CHAPTER 19

958 39 1
                                    

JADE POV:

Hanggang ngayon iniisip parin namin kung sino ba yung secret admirer ko na laging nagiiwan ng rose at chocolate sa table ko.At meron ulit syang iniwan ngayon at kasalukuyan iyong tinitignan nila angeline.Actually sa kanila lang naman halos napupunta yung mga chocolates eh flowers lang tinitira nila sakin hahahahaha.

"Uy boy may letter oh" Sabi ni Cess sabay pakita ng letter at take note di nya binigay sakin.Akala ko ibibigay nya eh ipapakita lang pala hahahaha.

"Basahin ko ha" Sabi nya

"Bahala ka" Sabi ko

"Dear Jade alam kong nacucurious ka kung sino talaga ako kung gusto mo talagang malaman kung sino ako magkita tayo mamaya sa likod ng school.I love you from youre secret admirer" Basa ni Cess sa letter.May pa i love you pa si Mayor hahahaha.Pero minsan talaga napapaisip ako kung sino ba talaga sya

"Ano boy pagkakataon mo nato" Sabi ni Cess

"Oo nga para malaman narin namin kung sino ba talaga yang secret admirer mo" Sabi ni Ange

"Ok sige pupunta ako mamaya" Sabi ko

Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba.

Umayos na kami ng upo dahil dumating na yung teacher namin at nagdiscuss na sya.

*After 3 hours*

"Guys bye pupunta na ako sa likod ng school" paalam ko sakanila

"Ok bye mag iingat ka ha" Sabi ni Angeline

"Wag mong kakalimutang sumulat ha mamimiss ka namin" Natatawang sabi ni Cess.Hay mga baliw talaga hahahhaha

"Mga baliw geh alis nako" Sabi ko sabay alis at naglakad na ako papuntang likod ng school

Ng makarating ako doon ay wala pang tao pero nagulat ako ng may magtakip ng panyo sa bibig ko at bigla nalang akong nahilo.

Someone's POV:

"Girls dalhin nyo nayan sa storage room bilis baka may makakita  pa sa atin"Sabi ko sa mga alipores ko.

Nandito kami sa likod ng school para makipagkita kay Jade at successful naman ang naging plano namin.Dinala na namin sya sa storage room at saka sya tinali sa isang upuan.

Sa twing nakikita ko sya nagdidilim ang paningin ko dahil sya lang naman ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ng boyfriend ko.Kakabreak lang namin noong isang linggo at inamin nyang mahal nya si Jade.

Mayamaya lang ay nagising na ang bruha at nagsisigaw

"Mga walang hiya kayo pakawalan nyo ako" Sigaw nya.Nakapiring sya kaya hindi nya kami nakikita

"Ano ba bingi ba kayo? Sino ba kayo? Pakawalan nyo ako" Sigaw nya pa ulit.Putcha nakakairita na ang mga sigaw nya kaya tinanggal ko na ang piring nya at itinakip ko naman yun sa bibig nya.Gulat na gulat sya ng makita nya ako.

JADE POV:

Nagkaroon na ako ng malay pero wala naman akong makita at ramdam ko na nakatali yung kamay at paa ko sa isang upuan.Shit ano ba to nakidnap ba ako?

"Mga walang hiya kayo pakawalan nyo ako" Sigaw ko pero hindi sila sumasagot.

"Ano ba bingi ba kayo? Sino ba kayo? Pakawalan nyo ako" Sigaw ko ulit.At bigla nalang may nagtanggal ng piring sa mata ko at nagulat ako kung sino yung nasa harapan ko ngayon.Magsasalita na sana ulit ako kaso inilagay naman ngayon ni Jennie sa bibig ko yung panyo.Tama kayo ng basa si Jennie at ang mga alipores nya ang gumawa nito sakin.Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at nasa loob pala kami ng storage room dito sa likod ng school.

Masama silang nakatingin sa akin.Bakit nila ko dinala dito? Alam ko wala naman akong ginagawa sa kanila.

"Alam mo napaka uto uto mo sa tingin mo ba may secret admirer ka ha? At mukhang excited na excited kang malaman kung sino sya dahil ang aga mong dumating sa meeting place na ibinigay ko sayo" Sabi nya.So sya pala yung nagbibigay ng mga chocolates at flowers sakin at pinlano talaga nila yun.Napaka sama nila.Pero ano naman kaya ang dahilan nila?

"Napaka assumera at napakalandi mo kasi kaya nangyayari sayo yan.Nakipaghiwalay sakin si Kim ng dahil sayo" Galit na galit nyang sabi.

"Girls bugubugin nyo yang malanding yan" Galit na galit nyang sabi at nagsilapitan naman sa akin yung mga alipores nya.Sinabunutan,sinampal nila ako.Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit.Napaiyak nalamang ako.

Huminto na sila sa pagsampal at pagsabunot sa akin.Akala ko tapos na pero dipa pala.Bigla nalang akong sinikmuraan ng isa sa kanila.Grave napaiyak ako sa sobrang sakit at napaubo na ako ng dugo sa sobrang lakas ng pagsuntok nya sa sikmura ko.

"Ano masakit ba? Kulang pa yan sa sakit na nararamdaman ko" Galit paring sabi nya.Honestly nagmumukha na syang baliw.Ang creepy na ng itsura nya.

"Aww kawawa ka naman umiiyak na sya oh hahahahaha" Tumatawang sabi nya.Ang creepy ng tawa nya.Bigla syang umalis at pagbalik nya may dala na syang baseball bat.Shit wag mong sabihing ipapalo nya yan sa akin.

"Oh mukhang natakot ka ata.Hindi ko naman sinasabing ipapalo ko sayo to pero parang ganun na nga hahahaha"Tumatawang sabi nya.

Lalo akong napaiyak sa sinabi nya feeling ko katapusan ko na ngayon.

"Mag ready kana oh kung gusto mo magdasal ka na dahil katapusan mo na" Galit na galit nyang sabi.Napapikit ako dahil iniamba na nya sa akin yung baseball bat.

"Goodbye Jade" Sabi nya at naramdaman ko ang malakas na pagpalo nya and everything went black.













To be continued...........

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now