CHAPTER 22 - RELATIONSHIP'S GOALS

17.5K 529 6
                                    

CHAPTER 22
RELATIONSHIP'S GOALS

NAGKAKASIYAHAN sa isang resort ng mga ford ang lahat ng inimbita ni Diesel para sa comeback pool party na hinanda niya para kay Akina.

"Sel, nasaan na sila Akina?" tanong sa kanya ni Sandro kaya tumalim ang mata niya na tumingin rito.

"Bakit mo naman hinahanap ang girlfriend ko? Hanggang ngayon pa rin ba ay umaasa ka?"

"Ul*l! Hindi na, naka-move-on na ako. May ibibigay lang ako sa kanya kaya ko siya hinahanap."

Inalog ni Diesel ang hawak na alak habang nakasandal siya sa isang table malapit sa pool. Nakasuot lamang siya ng board short na pang-summer habang naka-sando siya na black.

"Patingin, ako na rin ang mag-aabot."

Nilahad niya ang kamay para hingin rito ang nais nitong ibigay sa nobya niya, pero ngumisi lang ito at umiling.

"Ayoko nga. Regalo ko ito kay Akina, kaya sa kanya ko lang ibibigay."

"Siguraduhin mo lang na regalo lang, ayokong malalaman ko na sinusulot mo ang girlfriend ko." pagbabanta niya.

"Oo na, napaka-possessive mo naman. Baka hiwalayan ka ni Akina n'yan kapag ganyan ka parati.."

Ngumisi si Diesel at napailing kay Sandro, "Kahit ano pa ako, kahit na ano pa ang ugali ko, at kahit gaano pa ako kahigpit, ay alam kong hindi ako pagsasawaan ni Akina. Dahil mahal namin ang isa't-isa."

"Lakas din ng tiwala mo, Sel. Hanga na talaga ako." Napailing si Sandro at ininom nito ang alak na laman ng basong hawak niya.

"Sel! Sandro!"

Napalingon sila sa bangtan na sina Michael, Benedict, Jin, at Raphael. Si Michael ay may kaakbay na dalawang chicks. Si Benedict ay may ka-holding hands na isang babae kaya nagkatinginan sila ni Sandro at napangisi.. Si Raphael naman ay as usual, pagkain ang palaging kasama.

"Mina, nasaan si Akina?" tanong niya kay Mina na akbay-akbay ni Jin.

Ngumiti si Mina at lumingon sa likod kaya agad suyang napalingon. Humawi sila Michael at doon ay nakita niya si Akina na nakayukong naglalakad habang binababa ang suot nitong maikling floral skirt habang nakasuot ng bikini bra na kinamaang niya. May ribbon din itong suot sa ulo na kapareha ng suot nitong bulaklakin na pink.

Napalunok siya at agad na binaba ang alak bago siya manghang-mangha na pinagmamasdan si Akina. Huminto siya sa harap nito kaya napaangat ito ng tingin. Namula ang pisngi nito kaya napangiti siya at hinawakan niya ito sa ulo.

"You're so pretty."

"T-Thanks." nautal pa ito kaya napangiti siya lalo at bumaba ang kamay niya para abutin ang kamay nito.

"Don't be shy. You have a body that every girls dream."

Nahiyang napangiti ito kaya inaya na niya ito patungo sa bangtan.

"Wow! You're so hot, Akina."

Sumama ang tingin niya kay Michael at humarang siya kay Akina para mawala na ang pagtingin ni Michael sa nobya niya.

"Take your eyes off, Michael." asik niya na kinangisi lang nito at inakay na ang dalawang babae patungo sa pool.

"Ano pang hinihintay natin? Swimming time! Let's enjoy this night!"

Tumalon si Jin at napatawa sila ng mapatili si Mina ng hatakin ni Jin ito para tumalon sa pool. Tinulak naman ni Sandro si Raphael na nabitawan ang hawak-hawak nitong junk food kaya lalo silang natawa.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDWhere stories live. Discover now