CHAPTER 34:CONTINUATION

721 28 0
                                    

JADE POV:

Nandito na kami sa EK at nakabili narin si Kim nang ticket para sa lahat nang rides pero I think hindi naman namin masasakyan lahat yun.

"Siga ano yung gusto mong una nating sakyan?" Tanong ni Kim

"Sa vikings nalang sungit" Excited kong sabi at parang namutla naman sya. Wahahaha dont tell me takot syang sumakay sa mga extreme rides

"Sungit may problema ba?" Tanong ko

"Ahh eh wala naman, tara na pila na tayo habang wala pang gaanong taong pumipila para makasakay na tayo" Parang labag sa loob nyang sabi. Wahahaha mukhang takot nga syang sumakay sa mga extreme rides.

Pumila na kami sa vikings at after 10 minutes nakasakay narin kami. Nung unti unti nang umaandar ay biglang napakapit ng mahigpit si Kim sa handle at napapikit. Wahahahaha mukhang takot na takot sya.

"Okay kalang ba Sungit?" Sigaw ko kasi ang ingay nang mga tao sigaw nang sigaw

"Okay lang ako" Sabi nya pero mukhang hindi sya okay.

"Idilat mo yung mga mata mo at ienjoy mo lang ang rides" Sigaw ko at sinunod naman nya ako. Sa una medyo pumipikit pikit parin sya tapos kalaunan ay naeenjoy narin nya ang rides kaya napangiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na makitang nalabanan nya ang takot nya.

Natapos ang rides nang may ngiti sa aming labi.

"Thanks Siga dahil sayo nalabanan ko ang fear of hights ko" Nakangiti nyang sabi kaya napangiti rin ako sa kanya

"Youre always welcome Sungit ko" Sabi ko

"Kain muna tayo nagugutom na ako eh" Sabi ko sabay hawak sa tiyan ko na kumukulo na sa sobrang gutom

"Ok sige" Sabi nya at pumunta kami sa malapit na kainan.

Pagkatapos namin kumain ay naupo muna kami sa isang bench para magpahinga. Habang nagpapahinga kami bigla akong may naalala. Naalala ko yung napanood kong japanese movie, sabi sa movie na kapag nagkiss daw ang isang couple sa tuktok ng ferris wheel magiging sila na raw forever. I doubt kung totoo yun.

"Siga saan yung sunod nating sasakyan?" Tanong nya

"Roller coaster" Sabi ko

"Ok tara na pumila na tayo" Sabi nya sabay hila sa kamay ko.Naalala ko na naman yung tungkol sa ferris wheel, sana mangyari yun mamaya. Malay nyo totoong magkakatuluyan kapag ginawa yun sa tuktok ng ferris wheel.

*FAST FORWARD*

Medyo madilim narin at marami narin kaming rides na nasakyan. Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Kim. Huminto kami sa tapat ng ferris wheel.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko

"Sasakay tayo" Nakangiti nyang sabi. Gosh ngayon ko lang narealize yung tanong ko sakanya, nakakahiya. Mabuti nalang hindi nya ako binara. Hindi nalang ako kumibo kasi nakaramdam talaga ako ng hiya sa tanong ko kanina. Mayamaya lang ay nakasakay narin kami.

Kitang kita sa taas ang mga kabahayan dito, ang ganda ng view. Pumasok na naman sa isip ko yung kiss. Gagawin ko ba? Haist nakakahiya naman kung ako yung gagawa diba? Hay, bahala na mamaya.

Malapit na kami sa tuktok kaya tumingin ako kay Kim na ngayon ay nakatingin sa kabilang side nya. Mukhang wala syang balak gawin yun, sabagay baka hindi nya alam yung tungkol sa movie.

Nasa tuktok na kami at nagulat ako ng biglang hawakan ni Kim ang mukha ko sabay halik sa akin. Gosh akala ko hindi nya ito gagawin. Ipinikit ko ang aking mga mata sabay respond sa halik nya. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Pagkatapos ng halik na iyon ay tumingin kami sa mata nh isat isa sabay ngiti.

"I really really really love you Siga" Sabi nya sa akin sabay yakap at niyakap ko rin sya ng mahigpit

"I love you too Sungit" Sabi ko. Siguro eto na ang tamang oras para sagutin ko sya. Napatunayan naman na nya sa akin na mahal na mahal nya talaga ako.

"Kim may importante akong sasabihin sayo" Sabi ko kaya napabitaw sya bigla sa pagkakayakap sa akin. Tumingin ako ng seryoso sa kanya kaya bigla ring sumeryoso ang aura nya

"Sungit sinasagot na kita" Nakangiti kong sabi at ang seryoso nyang mukha ay napalitan ng pagkagulat. Matagal bago nang loading sa isip nya ang sinabi ko at nung nagsink in na sakanya ay biglang syang napaluha sa sobrang saya sabay yakap ng mahigpit sa akin.

"Thank you Siga for trusting me. I promise to you that I will never hurt you. Araw araw ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Hinding hindi ka magsisisi sa pag sagot mo sa akin" Sabi nya kaya napaluha narin ako sa sobrang saya.

"I love you Siga always and forever" Sabi nya

"I love you yoo Sungit always and forever" Sabi ko

At muli kong naramdaman ang labi nya sa mga labi ko.Ang ferris wheel na ito ang saksi sa pagmamahalan naming dalawa. I hope na magkatotoo na kaming dalawa na forever kasi mahal na mahal ko na talaga sya.

To be continued..............

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now