Chapter 4

50 3 0
                                    


After nang klase naming, dumiretso kami ni Ameena sa locker ko. Walang tao. Na-a-amaze parin ako kasi ako lang ang nakakakita kay Ameena.

"So anon a yung kahilingan mo?" Tanong niya.

"Gusto kong pansinin ako ni Aurora at maging magkaibigan kami."

"Yun na 'yon?"

"Yep."

"okay, sabihin mo 'yong magic words."

May magic words pa pala? Hindi niya yata nasabi sa akin 'yon. "Ano ba dapat sabihin?" tanong ko.

"Oh, sige. Huwag ka nang mag magic words. Sabihin mo na diretso 'yong hiling mo."

"I wish na sana pansinin ako ni Aurora at maging magkaibigan kami."

"okay."

"Okay? Ganun na 'yon?" Nagtatakang tanong ko.

"Ano ini-expect mo? Na may magda-drums pa? Ah, a dramatic purple smoke would be nice, right?" Nag roll eyes siya. "but believe me or not, nakuha mo na 'yung hiling mo."

"Talaga?"

"Talagang-talaga. Magpakita ka na dun sa babaeng gusto mo, I'm sure mauuna siyang babati sa 'yo."

"Sabi mo 'yan ah?" Paninigurado ko pa.

"oo nga, sige na. Shuuu!" At bigla siyang naglaho.

Naglalakad ako papuntang cafeteria nang bigla may tumawag mula sa likuran ko.

"Hey!"

Nagulat ako nang Makita ko si Aurora. Siya ba 'yung tumawag sa akin? Putek, totoo nga! Weew!

"Caleb, right?" wow, ang sarap sa pandinig ng pangalan ko, hahaha.

Tiningnan ko siya. Ang ganda niya, nakasuot siya ng floral dress na hanggang sa ibabaw ng tuhod niya yung haba. May bitbit siyang libro.

"Hey?" Kumaway siya sa harapan ko, natauhan naman ako bigla.

"Ah, h-hi." Nauutal ako, putek!

"Uh, Caleb, right?" tanong niya ulit.

"Yeah, but you can call me Cal." Nagpa cute ako. Hahaha.

"Uh, yeah, Cal. So you're friends with Quinn, right?"

Ano raw? Si Quinn? Awwtss. "Uh, oo. Bakit?"

"Wala naman. Matagal ko na kasi siyang napapansin. Diba may banda siya?" Puno nga ka-sweetan yung boses niya pero parang nasasaktan ako kasi si Quinn yung hinahanap niya.

"Oo, May banda kami." Nagpapa-cute parin ako kahit si Quinn yung hinahanap niya.

"Oh, Member ka din?" hindi niya alam? Ouch, ha.

"Oo, ako yung Lead guitarist. Hehe."

"Oh, I see."

Hindi naming namalayan na nakarating na kami sa cafeteria at sa pintuan pa lang kami, natanaw ko na 'yung dalawa kong kaibigan.

"Oh, ayun pala siya oh," sabi ni Aurora. "Can you introduce me to him?" WHAT?! Ano 'to? Double kill? Huhu.

"Uh...Sige, sure." Wala akong choice, huhu.

Nang makarating kami sa table nila, may ngiting nanunudyo yung dalawang loko. Hindi nila alam na double kill na ako.

"Guys, hi. Si...Aurora."

Kumaway naman si Aurora sa kanila. "Hi," bati niya.

"Aurora, this is Vic." Tinuro ko Vic na naka-gray ng shirt at naka black na hooded jacket.

Wishful ThinkingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon