Chapter 11

45 3 0
                                    



Sa mga sumunod na araw palagi kaming magkasama ni Ameena. Mukha hindi naman siya nakakaramdam ng pagka-awkward sa akin, so the feeling is not mutual, mga par. Hahaha. Ako lang ang nao-awkward kaya pinipilit ko na maging katulad ng dati ang pag-uusap namin.
Madalas dito kami nakatambay sa kuwarto ko. Nag-uusap tungkol sa kung anong bagay lang. Minsan nagre-request na kantahan ko siya. Namimihasa na, eh. Haha.

“Ano’ng paborito mong kanta?” tanong ni Ameena.
Napa-isip ako. Parang wala naman.

“Hindi ko alam, eh,” sagot ko sa kanya.

“Hindi mo alam?” magkasalubong  ang mga kilay niya.

“Ikaw pa ang nagtanong niyan sa akin, eh,” umupo ako ng maayos,
“kaya iisip ko pa kung ano.”

Tinitigan niya lang ako habang hinihintay ang sasabihin ko.

“Ah, alam ko na,” sabi ko habang nakangiti sa kanya, “Guardian Angel.”

Nang hindi siya sumagot, tinanong ko siya, “Bakit mo nga pala naitanong?”

“Para kapag hindi na tayo magkita ulit, may maaalala ako sa’yo,” seryosong sagot niya.

“Ayaw ko isipin ang bagay nay an ngayon, malulungkot ako.”

“Magandang pangyayari ba sa buhay mo ang pagkakakilala natin?” tanong niya.

“Oo naman,” agad kong sagot.
“Kung ganun, huwag malungkot. Ang mga magagandang pangyayari sa buhay ay hindi dapat ikalungkot.”

Bakit ang lalim niya magsalita kapag seryosong bagay ang pinag-uusapan? Haaay.

“Gusto mo lumabas? Nood tayo ng sine,” yaya ko sa kanya.

“Masaya ba ‘yun?” tanong niya na may halong excitement sa boses niya.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

NASA mall kami ngayon. First stop naming? Sa boutique. Bibili kami ng damit na susuotin ni Ameena bukas sa birthday ni Vic.

“Ano ginagawa natin dito?” tanong ni Ameena.

“Bibili tayo ng damit mo para bukas,” ngumiti ako sa kanya, “Pumili ka.”

“Hindi ko alam kung anong pipiliin ko,” sabi niya sabay ipinalibot ang tingin niya sa buong boutique.

Biglang may lumapit na Saleslady sa amin, “Hi, sir, pipili ba kayo ng dress para sa kapatid mo?” todo pa-cute ang babae. Kapatid? Gusto kong matawa. Nakita ko naming tumaas ang kilay ni Ameena.

“Magka-mukha ba kami?” mataray na tanong ni Ameena.

“ahh..” hindi makasagot ang babae, halata kasing naiinis si Ameena.

“Girlfriend ko siya,” singit ko sa kanila, “At oo, pipili kami ng damit ng girlfriend ko, so if you’ll excuse us.”

Tumango lang ang babae at umalis. Si Ameena naman sinundan ng tingin yung babae. Natatawa parin ako sa reaksyon niya. Siguro ayaw niyang maging kapatid ako? Ayiiie. Hahaha.

“Hoy, hali ka na,” kinalabit ko siya, “Pipili na tayo.” Hinawakan ko siya sa kamay. Napatingin siya sa kamay niya na hawak ko, saka tumingin sa akin.

“Ikaw na ang pumili para sa akin,” sabi niya sabay ngiti sa akin.

“Okay, pipili ako at isusukat mo,” hawak ko pa rin ang kamay niya, “Kung anong pinakababagay sayo, yun ang bibilhin natin.”

Tumango siya.

“Eto, hawakan mo,” inabot ko sa kanya ng dress na kulay red na sa tingin ko ay huhulma sa katawan niya. Kinuha niya naman ang inabot ko.

“Eto pa, hawakan mo,” inabot ko ang kulay beige na dress, “At eto,” inabot ko ang kulay black na dress. “isukat mo muna yang tatlo, hihintayin kita dito.”

After 1 or 2 minutes, lumabas si Ameena. Suot niya yung red na dress. Pinigilan kong mapa-nganga. Ang sexy pala ng damit nay un. Hanggang tuhod pero may slit na mahaba, kitang-kita ang hita niya.

“Bakit ganyan ang reaksyon mo?” tanong ni Ameena, “Pangit ba?”

“Hindi, pero masyadong sexy,” sabi ko, “isukat mo yung black.”

Sumunod naman siya at paglabas niya, suot na niya ang black na dress.

Napangiti ako sa kanya. “Ang ganda mo,” hindi na na-realize na malakas pala ang pagkakasabi ko kaya narinig ni Ameena.

“Alam ko,” sagot niya na mukhang proud na proud.

Tumikhim ako, “Yung beige, isukat mo.”

Paglabas niya, literal na napa-nganga ako. Sa tatlong dress na isinukat niya, dito mas nangibabaw ang ganda niya.
“Bagay sa’yo yan, pati yung black,” sabi ko sa kanya, “Pero ikaw bahala kung alin sa dalawa ang pipiliin mo.”

“Mas komportable ako dito,” tinutukoy niya yung beige na dress, “pero baka mahal to.”

“Ano ka ba, ako magbabayad,” ang presyo pa talaga ang iniisip, eh.

“Miss, bibilhin namin to,” tawag ko doon sa saleslady, “Pakihanapan na rin siya ng sapatos na bagay sa dress na ‘yan.”

“Okay, sir,” sagot nung saleslady, “Ma’am, sumunod ka sa akin.”

After 20 minutes lumabas na kami sa boutique. Ako na ang nagdala sa mga binili namin.

“Tara, nood tayo ng sine,” yaya ko sa kanya.

“Tara,” mukhang excited siya, siya pa mismo ang humawak sa kamay ko. Parang napaso ako, nakakapanibago, ako kasi lagging humahawak sa kamay niya.

I don’t know, but part of thinks that this is a date. Pero siyempre, hindi ko talaga ina-assume yun. Ayoko maging assuming. Tsk.
Ako na ang pumili ng panonoorin naming. Spider-Man:Far from Home ang pinili ko para chill lang. Hehe. Habang nanonood kami, tahimik lang si Ameena. Ang seryoso niya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siyang mabuti. Hindi ko maiwasang malungkot. Bukas na ang birthday ni Vic. Ibig sabihin, last day na ni Ameena. Babalik na sa dati yung buhay ko. Na-realize ko na ang boring pala dati ng buhay ko.

“Hoy, tapos na, ano iniisip mo diyan?” tanong ni Ameena.

“Ha?” natauhan ako, “Wala naman. Tara, kain tayo bago tayo umuwi.”

“Tara, gutom na rin ako, eh.”
Sa fast food lang kami kumakain.

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami. Pagdating namin sa bahay, hinatid ko si Ameena sa guestroom.

“Kung pagod ka na, puwede ka nang matulog,” sabi ko sa kanya sabay lapag nung mga paperbag na dala ko.

Niyakap niya ako. “Salamat talaga, Cal,” hindi agad ako naka-react sa ginawa niya.

Napangiti ako at, niyakap ko rin siya.
“Hindi mo kailangan magpasalamat,” panimula ko, “Sa totoo lang, ako dapat ang magpasalamat sa ‘yo. Sa sandaling panahon na nakasama kita, nabigyan ng kulay ang buhay ko. Ang boring ng buhay ko dati, kaya salamat, Ameena.”

Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako…sa pisngi. Sa pisngi lang? ayy. Nagi-expect? Hahaha. Siguro, nagpapasalamat lang talaga si Ameena in a friendly manner. Haaay. Hindi ko lang maintindihan kung disappointed ako sa halik sa pisngi. Hehe.

“Sige na, lalabas na ako, pahinga ka na.” paalam ko sa kanya.

“Good night, Cal,” ngumiti siya at sinara ko na ang pinto.

Pagdating ko sa kuwarto ko, nag-shower ako. Pagkatapos nahiga na ako. Nakatingin ako sa kisame habang iniisip ko ang nararamdaman ko. Gusto ko ba si Ameena? Gusto kong mag-deny. Pero hindi ko alam pero ang saya ko lang nitong mga nakaraang araw na kasama ko siya. At ang pakiramdam ko na kinakabahan ako pag magkalapit kami.
Ang lungkot lang isipin, hanggan bukas ko nalang siyang makaksama. Iniisip ko pa lang, parang naninikip na ang dibdib ko. Bakit ang malas ko? Si Aurora iba ang gusto. Si Ameena naman, hindi kami puwede. Nakatulog ako habang iniisip ko ‘yon.






Thank you for reading!


Xoxo,
DuchessCee

Wishful ThinkingWhere stories live. Discover now