CHAPTER 20 - MEET THE PARENTS

18.4K 550 18
                                    

CHAPTER 20
MEET THE PARENTS


AGAD na nagpadala ng message si Diesel kay Akina gaya ng bilin nito sa kanya. Napangiti siya habang nakahiga. Hinintay niya na sumagot ito ngunit isang oras, hanggang mag-dalawa ay hindi pa rin ito nagre-reply kaya tinawagan niya. Naupo siya at hinintay niya na sagutin nito ngunit puro ring lang naman at hindi nito sinasagot, kaya nagsalabong na ang kilay niya at kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak niya.

Nariyan na naiisip niya na baka dahil kaya hindi nito nasasagot ang tawag at text niya ay baka nakikipagkwentuhan pa ito sa bestfriend nito.

"Tsk. Yari ka sa akin bukas." anas niya at inis na nahiga.

Napabuntong-hininga siya at napatitig sa kisame. Hindi siya mapalagay kaya pa-paling-paling siya ng higa. Kinuha niya ang unan at tinakip sa mukha ngunit agad din siyang sumilip upang tignan kung nag-text man lang ba sa kanya si Akina. Ngunit marahas lang siyang napabuga ng hangin dahil hindi pa rin ito nagre-reply sa kanya. Pumikit na siya para matulog. Bukas niya sesermunan ito.

-

"RON! Ron! Gising!"

"Hmm, ano ba!?" inis niyang hinawi ang kamay na yumuyugyog sa kanya.

"Sel, si Akina!"

Nang mabanggit lang ang pangalan ni Akina ay agad siyang napabaligwas ng higa at agad na hinanap ng mata niya si Akina.

"Nasaan si Akina?" tanong niya.

"Dude, wala na dito si Akina." sabi ni Sandro.

Inis na nabuga siya ng hangin at muling nahiga.

"Syempre wala dito si Akina dahil nasa bahay nila. Bakit ba kayo nambubulabog? Inaantok pa ako." inis niya sabi at nagtakip siya ng unan sa mukha.

"Ang ibig naming sabihin ay wala na si Akina sa pilipinas. Sinundo na siya ng Dad niya." sabi ni Michael kaya napabangon siyang muli at hindi siya makapaniwalang tumingin sa bangtan.

"Nagbibiro lang kayo, 'di ba?" tanong niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at para siyang maiiyak.

Nang mapailing ang mga ito ay para siyang lutang na agad na bumangon sa kama at agad na kumaripas ng takbo. Hindi siya naniniwala. Alam niya na hindi aalis si Akina hangga't hindi ito nagpapaalam sa kanya.

Kahit nakayapak at suot lamang ang boxer at black sando niya ng lumabas siya ng bahay na ganoon ang ayos. Agad siyang sumakay sa kotse at ini-start ang makina. Napatingin siya sa bangtan na nagsakayan sa kotse niya kahit na hindi naman kasya at pinasiksikan ng mga ito ang sarili.

"Samahan ka na namin, baka mamaya ay mag-suicide ka." sabi ni Michael na ibig niyang batukan ngunit wala na siyang gana na patulan ito at agad na niyang pinasibat ang sasakyan.

Habang nagmamaneho at pokus ang mata niya sa kalsada ay hindi pa rin maaalis sa kanya na natatakot siya. Natatakot siya na wala na nga siyang maabutan na Akina sa bahay ni Isabelle. Natatakot siya na mawala sa kanya ang nobya niya.

"Something strange. Pansin n'yo nang malaman natin na sinundo na si Akina ng Dad niya ay saka naman umalis ng bansa si Jack." sabi ni Benedict.

"Oo nga. Tapos hindi na rin tayo sinasama ni Jack sa plano niya. 'Yung pag-alis nga niya ng bansa ay hindi natin alam. Kung hindi lang tayo nagpunta sa bahay nila ay hindi pa natin malalaman." sabi ni Jin.

"Umalis si Jack?" tanong niya habang nag-iisip siya ng malalim. Hindi nyia alam pero kinakabahan siya. Hindi naman siguro si Akina ang tinutukoy ni Jack na crush nito na nasa japan?

"Anong iniisip mo, Ron?" tanong ni Sandro sa kanya.

Umiling siya at binilisan na lang niya ang pagmamaneho. Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na sila sa tapat ng bahay ni Isabelle. Hindi pa niya naaayos ng parada ang kotse at hindi pa niya napapatay ang makina ng agad siyang bumaba.

Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITEDWhere stories live. Discover now