Chapter 18 : Real Morthon

5.3K 192 10
                                    

Chapter 18 : Real Morthon

*Gun's POV*

Unang pasok ko ngayon. Hindi ko alam pero kinakabahan ko. Biyernes na pero pumasok padin ako, excited ako at hindi ko na pina abot ang lunes.

Una kong pinasok ang cafeteria, malaki. Para itong bahay , actually mas malaki pa sa bahay namin. Im In Blak Dorm, hindi ko alam kung ano yon pero sabi ni Mr. Henderson, when you are in the Black dorm , everything is with you.

Hindi ko pa din alam kung sino ang ka room mate ko at excited na ako malaman kung sino yon. Nilibot ko ang paligid ko at una kong hinanap si Cham, pero hindi ko sya nakita kahit na si Nalu. Naglalakad lakad ako, napapaligiran ng magagandang babae at mga gwapong lalaki ang university na to.

Lahat sila ay kutis porselana na ultimo langaw ay pwedeng madulas. Pumunta muna ako sa bilihan ng pagkain para bumili dahil nagugutom na ako.

"Set ?"   -tanong sakin ng tindera kaya nagtaka ako.

Hindi ko nagets ang ibig sabihin nya kaya naman hindi ako nakasagot, magtatanong sana ako pero may biglang nagsalita sa likod ko.

"Set no. 3"    -A girl with a green pair of eyes and a blonde hair. She was beautiful.

Tinignan nya ako ng masama at kinuha ang pagkain na inorder nya at inabot yon sakin. Binibigay nya ba sakin to ? Kinuha ko naman at yumukod ako bilang pasasalamat. Pati pagkain naka order in set dito.

Pero nagulat ako ng itulak nya ako papunta sa likuran nya kasabay ng pagsalo nya sa kutsilyo na dapat ay tatama sa akin. Woah ! that was awesome moves.

Humarap sya sakin at kinuha ang pagkain =__=. Akala ko sakin na yon !

"Watch your back"     -umalis na sya sa harap ko pagkasabi non.

Nakakatakot pala dito may mga lumilipad na kutsilyo. =__=.

Nawala ang gutom ko kaya naman lumabas na lang ako at baka malas lasan ako ng wala sa oras dito. Pumunta ako sa ground at umupo muna doon. Ilang minuto lang ang tinagal non at napagpasyahan ko na ding umalis. Bago pa ako makatayo ay may pumalibot sakin na limang mga mukang trouble makers at masama akong tinignan.

"Your new here right ?"         -tanong ng isa na madaming hikaw sa magkabilang tenga.

Hindi ako sumagot at tumayo lang pero binalik na ako sa kinauupuan ko.

"Im talking to you !"       -hinawakan nya ang ulo ko at binatukan ako. Ganto ba talaga ka sadista ang mga tao dito ?

"Wala akong panahon makipag away sa inyo"       -sagot ko.

"Hindi kami makikipag away, makikipag usap lang"

Tinawanan nya ako at inamba ang kamay nya pataas pasuntok sakin pero nagulat ako ng biglang may tumamang mansanas doon. Napatingin lahat kung saan nanggaling yon at tumayo mula sa isang upuan ang isang lalaking nakahiga at nakasimangot na mukang na istorbo ang pagtulog nya.

Morthon University : "League of Assassin" (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon