CHAPTER 5:SINE

1.6K 63 3
                                    

JADE POV:

Ilang buwan narin ang nakalipas mula nung nagpasukan ang bilis ng araw at heto kami ngayon sa Mall para magsine actually buong school yun and nandito kami sa supermarket para mamili ng snacks na kakainin namin mamaya.Dahil malapit na ang halloween kaya horror ang papanoorin naming movie which is gustong gusto ko dahil mahilig ako sa horror movies.Pumasok na kami sa loob and sa kasamaang palad nahiwalay kaming apat sa mga classmates namin.And may dalawa pa pala kaming kasama si Carlo at si Mark at kung tatanongin nyo kung bakit namin sila kasama si Carlo at Ange kasi ay mag on na,tinatanong nga namin si Ange kung bakit hindi nya pinatagal yung panliligaw ni Carlo ang lagi nya lang sinasabi ay hindi naman daw dapat ang panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon.At yung asungot na si Mark palagi akong inaasar at kinukulit and lagi rin syang buntot ng buntot.

Sa gawing likod kami na upo kasi doon nalang ang available,pumunta ako sa bandang dulo and napansin ko na may nakaupo rin doon pero dumiretso parin ako,sakto lang ang upuan para sa aming anim.Bale ganito ang seating position namin sa left side ko yung lalaking hindi ko kilala nakatakip kasi yung mukha nya at mukhang natutulog sya at sa right side ko ay si Cess tapos katabi ni Cess si Angeline at syempre magkatabi yung magjowa at sa kabilang dulo ay si Mark.Mabuti nga at malayo sakin yung lalaki na yun eh.Habang hindi pa naguumpisa ang movie nagcellphone muna ako.

Nangangawit ako kaya isinandal ko sa balikat ni Cess yung ulo ko.Nagulat ako ng maamoy ko ang pabango nitong katabi ko at naamoy ko na panlalaking pabango iyon kaya iniangat ko ang ulo ko.Nagulat ako ng nakita kong hindi si Cess ang katabi ko kundi si Mark na ang lapad ng ngiti habang nakatingin sakin

"Oh bat parang nakakita ka ng multo?" Natatawang sabi nya

"Bakit nandito ka? Bumalik ka nga doon sa dulo" Naiinis kong sabi sakanya

"Ayaw mo ba akong katabi babe" Sabi nya sabay yakap sakin kaya naman bumitaw ako sa pagkakayakap nya

"Hoy anong babe ha tumigil ka nga hindi na ako natutuwa" Inis paring sabi ko at tinignan ko sya ng masama

"Babe naman nilalambing lang naman kita eh wag ka ng magalit" Malambing na sabi nya.Nabubwisit na talaga ako sa lalaking ito.

"Babe mo mukha mo" Galit na sabi ko at nagulat ako ng magsalita yung lalaking nasa kaliwa ko

"Excuse me kung maglalandian kayo wag dito doon kayo sa labas" Sabi ng lalaki pero wait lang may kaboses sya kaya naman hinarap ko sya at nagulat ako nung nakita ko sya,biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Si Sungit pala yun kaya pala pamilyar ang boses nya.Nagulat din sya ng makita ako.

"Excuse me rin fyi lang hindi kami naglalandian nitong katabi ko" Sabi ko,nabwisit ako nung sinabi nyang naglalandian kami

"Eh ano palang tawag sa ginagawa nyo? Diba landian ang tawag dyan sa ginagawa nyo" Sabi nya,biglang kumirot ang puso ko kasi naman sa sinabi nyang yun parang sinabi nya narin na malandi ako

"Uulitin ko hindi kami naglalandian nitong katabi ko kase unang una hindi ako ganong klaseng babae at hindi ako malandi" Galit na sabi ko at naupo ng maayos at hindi ko na sila pinansing dalawa.Mabuti nalang at may kanya kanyang ginagawa ang mga kasama namin kaya hindi nila napansin ang pag aaway namin ni sungit at mabuti nalang rin at tumigil na sa pangungulit si Mark.

Nanood na lamang ako at pansin kong kanina pa tingin ng tingin itong dalawang katabi ko sakin pero hindi ko nalang sila pinansin.Halos lahat ng babae rito ay tili ng tili.At ako ito bored na bored na ako sa pinapanood namin hindi naman kasi gaanoong suspense yung eksena at hindi rin gaanong nakakatakot.Kaya naman nanood na lamang ako ng funny videos ng wanna one sa youtube.Kung kanina badtrip ako ngayon hindi na gaano kasi biglang nawala iyon nung napanood ko ang wanna one lalo na si Jihoon my loves shit ang gwapo talaga nya.Para na nga akong tanga kasi kanina pa ako tawa ng tawa habang sila takot na takot sa pinapanood nila.

"Bakit kaba tawa ng tawa?" Seryosong sabi ni Mark which is parang hindi sya kasi naman pag kinakausap nya ako laging pabiro pero ngayon ang seryoso nya

"Nakakatawa kasi itong pinapanood ko" Nakangiting sabi ko sakanya na ikinagulat nya kasi lagi ko syang sinusungitan at minsan ko lang syang kausapin ng nakangiti.

"Your smiling at me" Tuwang tuwang sabi nya

"You look stupid" Sabi ko kasi naman manghang mangha sya

"Natutuwa lang ako and sorry nga pala kanina,ginawa ko lang naman yun para mapansin mo ako" Seryoso paring sabi nya

"Its okay tutal nakalimutan ko narin naman yun eh Nawala kasi yung pagkabadtrip ko ng mapanood ko sila" Sabi ko sabay tingin sa videos na pinapanood ko

"Mukhang ang saya saya mo kapag nakikita o napapanood mo sila ha sino nga ba yang mga yan?" Tanong nya

"They are wanna one my favorite kpop group and yes Im so happy to see them and to watch them because they are my inspiration.They always make me laugh because they are crazy and true to thier selves.I love them and I idolize them for being talented,kind and lovable to their fans.And you know what I want to see them in personal and I know that its imposible" Sabi ko at bigla na lamang akong nalungkot sa huling sinabi ko

"Ano ba yan Jade nosebleed ka naman eh and dont be sad malay mo naman matupad din yang pangarap mo na makita sila" Sabi nya kaya natuwa ako

"Hahahaha trip kong mag english eh and thanks for encouraging me" Natatawang sabi ko at napansin ko naman na nakatitig sya sakin

"Hey staring is rude" Maangas kong sabi

"Ang ganda mo kasi lalo na kapag tumatawa ka" Nakangiting sabi nya

"Manood kana nga lang and kumain ka rin,kung ano ano na kasi ang sinasabi mo and In sure na gutom lang yan" Natatawang sabi ko at natawa narin siya.Mabuti nalang at itinuon na nya ang atensyon nya sa panonood.

"Hey miss" Tawag ni Sungit sakin sabay kalabit

"Why?" Tanong ko

"I just want to say sorry for what I've said earlier" Sabi nya

"Its okay" Nakangiting sabi ko at napangiti narin sya.Naramdaman ko na naman na biglang bumilis ang tibok ng puso ko,ano ba yan may sakit na ata ako sa puso

"Im Kim Arvin Mendoza nice to meet you and you are?" Pagpapakilala nya

"Im Jade Gonzales nice to meet you too" Nakangiting sabi ko,mabait rin naman pala itong sungit na ito

"Nice name" Sabi nya

"Thanks" Sabi ko at itinuon na namin ang atensyon namin sa panonood.I dont know but ang saya saya ko ngayong araw.

To be continued..............

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘


Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now