Chapter 7 - FEELINGS

19.9K 592 16
                                    

CHAPTER 7
 FEELINGS 😳

INAANTOK pa at tila masama ang pakiramdam ni Jhaycee, pero hindi niya pinahalata 'yon kay Aunt Isabelle at Allen. Tahimik lamang siyang kumakain ng hinanda nitong breakfast para sa kanila.

"Akina, pinasok ko nga pala si Allen sa kinder d'yan sa public school. Para naman matuto ang batang ito na sumulat." sabi ni Isabelle kaya napaangat siya ng tingin.

"Huh? Paano mo siya napa-enroll kung wala naman tayong information na hawak niya?" tanong niya kahit na wala siyang gana na magsalita.

"Mayroon na ngayong makukuha na NSO kapalit sa dating Birth Certificate. Mabuti at alam ni Allen ang pangalan ng magulang niya at apelyido niya kaya nakakuha kami ng kopya. Kaya makakapag-aral na siya." sabi nito kaya napatingin siya kay Allen at hinawakan ito sa ulo.

"Matalinong bata. Matandain ka pala." papuri niya rito.

"Mabuti po at tinuruan po ako ni Nanay noon na bigkasin ang pangalan nila ni Tatay. Kaya po ngayon ay natatandaan ko pa po bago sila mawala." sabi nito kaya napahinga siya ng malalim dahil naaawa talaga siya sa sinapit ng bata. Ginulo niya ang buhok nito bago niya bitawan.

Napahawak siya sa bibig at napaubo ng malakas na hindi niya napigilan.

"Tila may sakit ka, Akina? Maputla ka pa." nag-aalalang sabi sa kanya ni Isabelle na inilingan niya.

"Wala ito, Tiya. Pagod lang siguro." sabi niya.

"Sabi ko kasi sa iyo ay 'wag ka nang magtrabaho. May nakukuha naman akong pera na maaaring pangtustos sa araw-araw natin."

"Kailangan ko ho na gawin 'yon. Mauubos din ang pera ko at ayoko naman ho na humingi sa inyo. At hindi rin magiging sapat 'yon lalo na at mag-aaral na si Allen." sabi niya rito na kinabuntong-hininga ni Isabelle.

Tumayo ito kaya napatingin siya rito na nagtungo sa kusina kaya pinagpatuloy na lang niya ang paghigop ng sabaw para mawala ang pagkasakit ng lalamunan niya.

"Heto ang gamot. Pagkatapos mong kumain ay inumin mo ito para hindi magtuloy sa lagnat 'yang nararamdaman mo. Magbaon ka rin para mainom mo sa school." sabi ni Isabelle kaya tumango siya, "Hay! Kahit kailan ang tigas ng ulo mo. 'Wag ka na lang kayang pumasok? Baka mahilo ka pa sa school." hindi mapakali nitong pag-aalala sa kanya na kinangiti niya.

Tumingin siya rito at umiling, "Salamat sa pag-aalala, Tiya. Pero kailangan kong pumasok dahil halos kakasimula pa lang ng pasukan. Ayoko naman na mapahiya kayo sa amo n'yo dahil inerokomenda n'yo ako pero magliliban lang pala ako sa klase. Kaya 'wag n'yo na hong i-suggest na a-absent ako dahil hindi ko gagawin." sabi niya rito na kinangiti nito at hinawakan siya sa kamay.

"Napakabuti mo talagang bata. Swerte ng magiging asawa mo." sabi nito kaya binawi niya ang kamay dahil bigla siyang kinalibutan.

"Tiya, 'wag n'yo ngang sabihin 'yan. Wala pa ho sa isip ko 'yan." kinikilabutan niyang sabi na kinahalakhak nito, maging ni Allen.

"Ang lalake natin, takot sa relationship." tukso nito.

"Tiya, Isa!" suway niya rito.

"Okay... Okay... Hindi na. Pinapasigla ko lang ang emosyon mo para kahit paano ay magising ang diwa mo." sabi nito kaya napailing siya at napangiti.

-

        

                                            FORD RESIDENCE

NAKABIHIS na si Diesel ng uniform habang pababa siya ng hagdan. Hanggang ngayon ay nabwi-bwisit siya sa post ni Sandro. Hindi siya makatulog dahil sumasagi sa isip niya ang larawan ng dalawa.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDWhere stories live. Discover now