CHAPTER 33:DATE

808 33 0
                                    

JADE POV:

Weekend ngayon at nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nagbabasa ng libro. Nakakabored dito sa bahay wala manlang akong magawa. Nung tinamad na ako sa pagbabasa bumaba naman ako para kumuha ng maiinom sa kusina.

"Oh mukhang bored na bored ka ha" Sabi ni Kuya

"Yeah kanina pa ako bored na bored sa kwarto ko" Sabi ko

"Bakit hindi ka magmall o kaya maglakad lakad ka muna dyan sa village para matanggal ang boredom mo" Sabi nya

"Ayoko tinatamad akong gumala" Sabi ko

"Akala ko ba bored na bored ka tapos ayaw mo naman gumala.Hay ewan ko sayo" Sabi ni Kuya

"Ako rin naguguluhan na sa sarili ko eh.Basta di ko feel gumala ngayong araw" Natatawa kong sabi

"Baliw ka talaga" Sabi nya

"Yeah inborn na" sabi ko

"Alam mo ba ang tataas nang grades ko ngayong semester" pagyayabang nya, eto talagang si Kuya minsan may pagkamahangin din eh

"Hanapin mo" Sabi ko sakanya at mukha namang nagtaka sya sa sinabi ko

"Ano yung hahanapin ko?" Nagtatakang tanong nya

"Hanapin mo yung pake ko" Sabi ko sabay takbo pataas kasi panigurado hahampasin nya ako.

"Bwisit ka talagang bata ka!" Sigaw nya sabay habol sa akin.

Wahahahaha buti nalang bago nya ako mahabol naisara ko na yung pinto. Umupo akong muli sa kama ko sabay inom nung yakult na kinuha ko. At habang umiinom ako ay bigla nalang nagring ang cellphone ko.

*Wing wing wing wing boomerang~*

Kim Calling................

"Hello" Sabi ko

(Hello Siga good morning) Sabi nya

"Good Morning din" Sabi ko

(Kumain ka naba?) Tanong nya

"Oo kanina pa" Sabi ko

(Siga may gagawin kaba ngayong araw?) Tanong nya

"Wala naman.Actually, bored na bored na ako rito sa loob ng kwarto ko.Btw bakit mo natanong?" Tanong ko

(Umm yayayain sana kita ng date) Parang nahihiyang sabi nya

"Hmm sure" Sabi ko at hindi ko na mapigilang mapangiti.

(Sige sunduin nalang kita mamayang 10 am) Sabi nya.Tumingin ako sa orasan at 8 30 palang ng umaga,may 1 hour and 30 minutes pa ako para makapaghanda.

"Ok sige" Sabi ko

(Ok bye see you Siga)Sabi nya

"Bye see you Sungit" Sabi ko sabay baba ng tawag.

Waahhh magdedate kami,saan kaya kami pupunta? Excited na ako.

At dahil maaga pa naisipan ko munang matulog kahit excited na excited na ako.

After one hour...............

*TOK TOK*

"Jade nandito si Kim sa baba" Rinig kong sigaw ni Mama.Bigla akong napabangon nang mahimasmasan ako.Gosh napasarap pala yung tulog ko.

"Ma pasabi kay Kim na sandali lang,gagayak lang po ako"  Sigaw ko at dali dali akong nagpunta sa banyo para maligo.

After 30 minutes...........

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon