CHAPTER 17:Revelation

1K 41 0
                                    

JADE POV:

Naglalakad kami ngayon ni Ange papuntang canteen para bumili ng snacks ng bigla naming makasalubong si Kim.

Nakatingin ako sa kanya habang papalapit kami sa isat isa samantalang sya nakatingin sa daan.Nakatingin parin ako sa kanya at iniangat nya na ang ulo nya kaya nagtagpo ang mga mata namin.

Tinignan nya ako na para bang hindi nya ako kilala kaya iniwas ko na ang tingin ko.Yung tingin nya kagaya nung tingin nya sa akin nung una kaming magkilala.Grave ang sakit may pinagsamahan rin naman kami kahit papaano pero ni hindi manlang nya ako kinumusta kung okay lang ba ako.

Ganyan naba talaga nagawa ng pag ibig sa kanya? Ng dahil sa Jennie na yan nasira ang pagkakaibigan namin.Naramdaman kong pinat ni Ange yung likod ko.

"Ok lang yan boy mukhang sign na yan para kalimutan mo na sya" Sabi nya at napatingin naman ako sakanya

"Matagal ko ng sinubukang kalimutan sya pero hindi ko talaga magawa eh kahit anong pilit kong kalimot sakanya hindi parin sya mawala sa pusot isip ko" Malungkot kong sabi

"Masyado mo kasi syang minahal kaya ayan nahihirapan kang kalimutan sya pero naiintindihan naman kita kasi ganyan din ako kay Carlo.But Im sure dadating din yung araw na makakalimutan mo rin sya" Sabi nya

"Sana nga makalimutan ko na sya sa lalong madaling panahon dahil hirap na hirap na ako,sobrang sakit na" Umiiyak ko ng sabi

"Boy wag ka ng umiyak" Sabi nya pero ayaw paring tumigil ng luha ko.Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko.Kinuha ko iyon sa bulsa ng palda ko at ng tignan ko ay nagtext pala si Red.Binasa ko yung text nya

From:RED

Dont waste your precious tears to the person who didnt deserve it.Wipe your tears and smile.

-RED

Ng mabasa ko ang text nya ay napangiti ako kahit basang basa pa ng luha ang mukha ko.Hindi ko alam kung bakit parang automatic nalang akong napapangiti sa tuwing nababasa ko yung mga messages nya para sa akin.He's always there for me,to make me smile and to encourage me to be a strong person.

"Hoy bakit ka ngumingiti dyan? Ano ba yang binabasa mo na yan?" Tanong nya.Hindi ako sumagot kaya hinablot nya ang cellphone ko.Pinunasan ko ang luha ko at hinarap ko sya para kuhanin yung cellphone ko

"Hoy ibalik mo sakin yan" Sabi ko

"Sino tong Red na to ha? At bakit napangiti ka nalang bigla ng nabasa mo yung message nya?" Sunod sunod na tanong nya

"Hindi ko sya kilala and I dont know pero automatic nalang akong napapangiti sa tuwing nababasa ko yung message nya sa akin" Sabi ko

"Seryoso hindi mo talaga sya kilala?" Tanong nya

"Oo atsaka tinatanong ko nga kung sino talaga sya ayaw naman nyang magpakilala kaya hinayaan ko nalang" Sabi ko

"Pano kung stalker mo pala to? Naku baka kung anong gawin sayo neto" Sabi nya

"Hindi ko sya stalker and hindi rin sya masamang tao" Sabi ko

"Paano mo naman nalaman? Eh hindi mo nga sya kilala" Sabi nya

"Sinabi nya sa akin na hindi sya masamang tao" Sabi ko

"Sa message nya ba sinabi?" Tanong nya

"Oo" Sabi ko

"Malay mo naman nagpapanggap lang yan na mabuti tapos ang totoo pala masama sya.Naku baka sindikato yan boy.Hindi kaba natatakot?" Tanong nya

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now