Chapter 6

43 2 0
                                    


WEEKEND na. At sinisimulan ko ng mag move on. Haaay. Nakahiga lang ako sa kama, naglalaro sa phone at kausap si Ameena. Kung anu-ano lang pinag-uusapan namin nang biglang kumatok si mama.

"Cal?" tawag ni mama sa akin.

"Ma? Pasok ka," hindi ko na pinaalis si Ameena, hindi naman siya makikita ni mama.

"Anak, kamusta ka dito?" tanong ni mama. "Kumakain ka ban g maayos dito?"

"Okay lang ako ma," sagot ko sa kanya. "Oo, kumakain ako ng maayos dito, alam ko naman mag-aalala ka kapag nagkasakit ako kaya hindi ko pinapabayaan ang sarili ko." Paglalambing k okay mama.

Bigla naman nagsalita si Ameena. "Huwag maglambing-lambingan, hindi bagay sa 'yo," naka smirk oa siya. Pinandilatan ko lang bilang senyas na huwag akong guluhin habang kausap ko si mama. Tumawa lang siya.

"Pag-aaral mo anak, kamusta?" tanong ulit ni mama.

"Ayo slang din ma, wala kayong dapat ipag-alala ni papa, mabait ako hehe" mabait kapag tulog. Ahaha.

"Sus, siguraduhin mo 'yan ha," kinurot ako ni mama sa gilid, "Baka naman may girlfriend ka na? pakilala mo sa'min ng papa mo."

"haay naku ma, sana nga meron. Pero wala eh," inakbayan ko si mama. "Huwag kang mag-alala ma, kapag meron na, sa 'yo ko siya unang ipapakilala."

"Promise 'yan ha?" pinisil ni mama ilong ko, "Anak, ayoko lang naman na itinatago mo sa amin ang bagay na 'yan, gusto ko maging open ka sa amin ng papa mo." Ang bait talaga ng mama ko.

"Alam ko 'yon ma."

"Oh siya, lalabas na ako at magpapahinga pa ako."

"Okay ma, pahinga kayo, masyado kayong lublob sa trabaho ni papa eh," sinamahan ko siya papunta sa pintuan.

Nang makalabas na si mama, bumaling ako kay Ameena.

"Puwede ba, huwag mo akong kakausapin kapag may kausap akong iba," hindi ako galit pero pinagsabihan ko siya.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Pasensiya ka nap o, Kamahalan," bahagya pa siyang yumuko, pero halata sa boses niya na sarcastic yung pagkakasabi niya.

"Ameena, tigil-tigilan mo yang pagiging sarcastic," puna ko sa kanya.

"Huwag mo akong diktahan, puwede?"

"Hindi kita dinidiktahan," sabi ko, itinaas ko ang dalawang kamay ko, "Sige na, ayokong magtalo tayo." Give up na ako, hindi ako mananalo dito.

Inirapan niya lang ako. Nakaupo kami ngayon sa kama ko, ako hawak parin ang phone ko. Si Ameena may binubuklat siyang kung anong libro.

"Mana ka pala sa mama mo," biglang sabi ni Ameena.

"Kaya nga gwapo ako eh," hindi ko na tiningnan si Ameena, alam kong nag roll eyes siya sa sinabi ko. Hahaha.

"So sinasabi mong pangit ang papa mo?"

"Wala akong sinasabing ganun," depensa ko, "Ang sinasabi ko, mas naging maganda nag resulta dahil nagmana ako sa mama ko, ganun," patuloy kong sabi.

Hindi siya nagsalita kaya tiningnan ko kung anong ginagawa niya.Photo album pala yung tinitingnan niya. Na-curious ako about sa family niya.

"Diba sabi mo nag-iisang anak ka rin?" tanong ko sa kanya.

"Oo," tipid niyang sagot.

"Hindi mo sila name-miss?"

"Nami-miss, siyempre."

"Mula nung napunta ka sa singsing, hindi mo na sila nakita?" tinitigan ko siya.

Napansin kong biglang naging malungkot yung expression niya. "Ayos lang, kung ayaw mong magsabi, naiintindihan ko," baka umiyak 'to, hehehe.

Akala ko hindi na siya magsasalita. "Hindi ko na sila nakita mula noong napunta ako sa singsing, siguro parusa sa akin 'to. Ang sama kasi ng ugali ko noon."

"Ano bang nangyari? Paano ka napunta sa singsing?" tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang napatiningin sa akin. "Hindi ko alam," simula niya, "Pero parang doon nagsimula ang lahat noong ipinagkasundo ako ng mga magulang ko."

"Ipinagkasundo?" naguguluhgan kong tanong.

"Ipinagksundo na ipakasal," sagot niya, "hindi ko gusto yung lalaki, kaya hindi ko siya tinrato ng maayos. Nag tiyaga naman siya sa akin pero hindi ko talaga siya gusto kaya noong gabing bago sana kami ikasal, sinabi ko sa kanya, harap-harapan na kahit kalian hindi ko siya magugustuhan." Patuloy ko siyang tinititigan habang nagsasalita siya. Nakatingin siya sa kawalan, "Hindi ko alam na may lahi pala 'yung mangkukulam. Kaya ayun, isinumpa ako."

"Mangkukulam? Nag-eexist pala sila?" manghang tanong ko.

"Unfortunately, Oo," saka pa lang siya tumingin sa akin.

Tinitigan ko siya, "Nacu-curious ako kung anong hitsura mo dati," parang wala sa sariling sabi ko.

"Sabi ko nga maganda ako, kaya nga patay na patay sa 'kin yung lalaking ipinagkasundo sa akin," bahagya siyang tumawa. "Biruin mo, ang ganda ko pala an gang magiging dahilan kung bakit ako napunta dito."

"Hindi ka na ba magiging tao ulit?" tanong ko sa kanya.

"Ewan, baka hindi na," tumingin ulit siya sa kawalan.

"Anong mangyayari kapag naubos ko na ang limang kahilingan ko?"

"Babalik na ako sa singsing, at maghihintay ng bagong magmamay-ari ng singsing."

"Hindi na ulit tayo magkikita?" ganun na lang?

"Hindi na," umupo siya ng malapit sa akin, at tinitigan ako, "At ikaw, ipagpapatuloy mo yung normal mong buhay." Nginitian niya ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka, ano tong nararamdaman ko?

"Kung ganun, Masaya akong nakilala kita," hindi ko talaga alam kung anong nag-udyok sa akin para sabihin ko yun, pero totoo, Masaya akong nakilala ko si Ameena.

"Ako rin," Masaya siya? Eh, palagi nga niya akong sinusungitan. "Sa lahat ng nagmay-ari ng singsing, sa 'yo lang ako napalapit, yung tipong kinakausap ako. Yung iba kasi, kinakausap lang ako pag humihiling na."

"Ikaw kasi, lagi kang nagsusungit," tukso ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako.

"Maalala ba kita pag nakabalik ka na sa singsing?" tanong ko sa kanya.

"Oo," sabi niya, "pero wala paring maniniwala sa 'yo kapag pinagsabi mo sa iba ang tungkol sa mga kahilingan, kaya kung ayaw mong pagkalmalang baliw, keep quiet ka pa rin, okay?"

"Opo, ma'am," kunwari pa akong sumaludo sa kanya.

"Hindi pala araw-araw umuuwi ang mga magulang mo?"

"Hindi, busy sila sa trabaho eh," sa pagkakataong ito, ako naman ang tumingin sa kawalan.

"Nalulungkot ka," alam kong hindi siya nagtatanong, statement yun. Hindi pala manhid 'tong si Ameena.

"Oo, nakaklungkot rin ang palaging mag-isa, eh."

"Alam ko ang ganyang pakiramdam, huwag kang mag-alala puwede mo naman akong kausapin kung kalian mo gusto," tiningnan ko siya, mukhang sincere naman siya. Walang halong pagsusungit. Hehe.

"Isa 'yan sa mga ikinasaya ko nung makilala kita, nagkaroon ako ng kaibigan babae," diretso ko siyang tiningnan sa mga mata niya.

"Talaga? Ako rin, hindi ako nagkaroon dati ng mga kaibigan. Salamat dahil kaibigan pala ang turing mo sa akin."

Sa totoo lang, itong Ameena na kausap ko ngayon, ang layo-layo sa Ameena na kausap ko palagi na lagi akong iniirapan at sinungitan. Sana ganito siya palagi, ang sarap lang kasi sa pakiramdam na may kausap kang nakakaintindi sayo.





Note: Unedited. Sorry for the errors. Keep reading!

Wishful ThinkingWhere stories live. Discover now