CHAPTER 50

776 25 0
                                    

JADE POV:

Ilang buwan nalang gagraduate na kami sa college. Ang bilis noh? Parang kailan lang eh pasukan palang namin tapos konting tiis nalang gagraduate na kami. Ilang buwan nalang din at uuwi na si Sungit.

Anniversary namin ngayon ni Kim at ilang araw na syang hindi nagpaparamdam. Iniisip ko na nga lang na baka may surprise sya sakin kaya hindi sya nagpaparamdam. Ganoon kasi yung nagyayari sa mga binabasa kong libro.

Tawagan ko kaya sya? Hay wag na nga. Hindi eh tawagan ko na kaya ng maiba naman sya kasi ang laging tumatawag sa akin eh.

Napagpasyahan kong tawagan na si Kim hindi ko na talaga sya matiis na hindi makausap. Dinaial ko na ang number nya at ilang nakailang ring na ay hindi parin nya sinasagot. Nakailang dial na ako pero hindi talaga nya sinasagot kaya tinigilan ko na.

Kalma self baka busy lang sya, malay mo nagpeprepare pa sya para sa surprise nya sayo. Hay para na akong baliw kakaisip kung bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko.

Hanggang sa bigla nalang nag ring ang phone ko at nakita ko na sya yung tumatawag kaya napangiti ako.

"Hello" Parang walang gana nyang sabi. Bakit ganun yung tono nya? Kalma baka paandar nya lang to.

"Hello Sungit Happy Anniversary!" Masaya kong bati sakanya

"May sasabihin akong importante sayo Jade" Seryoso nyang sabi. Nakakapagtaka dahil hindi nya ako binati pabalik at tinawag nya pa ako sa pangalan ko.

"Hindi mo manlang ba ako babatiin nang Happy Anniversary?" Tanong ko at matagal bago sya sumagot

"Jade listen may sasabihin akong importante sayo" Sabi nya. Naiinis na talaga ako

"Sobrang importante ba  nyang sasabihin mo para hindi mo ako mabati ng happy Anniversary?" Galit kong tanong ko

"Im breaking up with you" Cold nyang sabi. Para akong nafroze sa kinauupuan ko ngayon. Kung biro man ito hindi nakakatawa promise.

"Hindi nakakatawa yang biro mo Kim" Seryoso kong sabi. Tinawag ko na sya sa pangalan nya it means galit na talaga ako.

"Hindi ako nagbibiro Jade Im seriously breaking up with you" Cold nyang sabi. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Inis ko itong pinunasan.

"Tell me may nagustuhan kanabang iba dyan kaya ka nakikipaghiwalay sakin?" Umiiyak kong tanong sa kanya. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

"Youre wrong" Tipid nyang sagot

"Then why?" Sigaw ko. Halo halong galit, lungkot, sakit ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko na napigilang sumigaw.

"Sorry pero narealize ko kasi na mahal ko pa pala yung ex ko" Sabi nya

"Ano to lokohan? 4 years na tayong in a relationship tapos ngayon mo lang narealize na mahal mo pa pala yung ex mo?" Galit kong tanong sakanya

"Im sorry" Sabi nya

"Sorry? Sa tingin mo may magagawa yang sorry mo? Para mo akong pinaasa sa wala. All this time mahal mo pa pala yung ex mo. Yung totoo Kim sa loo ng 4 na taong relasyon natin minahal mo ba ako?" Tanong ko

"I don't know. Maybe no maybe yes" Sagot nya na lalong nagpaiyak at nagpagalit sa akin

"Alam mo kung nandito ka baka nasapak na kita. All this time hindi mo manlang alam kung minahal mo ba ako o hindi? What the hell Kim I really really really hate you" Galit na galit kong sabi

"Im so sorry" Sabi nya

"I dont need your sorry dahil hindi maiibsan nyan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sana maging masaya kana ngayong wala na tayo. I love you, goodbye"  Sabi ko sabay baba ng phone.

Sinampal, kinurot at tinapik ko ang sarili ko dahil baka nananaginip lang ako pero nasaktan ako sa ginawa ko it means totoo talaga. Napahagulgol ako sa iyak. Hindi ko lubos akalain na magagawa sakin to ni Kim dahil akala ko mahal na mahal talaga nya ako.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko sya ulit. You know what sana hindi ko na sya makita ulit dahil baka kung ano pang magawa ko sakanya. Ilang beses na nya akong sinaktan sana huli nato. Alam ko matagal bago ko pa sya makalimutan dahil sobrang minahal ko sya.

Ano bang naging pagkukulang ko sakanya? Binigay ko naman ang lahat at minahal ko sya ng totoo bakit nagawa parin nya sakin to? Bakit lagi nalang akong nasasaktan at iniiwan? Una si Papa tapos ngayon sya.

Umupo ako sa sulok ng kwarto ko at doon ako umiyak ng umiyak. I really hate this feeling. I hate you Kim Arvin Mendoza. Nagsisisi akong minahal kita ng lubusan.



To be continued.........

Pls vote and comment😊

Kamsahamnida😘

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now