"Huwag mong gawin 'yan, Francine. Hindi niya deserve ang makita ang pagmamakaawa mo at pagluha mo. She deserves nothing." Walang buhay akong tinignan ni Celestine nang maitayo na niya si Francine na umiiyak.

Natulala ako. Bakit kailangan pang umabot sa ganitong punto?

Nagulat ako nang may humablot ng analysis data sa mga kamay ko. Hindi nahirapan na makuha ito sa akin dahil nanlalambot ang mga kamay ko.

Nakita ko si Romy na ibinigay ito kay Marco.

"Ano tapos na ba ang drama niyo? Sinasabi ko naman sa inyo... ipapahamak at pababagsakin lang kayo ng tinatawag niyong kaibigan."

Lahat kami ay napalingon sa kanya. Ito ata ang tinuro niya sa sarili niyang anak. Ngayon, alam ko na kung saan pinanghuhugutan ni Nolan ang mga sinasabi niya.

"Check the data," sabi niya sa isa sa mga kasamahan niya at inabot ang inagaw nila sa akin.

May nakita akong inilabas nila. Isa itong black suite case at siguro ako na laptop ang laman niyon.

Binuksan niya ang glass tube na naglalaman ng mga data para sa research nila at isinaksak ito sa laptop.

Mabilis siyang nag tipa roon at may kung anong tunog ang umalingawngaw galing doon.

Tumigin siya kay Marco na parang nadismaya.

"B-Boss, no data."

Galit na galit itong tumingin sa akin pero tumawa ako ng malakas kaya lahat ng atensyon nila ay napunta na sa akin.

"And you think, I'm stupid to bring the true data and give it freely to you? Mga bobo!" malakas na sigaw ko ngunit walang emosyon doon.

"Oo nag traydor ako sa kanila." Tinuro ko pa ang mga dati kong kaibigan. "Pero hindi ko pa rin kayo pag kakatiwalaan."

Ngumiti pa ako ng matamis. Matamis na matamis.

"You know, in this world, you can only trust yourself, you are the only one who can save yourself, and you are the only one who can help and protect yourself. Always remember that you will only have yourself at the end." I laughed once again like I am a crazy person.

Napahinto na naman kaming lahat nang may humahangos na lalaking naka puting lab gown ang pumasok sa loob ng kwartong ito.

"S-Sir, maisasagawa na natin ang unang hakbang ng research natin kahit wala pa muna ang main data. It's the first success!" Halata ang excitement at galak sa boses na ito.

Sumingit ako sa galak nila.

"So... maisasagawa niyo na pala. Okay here's the deal, bubuhayin niyo kaming lahat... wala kayong papatayin, dahil alam kong maari kaming mamatay sa pag kaubos ng dugo namin para sa research niyo. But it's still up to you kung papatayin niyo kaming lahat pero hindi niyo na makukuha ang last data ng research niyo kailanman... at ako lamang ang nakakaalam niyon, kaya wala kayong magagawa kundi ang sundin ang utos ko." Malawak akong ngumiti.

Pati ang mga trinaydor kong mga kaibigan ay nagtataka sa pinagsasasabi ko.

Bahala na sa hinaharap. Sila na lang ang magdidikta kung ano ang mangyayari.

Nakakapagod ng laruin ang nangyayari, dahil yung mismong naglalaro ang nilalaro.

Nasa panibagong kwarto na naman kami ngunit narito pa rin sa lugar ng research center.

Nilibot ko ang aking tingin nang may makita rin ako glass transparent na capsule katulad ng sa mga magulang ko kung saan sila nakalagay.

Marami iyon at para ata ito sa amin.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now