Maiintindihan ko kung hindi na pero hindi tanggap ng puso ko kung mawawala siya sa’kin.

“Hailey,” tawag sa’kin ni Karlo.

“Hmm?”

“Gusto ka sanang maka-usap ni manager bukas.”

“Bakit daw?”

“Gusto ka yata niyang pag-aralin.”

Halos manlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gustung-gusto kong bumalik sa pag-aaral pero wala dito ang mga papel ko.

“Mukhang mahihirapan yata ako. Susubukan kong kausapin si Lola, kapag okay sa kanya… bumalik na kami…”

Tumango lang siya. Kumukuha ako ng tyempo para makausap si Lola. Gusto ko na bumalik. Gusto ko nang makita si Royce.

“Hailey…” Napatingin ako kay Lola nang tinawag niya ko. “Pasensya na apo, ah?”

“La…”

“Babalik na tayo.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon