Chapter 18: Beast is back

ابدأ من البداية
                                    

Nilamon ako ng pangamba sa sinabi niya. Posibleng magkatotoo ito kung gagawin niya na agad ngayon dahil may karapatan naman talaga siya. At natatakot ako para sa kalagayan ng Kambal lalo na kay Zai. Siya ang sobrang maaapektuhan pag nalaman niya ang katotohanan.

Nagmamakaawa ko siyang tinitigan sa mata. Hindi ako yung tipo na nagmamakaawa pero alang-alang kay Zai kahit lumuhod pa ako sa harap niya ay gagawin ko.

"Nakikiusap ako, wag mong saktan si Zai. Kung gusto mo talagang makuha ang lahat ng dapat ay sa iyo, gawin mo ito sa paraan na walang masasaktan. Emosyonal man o Pisikal."

Mapakla siyang tumawa. "Wala akong pake-alam sa emosyon niya. Wala din naman akong pake-alam sa Pamilya nila. Ang kayamanan at Pera lamang ng Pamilyang Algrande ang habol ko, iyon ang usapan namin ni Mr. Yuso. Patuloy pa rin ako sa paghahasik ng lagim hangga't sa may isang Tao na ang maglalakas loob na pabagsakin ako. At pag dumating na ang panahon ng paghaharap namin, papatayin ko siya makuha lamang ang Pera at Kayamanan ni Mr. Yuso."

"Paano kung ikaw ang matalo? Anong kapalit?" may tono ng paghamon na tanong ko. Hindi niya alam na isa ako sa pinili ni Mr. Yuso na makakatunggali niya sa ibabaw ng Battle ring sa loob ng Arena.

Sandali siyang natahimik. "Magpapakilala na ako sa lahat."

Napangisi ako. Iyan ang sinabi sa akin ni Tito noong mag-usap kami na pag may nakatalo na sa kanya susundin niya ang lahat ng gustong gawin sa kanya ni Tito kasama na roon ang pagbubunyag sa buong pagkatao niya.

Pero wala pa ring magandang choices. Matalo man siya o Manalo, may masasaktan pa rin. Kapag nanalo siya, makukuha niya ang kayamanan at pera na hinahangad niya na magiging sanhi naman ng paghihirap ng Pamilyang Algrande. At pag natalo siya, ang pagbubunyag sa pagkatao niya ay maaaring ikasira ng Pamilya. At si Zai, paniguradong masasaktan siya ng sobra. At ayokong mangyari iyon.

"Pero hindi ko hahayaang matalo ako. Wala ni sino man ang makakatalo sa akin kahit ikaw pa iyan, Snow. Tandaan mo yan." kampante niyang sabi.

"Sigurado ka?" nakangisi kong tanong. "Baka nakakalimutan mong napatumba na kita dati. Nawalan ka pa ng malay non. Wala pa iyon sa kalingkingan ng maaari kong gawin sayo, Beast. Baka ikaw mismo ang dapat na matakot sa akin."

Nanigas ako ng ilapit niya ang labi niya sa leeg ko. Hindi na ako nagpumiglas at nanatili pa rin akong kalmado. Nakadikit lamang ang tungki ng ilong niya sa leeg ko na para bang sinasariwa ang amoy nito.

"Kung ikaw man ang makakatunggali ko, sige magpapaubaya ako. Handa akong magpatalo pero ang kapalit nito ay IKAW mismo. Magiging AKIN ka. Naiintindihan mo ba iyon, Aking Nyebe?"

Nanlalaki ang mata ko ng marinig iyon.

"NO! NEVER!"

Hindi na ako nakapagpigil pa't malakas kong iniuntog ang Noo ko sa noo niya dahilan para mabitawan niya ang kamay ko. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para baliktarin ang posisyon namin. Nakaupo na ako ngayon sa may puson niya.

"Yeah. I like that"

"Urrgg!!" nangigigil kong hinablot ang punyal sa holster. Tatagain ko na sana siya ng biglang bumukas ang Pinto ng kwarto.

"What the hell are you doing here Beast?"

It's Tito Lawrence or should i say Mr. Yuso? Dahil nanlamig ako ng makita ang Emosyon niya na minsan niya lamang ipakita. It was so Dark, Dangerous, Powerful, Deadly and Full of authority.

"I told you to stop messing around with us. If you really wants to take all of my wealth then might as well to start the Battle inside the Arena. We've already talked about the consequences. And i'm willing to give you all of my Wealth if you won. But if you lose--"

"Stop it."

Hindi natuloy ang pagsasalita ni Mr. Yuso ng pigilan siya ni Beast. Agad naman akong umalis sa pagkakadagan sa kanya at tumayo sa gilid ng kama. Bumangon na rin si Beast at nakipagtitigan ng taimtim kay Mr. Yuso. Pareho silang may nakakatakot na presensya at madilim na awra.

"I will win." matigas na banggit niya.

"Anong meron dito?"

Napatingin kaming lahat sa pinto ng dumating si Zai. Agad na tumalikod si Beast at inayos ang Hoodie ng Balabal niya. Hindi pa siya maaaring makita ni Zai o ni kahit isa sa Pito. Dahil pag nangyari iyon paniguradong magkakagulo ang lahat.

"Ano bang nangyayari?" sabay ng pagpasok ni Zai ay ang mabilisang pagkawala ni Beast. "Sino yung lumabas sa Veranda?" pagtataka niyang tanong.

Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Tito na seryoso pa ring nakatitig sa sliding door na nilabasan ni Beast. Pero kitang-kita ko sa seryosong mukha ni Tito ang masakit na emosyon na nakatago sa likod nito.

"Dad? Ok ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Zai. Napaigtad si Tito ng hawakan ng anak ang balikat niya.

"Ha? O-ok lang ako.." nawala na ang kaninang Mr.Yuso na katauhan niya. "May pasok pa kayo bukas kaya matulog na kayo.." agad na tumalikod si Tito at lumabas na ng kwarto.

Habang ako ay napabuntong hininga na lamang at nanghihinang napaupo sa gilid ng kama. Hindi ko lubos maisip ang gustong mangyari ni Beast pag kami ang magkakaharap. Handa siyang magpatalo kapalit nun ay Ako? Nahihibang ba siya?? Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Hindi pwede. Isang lalake lang ang nagmamay-ari ng puso ko. At siya lang ang pwedeng magsabi na sa Kanya lang ako.

Napaigtad ako ng biglang may humawak sa kamay ko na nasa kandungan ko.

"Zai.." hindi ko namalayan na tumabi na pala siya sa akin. Nag-aalala siyang nakatingin sa akin.

"Ano bang problema Bru? Pareho kayo ni Dad na wala sa tamang huwisyo. May nangyari ba dito? Sino yung lumabas sa Veranda? Si Beast ba iyon? Ano daw ang kailangan niya? Sinaktan ka ba niya? Bru! Sumagot ka naman oh--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita ng Halikan ko siya. Naistatwa siya sa kinauupuan niya sa biglaang pagsunggab ko ng halik sa kanya. At hindi pa rin siya nakakagalaw ng humiwalay na ang labi ko sa labi niya.

Marahan kong hinawakan ang pisngi niya at malamlam siyang tinitigan.

"Zai, can i have a favor?"

Natauhan na siya sa pagsasalita ko. Napapalunok na lamang siya habang hindi makatingin sa akin ng maayos na ikinangiti ko.

"Look at me, please? Look into my eyes." pakiusap ko na ginawa naman niya. "Can i have a favor?" ulit na tanong ko.

"A-ano yun?"

"Be mine."

Nanlalaki ang mata niya sa pabor ko. Malamlam ko uli siyang tinitigan.

"Be mine. Be my Boyfriend. Be my property. And same to you, I'll be yours, I'll be your Girlfriend, I'll be your property. Let's be officially together so that we have a right to protect each other. And you have the right to keep me and fight for me. Can you do that for me?"


To be continued...

Snow White and the 7 Gangstersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن