Chapter 2

82 3 0
                                    

Kinusot-kusot ko ang mga mata. Ano ba 'to? Ba't parang nagha-hallucinate ako? Ooy, hindi ako nagda-drugs ha! Baka akala niyo.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong sa akin nung babaeng nakalutang.

Akmang sisigaw na sana ako pero nagsalita siya ulit.

"Hep, huwag kang sumigaw. Baka pagkamalan kang bakla."

Tiningnan ko siya. Nakasuot siya color orange na parang pajama na silk. Yung upper na damit niya... ano bay an? Ba't parang naka-bra lang 'to? Yung buhok niya nakapungos nga mahaba tapos medyo kulot. Tinitigan ko yung mukha niya. May parang bracelet siya na bakal sa upper part ng dalawang braso niya.  Pamilyar to, ah? Gusto kong magsalita pero parang natutuyo ang lalamunan ko.

"Ang kalat naman dito. Hindi maikakaila na lalaki ang may ari ng kwartong ito." Sabi niya sabay tingin sa buong kwarto ko.

"bakit pamilyar ang mukha mo?" Ayun, sa wakas nakapagsalita na ako.

"Oh? Akala ko buong gabi mo akong tititigan." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Tinitigan ko ulit siya at saka ko lang na-realize ka kamukha niya yung babae sa antique shop!

"Ah! Ikaw yung babae sa shop kanina!" parang bata na na-a-amaze kong sabi. Parang kamukha nga niya yung babae sa shop pero may pagkakaiba sila. Yung matangos niyang ilong medyo baluktot.

"Anong babae? Anong shop? Hoy, mag damit ka nga muna. Ang bastos mo!" pagtataray sa akin nung babae.

Teka, ako pa yung bastos? Eh, siya 'tong bigla na lang lalabas at lulutang dito sa kwarto ko.

"Hoy, babae, huwag mo akong tatarayan ditto sa bahay, specifically ditto sa kwarto ko ha." Parang may pagbabantang sagot ko sa kanya.

Iniripan niya lang ako tsada bumaba at tumapak sa sahig ng kuwarto ko. "Lilinawin ko lang sayo, na bilang Alipin ng singsing, hindi ako dapat magdulot ng kahit anong makakasakit sa may ari ng singsing." Pumanta siya sa may bandang bintana at sumilip sa labas. "Saang banda ba ako ngayon sa Pilipinas?"

"M-m-mindanao."

"Ah, ganun ba? Hmm, Noong huling beses na narito ako, hindi pa naka-semento yung mga daan."

"Y-you've been here before?" Manghang tanong ko.

"Oo, at hindi pa rin nagsasalita ng ingles yung tao noong huling narito ako." Napasimangot ako sa sinabi niya.

Magsasalita n asana ako pero nauhan niya ako. "So, diretsahan na tayo. Bibigyan kita ng limang kahilingan na magtatagal ng limang araw---at huwag mong susubukan na humuling ng 'ang una kong hiling ay isa daan pang kahilingan', ang mga nilalang na naglagay sa akin sa singsing na siyang nagtakda ng panuntunan sa mga kahilingan ay hindi ipinanganak kahapon."

"Kahilingan? As in wishes? Ano ka ba?" tanong ko.

Tumaas yung gilid ng labi niya. "Pu-pwede mong hulaan."

"Genie lang naman ang puwedeng mag grant ng kahilingan."

"Bingo! Nahulaan mo. Ang galling." Puno ng sarcasm na sabi niya.

Ano ba 'to? Joke ba 'to? Kahilingan? Genie? Huh.

"Oh, ano'ng tinitingin-tingin mo diyan?" ang suplada talaga ng babaeng 'to!

"Puwede ba? Huwag mo akong pagtripan diyan. Kahilingan, genie?" mapakla akong tumawa.

Biglang naging malamig yung tingin niya sa akin. "Alam mo, pasalamat ka at hindi ako puwedeng pumili ng magmamay-ari ng singsing.Dahil kung puwede kong gawin 'yon, pipili ako ng mga lalaking hindi kasing hangin mo. Ewan ko ba, sinadya yata nang kung sino mang nilalang ang naglagay sa'kin sa singsing na mapunta ako sa mga mayayabang at mahahangin na kagaya mo."

Wishful ThinkingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon