“Hindi na, kaya ko naman.” Tanggi ko na may kasama pang pagkumpas ng kamay.

“Here,” May iniabot siya sa akin, bag ko pala. Kinuha ko naman agad yon saka nag-pasalamat sa kaniya.

“Thanks, so, una na ako?”

“Sabay na tayo bumaba.” Sabi niya saka nauna nang maglakad. Sumunod naman agad ako sa kaniya.

Habang nasa loob kami ng elevator, agad kong tinanong sa kaniya kung anong meron sa kanilang dalawa ni Yllana.

“Believe it or not, she's my sister. Anak siya ni Mommy sa una niyang asawa bago si Daddy kaya Martinez ang apelyido niya at hindi Murukami. Mas matanda siya sa akin ng limang taon at mahal na mahal niya ako na parang kapatid niya.”

Napatango-tango naman ako dahil sa sinabi niya. Kahit papaano naman pala merong mabuting puso yong si Yllana kahit pagdating lang sa kapatid niya, akala ko kasi ang laman lang ng isip niya ay ang landiin si Yeonjun.

“Pero ni-minsan ba hindi ka naiirita sa kaniya? Ano bang ugali niya bilang ate sayo? Ako kasi... uy ah, walang samaan ng loob kapag sinabi ko to sayo.”

“Go ahead, tell me.” Sabi niya sa akin.

“K-Kasi, ang tingin ko sa ate mo ay isang linta, para kasi sa akin ang landi ng ate mo. Oy, Xever, kapag nalaman kong sinabi mo tong pinagsasasabi ko sayo sa ate mo uupakan talaga kita. Hindi ako nagbibiro, marunong akong mag-taekwondo!” Pananakot ko sa kaniya pero wala man kang siyang naging reaksyon.

“Yes, I admit. My ate was such a flirt, malandi talaga si ate Yllana. May moto kasi siya sa buhay na What she wants, she always gets, by hook or by croock.” Sabi niya sa akin habang nakangiwi ang labi.

“Tanginang moto yan.” Naibulong ko nalang. “Ay, sorry sa mura. Hehe.” Nag-peace sign ako sa kaniya. Ngumiti lang siya ng matamis sa akin saka kinurot ang kanang pisngi ko.

“You're cute—”

“Naku, hindi naman masiyado.” Putol ko sa dapat na sasabihin niya.

“Hindi pa ako tapos. What I mean is, you're cute at tangina mo din. Hahahaha!” Humalakhak siya kasabay ng pagbukas ng elevator kya tumakbo agad siya paalis bago ko pa siya masapok.

“Ang sama mong bwiset ka!” Sigaw ko sa kaniya.

Hanggang pag-uwi ko ay naka-simangot pa din ako. Langyang bata na yon, nagawa pa akong murahin. Bwiset siya, humanda talaga siya sa akin bukas kukurutin ko siya ng bonggang-bongga kaya ihanda na niya ang balat niya.

Pagpasok ko ng bahay, nagtaka ako nang nakabukas ang ilaw nito. Kumunot ang noo ko saka nilibot ng tingin ang kabuuan ng bahay saka kinuha ang walis tambo na nasa gilid ng pinto. Baka pinasok tong bahay, lagot ako kay ate kapag may nawalang ni-isang gamit dito.

Pinuntahan ko ang dining area pero walang tao doon, sinunod ko ang cr at ang kwarto naming dalawa ni ate, pero wala pa din akong nakita na tao doon. Isang lugar nalang ang hindi ko pa napupuntahan.

Ang kusina.

Dahan-dahan kong tinungo ang parte ng bahay na yon. Mahigpit kong hawak ang walis tambo at inalis ko ang kabang nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ako pwedeng maging duwag ngayon, kung may magnanakaw man dito sa bahay kailangan kong mahuli yon at maipa-kulong. Hindi ako pinanganak ni Mama na duwag, pinalaki din ako ni Papa na matapang kaya kailangan kong gamitin ang mga yon sa panahong to.

Aish, akala ko pa naman masaya ang magyayari pagka-uwi ko dahil tatawagan ako ni Yeonjun. Haays!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina at nang mapunta na ako sa harap non ay nagtago muna ako sa likod ng poste at pasimpleng tumingin sa loob. Sandali kong nilibot ang paningin pero wala akong nakita ni-anino ng tao doon kaya lumabas na ako sa pinagkakataguan ko.

Bumuga ako ng hangin saka binuksan ang ref, uminom ako ng tubig don at pabagsak na inilapag ang pitchel pabalik. Siguro naiwan ko lang kanina yung ilaw na naka-bukas.

Pagkasara ko ng ref, napatitig ako sa pinto non. May nakita akong isang papel doon na nakadikit gamit ang magnet. Kinuha ko yun at agad na binasa.

Please, go to your house' backyard.

                                        From your lover,
                                                  King

Nang mabasa yon ay tumakbo agad ako palabas ng bahay at dumiretso sa bakuran namin ni ate kung nasaan ang mga bulaklak na ipinadala ni Yeonjun sa akin noon. Pagpunta ko doon, nagulat ako nang makakita ng mga rose petals na naka-kalat sa lupa at may nakita pa akong mga kandila.

Sinundan ko ang daang ginawa ng mga rose petals at kandila, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa harapan ng isang lamesa, napaka-romantiko ng pagka-kaayos non at halatang pinaghandaan.

Napangiti nalang ako saka pinasadahan ng daliri ang mantel doon. Napatili ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod at nagsi-taasan din ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang may humalik sa leeg ko. Sa amoy palang, alam ko na agad kung sino siya.

Ang taong miss na miss ko na.

“How's my queen?” Marahan niyang tanong sa akin. Nararamdaman ko tuloy ang mainit niyang hininga sa balat ko. Humarap ako sa kaniya saka niyakap siya pabalik.

“Ito, masaya dahil kayakap...” niya ang hari niya. “ka.”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now