CHAPTER 25 - ACCIDENT KISS

18.4K 486 0
                                    

CHAPTER 25
ACCIDENT KISS 💏

TUNOG ng bola ang umaalingawngaw sa loob ng court habang pinapatalbog 'yon ni Diesel. Tumakbo siya palapit sa ring at tumalon siya para i-shoot ang bola. Agad niyang hinabol ang bola at hinawakan bago muling i-shoot ulit.

Hingal na hingal siya na napaupo sa sahig ng court at habang malalim ang kanyang iniisip. Hindi niya maintindihan kung bakit palaging ginugulo ang isip niya ang babaeng 'yon--Si Akina.

Hindi niya maintindihan kung bakit nainis siya tuwing kakausapin siya ng isa sa mga bangtan. Tinukod niya ang mga kamay sa sahig at tumingala siya sa taas kung saan ay kita ang nagkikislapang mga bituin.

Napakurap siya ng makita ang ngiti ni Akina.. Napatitig siya sa bituin na naghugis ng mukha ni Akina habang nakangiti.

Hindi niya alam kung paraan saan ang kabog ng dibdib niya. Dahil ba sa hingal niya dahil sa pagba-basketball o dahil sa ngiti ni Akina?

"Gasolina!"

Agad na napamaang siya dahil parang naririnig niya ang boses ni Akina.. Pero nang biglang humarang ang mukha nito sa tinitignan niyang mga bituin ay napahiga siya sa gulat ng malaman niya na totoong Akina ang bumungad sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" inis niyang tanong at hinawi niya ito bago siya tumayo.

Tumingin siya rito na nakapamaywang habang nakangiti. Nakasuot ito ng jacket na pula habang naka-cotton short kaya kita niya ang mahahaba nitong legs na napakaputi. Naka-white sneakers rubber shoes din ito.

"Nagba-basketball ka?"

"Obvious ba." Pinatalbog niya ang bola at iniwasan ito at tumakbo siya palapit sa ring at tumalon bago tinapon ang bola sa ring. Hindi 'yon na-shoot kaya napahinga siya ng malalim bago pulutin ang bola.

"Kung gano'n ay maglaban tayo."

Napalingon siya rito ng maghamon ito. Natawa siya at napailing. Dahil napakalakas nitong maghamon pero ang payat naman ito at baka tumilapon lang ito kapag sinangga niya.

"Ikaw? Makikipag-one-to-one sa akin sa basketball? Haha! Hibang ka na."

"Kapag natalo kita, hahayaan mo ako na palaging bumuntot sa iyo."

Tumingin siya rito dahil hindi niya alam kung bakit nito nais na bumuntot sa kanya? Hindi niya alam ang pinaplano nito o dahilan nito.

Pinatalbog niya ang bola patungo rito na agad naman nitong hawakan. Napatango siya dahil marunong pala itong humawak ng bola.

"Kapag nanalo ako, 'wag na 'wag munang pepestehin ang buhay ko. Gusto ko na mawala ka na sa paningin ko kahit kailan."

Napatitig ito sa kanya dahil sa sinabi niya. Napalunok siya dahil hindi niya alam kung bakit pero bigla ay parang nais niyang bawiin ang sinabi ng makita niya na nalungkot ito sa sinabi niya.

Yumuko ito at pinatalbog ang bola. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya kaya napahawak siya sa dibdib niya ng makaramdam ng kirot.

"Sige. Unang maka-five points siya ang panalo." pagpayag nito bago ito mabilis na nag-drible. Nag-angat ito ng tingin at nagseryoso kaya agad siyang humarang ng maglakad ito para makalapit sa ring. Nang patalbugin nito sa kanan niya ang bola ay akmang aagawin niya ng ilipat nito sa kaliwa ang bola at lumusot sa kanya kaya nakalusot ito at napatingin siya sa ring ng ihagis nito ang bola doon.

Napamaang siya ng ma-shoot ang bola. Napailing siya dahil tila mali siya ng panliliit rito.

Kinuha niya ang bola at pinatalbog. Agad silang nag-pantintero at inaamin niya na magaling itong magbantay. Pinalusot niya ang bola sa pagitan ng mga paa niya at ginitgit niya ito ng kaunti bago niya inilusot ang bola sa kamay nito at hinagis niya ang bola patungo sa ring.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDWhere stories live. Discover now