CHAPTER 13 - FIRST DATE

18.2K 561 39
                                    

CHAPTER 13
FIRST DATE 👫

PASIPOL-SIPOL si Diesel habang nagsusuot ng rubber shoes. Mahigpit niyang itinali ang sintas sa kanang shoes ng kanang paa niya bago siya tumayo at tumalon para testingin kung maganda ba ang bagong bili niya. Nang ayos lang ay napangiti siya at humarap sa salamin para tignan ang porma niya.

White shirt na may i-printang badboy habang suot niya ang black leather jack at maong ripped jeans. Sinuot niya ang sumbrero na black na pabaliktad at saka siya ngumiti dahil tiyak na lalong mahuhulog sa kanya si Jhaycee.

Nang ayos na ay agad siyang naglakad palabas ng kwarto niya habang pa-sipol-sipol pa siya. Pagbaba niya ay tinungo niya ang dinning area para magpaalam sa Mommy at Daddy niya.

"Oh! May na-miss ba ako dito?" bungad niya ng mabigla siya na kompleto ang mga kapatid niya na nakaupo na sa sari-sarili nilang silya.

"Baby boy, maupo ka na-- wait.. Saan ang lakad mo?" sabi ng Mommy niya ngunit agad siyang tinanong ng makita na pormadong pormado siya.

"Mom, I have a date." sabi niya habang abot-tenga ang ngiti.

"May date kayo ni Jhaycee?" nakangiti niyang sabi kaya tumango siya.

"Sama ako, Diko! Sama!" biglang sabi ni Benj at bumaba ito sa upuan nito at lumapit sa kanya. Humawak ito sa kamay niya at nagtatalon, "Sama ako. I want to meet your girlfriend." ungot nito.

"No. Hindi ka pwede doon dahil tiyak na manggugulo ka lang." sabi niya rito.

Napasimangot ito at agad na tumulo ang luha na kinaasik niya sa isip. Tiyak na da-drama-han siya nito hanggang sa mapapayag siya.

"Ang bad mo! Sama nga ako! Mommy!" Hiyaw nitong sabi at pumalakaw na ito ng iyak.

"Damn! Stop, Benj. You're not a baby anymore." saway niya rito.

"Baby Benj, stop crying. Hindi ka pa muna pwedeng sumama dahil unang araw ng date ng Diko mo 'yon." sabi ng Mom niya at lumapit kay Benj para patahanin ngunit nagwala ito at nahiga sa sahig habang nagpapadyak ng paa.

Napahinga siya ng malalim dahil hindi naman ito titigil kapag hindi nasunod ang gusto. Napatingin siya kay Bettina dahil kagagawan nito kaya naging spoiled ang bunso nilang kapatid.

"Tsk. Bettina, stop teaching him to be like you. Tignan mo ang ginagawa niya ngayon." sabi niya rito kaya napatingin ito at napataas ang kilay.

"What? It's my fault again? And it's not my problem anymore if he's acting like that. Bakit kasi hindi mo pa isama siya? Ayaw mo no'n baka mas lalong ma-inlove sa iyo ang nililigawan mo." tugon nito na kinainis niya.

"She's my girlfriend already for your information. Nah. Basta hindi siya sasama. Baka masira pa ang date namin." sabi niya.

"What's the problem here?" biglang dating ng Dad nila at lumapit sa Mommy nila.

Kasunod ay ang kuya Duke niya kasama si Nestle na papakasalan ng Kuya niya.

"Mister, gustong sumama ni Baby Benj kay Baby Boy. Kaso first date ng Baby Boy natin at baka makaabala si Benj." sabi ng Mom niya.

"Bakit hindi mo isama, Diesel? Malay mo ay lucky charm mo 'yan." sabi ng Kuya Duke niya.

"Yes, your kuya is right, Diesel. Benj is the cutest baby boy that I know." nakangiting sabi ni Nestle na tawag niya ay Ate nestle. Dahil tutal ay malapit ng magpakasal ito at ang Kuya niya.

Marahas na napabuga siya ng hangin at napakamot sa kilay dahil wala na naman siyang magagawa kundi ang pagbigyan ang makulit nilang bunsong kapatid.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDWhere stories live. Discover now