CHAPTER 27 - NO REGRET

22.2K 544 1
                                    

CHAPTER 27
NO REGRET


SA mataas na building kung saan ay kitang kita ang syudad ng tokyo kung saan nakatayo ang building na kinatatayuan ngayon ni Akina. Nakakawala ng pagod kapag nakikita niya ang nagkikislapang mga ilaw na parang bituin sa langit. Kapag tumitingin siya sa kalangitan ay parang naka-konekta ang sarili sa pilipinas na nami-miss niya.

"Ms. Kobayashi, Mr. President is on the phone."

Agad siyang napalingon sa secretary na nilaan sa kanya. Ngumiti siya rito at tumango bago siya lumakad palapit sa table niya. Inabot niya ang land line phone at may pinindot siya na button bago niya tinapat sa tenga ang phone.

"Otõsan?"

"Musume, are you done to your work?"

"Yes, Otõsan. Why?"

"I want to talk to you personally."

Napatango siya at napangiti bago siya naupo sa swivel chair niya.

"Okay, Otõsan. I'm going now."

Nang binaba na nang otõsan niya ang phone ay napahinga siya ng malalim bago binaba ang phone. Napatingin siya sa mga papeles sa desk niya at mabilis nuyang inayos 'yon. Nang matapos siya ay kinuha niya ang hand bag niya bago siya tumayo na.

Paglabas niya ng office niya ay napatayo ang secretary niya na si Chiko.

"You may leave now." aniya.

"Arigato, Ms. Kobayashi." yumuko ito sa kanya kaya naglakad na siya para magtungo sa elevator.

Nang makasakay siya ay agad siyang binati ng mga empleyado. Ngumiti siya sa mga ito. Pati sa paglabas niya sa elevator at pati madaan siya sa lobby ng company ay panay ang yukod sa kanya ng mga empleyado na nginitian na lang din niya.

Nang huminto ang kotse niya sa harap ng entrance ay agad na lumapit si Butler Ji na kinuha para maging personal bodyguard niya. Pinagbuksan siya ng pinto sa backseat kaya sumakay na siya.

Nakatingin lamang siya sa mga nakakasalubong na sasakyan at sa paligid kung saan nakikita niya ang ilang mga tao na tumatawid sa pedestrian lane.

Namiss niya ang maging simple lang. 'Yung hindi pa siya nakikilala ng ibang tao sa japan. 'Yung kaya pa niyang makalakad mag-isa na walang nakabuntot.

Napahinga siya ng malalim at tumingin sa harap ng huminto na ang sasakyan. Narito na pala sila sa mansyon nila. Pinagbuksan siya ni Butler Ji kaya bumaba na siya at dere-deretsong naglakad.

"Where's Okaasan?" tanong niya sa maid na mga nakahilera at nagsiyukuan.

"In dinning area, princess."

Tumango siya at naglakad patungo sa dinning area. Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang parents niya. Ang okaasan niya na sinusubuan ang otõsan niya kaya napangiti siya.

"Ang sweet naman." aniya kaya napatingin ang mga ito.

"Musume, finally you are here."

"Of course, otõsan, I don't missed this important event of your life." aniya at bumeso sa otõsan niya na ngayon ay nakasakay sa wheel chair. Bumeso rin siya sa okaasan niya na hinaplos ang likod niya at nginitian siya.

Naupo siya at humawak sa wheel chair ng otõsan niya. Hinawakan nito ang kamay niya kaya napatingin siya rito.

"I'm sorry, Musume. I know you really missed your friend and your boyfriend in the philippines, but because of me--"

"No, Otõsan. It's my choice to leave and it's my choice to take care of you and of course the country. I don't have any regrets in my life. I'm happy."

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDWhere stories live. Discover now