Chapter 7

40 2 0
                                    


NATAPOS ang weekend na hindi umuwi ang parents ko. Kaya ayu, kami ni Ameena ang palaging magka-usap. Hindi na niya ako palaging sinusungitan, minsan nalang. Hehe. Marami-rami na rin akong alam tungkol sa kanya. At siya rin, marami na siyang alam tungkol sa akin. Nakakatakot lang, maldita pa naman 'tong si Ameena. Baka gamitin niya laban sa akin yung mga alam niya. Hahaha. Pero hindi naman siguro, kahit maldita at masungit 'yun, may tinatago naman siyang kabaitan. Hehe.

At tungkol naman doon sa pagmo-move on ko kay Aurora, siguro naman okay na ako? Ang wakward lang talaga. Pero ayos lang 'yun, kung saan naman siya Masaya, masato na rin ako para sa kanya. Speaking of, naglalakad na kami ngayon sa hallway papunta sa classroom. Kami, yeah, kami ni Ameena. As usual, naka-headset ako para kunwari may kausap sa phone. Kung anu-ano lang rin ang pinag-uusapan naming. Ewan, parang close na kami. Hehe. Pagdating ko sa classroom, wala pa masyadong tao. Medyo maaga pala ako. Sa labas muna kami tumambay ni Ameena.

"Ano bang nagustuhan mo sa Aurora na 'yon?" tanong sa akin ni Ameena.

Teka, ano nga ba? "Maganda siya?" nag-aalangan kong sagot sa kanya.

"Yun lang?" tumaas ang kilay ni Ameena, "I mean, maganda nga siya, pero seryoso? Panlabas na anyo lang talaga ng tinitingnan mo?"

"Hindi naman," depensa ko, "matalino rin naman siya, at mabait."

"Sabagay, kung damdamin mo na naman ang nagsabi, wala ka na talagang mahahanap na rason kung bakit mo gusto ang isang tao," ayan na naman siya, ang lalim na naman magsalita.

"Kung makapagsalita ka naman, parang nagkagusto ka na rin," tudyo ko sa kanya.

"Hindi pa, pero yun lang ang napansin ko sa mga nagmay-ari ng singsing."

Bigla naman dumating sina Vic kaya pumasok na kami. Sinenyasan ko si Ameena na bumalik muna sa singsing dahil papasok na kami sa classroom.

"Sino 'yung kausap mo?" biglang tanong ni Vic.

"Ha? Wala akong kausap," sagot ko.

"May kausap ka sa phone mo," sabat ni Quinn.

So mukha talaga akong may kausap sa phone? Mas mabuti na 'yon kesa sa pagkamalan akong may sira. Hahaha. "Ah, yun ba? Ano... kaibigan lang."

"Babae?" Magkasabay pa talagang nagtanong ang dalawa. Mga chismoso. Hahaha.

"Wala kayong pakialam, manahimik nga kayo diyan," kunwari nagsusungit ako para hindi na magtanong. Tsss.

"Naku, 'pre, may bagong kinahuhumalingan na 'tong kaibigan natin," nanunuksong wika ni Vic kay Quinn. Nag tawanan lang ang dalawa.

Tumahimik naman sa panunukso si Vic nang pumasok na ang instructor namin. Grabe, ang boring. Nakikinig ako, pero wala akong naririnig. Hahaha. Paano ba nangyayari 'yun? Basta parang nakikinig ka, pero wala ni isa ang pumasok sa utak mo. In short, wala kang nali-learn mga par, hahaha.

Nang matapos ang klase naming, halos maglundagan kami palabas. Hahaha. Ewan ko, ba't parang hellhole talaga ang classroom? Haha.

"Sa bench muna tayo tambay," pagyayaya ni Quinn.

Sa bench din sana ako eh. "Uh, may kukunin lang ako sa locker," paalam ko sa kanila.

"Huwag kang maniwala diyan pre, may tatawagan yan," tukso ni Vic sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na ako patungong locker. Pagdating ko doon, tinawag ko si Ameena.

"Bakit hindi mo kasama mga kaibigan mo?" tanong niya sa akin.

"Mas gusto kita kausap," pasimple kong sagot kanya. Teka, ano nga ulit yung sinabi ko?

"At bakit mas gusto mo akong kausap?"

Wishful ThinkingWhere stories live. Discover now