MS-15

860 34 6
                                    

YUMI CHUA

“B-Boss, bakit ka nandito? Di ba dapat kasama mo si Samantha?” Tanong ko sa kaniya nang makaharap ko na siya.

Nakita kong bahagyang tumulis ang nguso niya saka napayuko.

“Ayoko doon sa kaniya, gusto ko dito sayo.” Aniya.

Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko nang makaramdam ako ng kakaiba doon. Wala sa oras ding napalunok ako. Biglang nabuhol ang dila ko, walang salita ang lumalabas mula sa bibig ko.
“H-H-Huh?” Yun lang ang nasabi ko.

“She's too clingy! And everytime... everytime that she's with her friends, she's introducing me as her boyfriend. Fuck, ayoko nang balikan siya. She's too annoying to the point that I want to cut her tongue because of her iritating voice and accent.” Inis na sabi niya na parang batang nagsusumbong sa magulang.

Natawa nalang ako dahil doon. Akala ko ako lang yung naiinis at naiirita kay Samantha kapag nag-sasalita siya eh.

Isa pa, natutuwa ako dahil kumportable na siyang magsabi sa akin ng kung ano, atleast, kahit dalawang araw pa lang kaming nagkakasama ay kumportable na agad siya sa akin.

“Bahala ka, pinili mong maging date siya—”

“I didn't. Siya lang ang may gusto, hindi ako.” Putol niya sa dapat na sasabihin ko.

“Edi dapat hindi mo nalang siya sinamahan dito. Da't gumawa ka nalang ng alibi para hindi ka makapunta.” Sabi ko saka sumimsim ng whine.

“I need to be here. I can't just lay on my bed and wait until you—” Nabitin siya sa pagsasalita.

Until I ano?” Tanong ko habang hinihintay ang idudugtong niya.

Pero hindi siya nagsalita, umiwas lang siya ng tingin saka inisang lagok ang whine sa harap niya. Natawa nalang ako dahil namumula ang tenga niya.

Ngayon, sa maikling oras, nakilala ko si Choi Yeonjun na nakilala ko bilang isang arogante at palaging nakasimangot na tao. Tama nga yung sinabi ni ate na may emosyong tinatago si Yeonjun na hindi niya kayang ilabas, na itinitago niya sa pagiging masungit niya.

Napangiti ako lalo dahil sa naisip ko. Sana, sa mga susunod na araw ay mas lalo ko pa siyang makilala at sana ay magawa ko ang plano ko na pasayahin siya.

Ang sarap niya kayang tignan habang nakangiti o tumatawa.

Nga pala, ang gwapo niya ngayon sa suot niyang gray tux at black t-shirt na nakapaloob doon. Ang pearcing niya sa kaliwang tenga ang nagpadagdag ng appeal niya at ang magulo niyang buhok ang lalong mas nakadagdag ng dating niya. Hindi ko alam kung sinadya niya bang wag magsuklay o hindi e. Basta ang mahalaga, ang gwapo niya ngayon sa look niya.

Bad boy.

Nabaling ang tingin ko sa gitna nang may nags-slow dance doon na magkaka-sintahan. Tinignan ko isa-isa ang mga pares na nagsasayaw doon, ang ganda tignan kapag lahat ng taong nakikita ko ay nagmamahalan. Ang sarap sa mata.

“May I have this dance?”

“May I have this dance?

Napalingon sa magkabilang gilid ko nang may parehong nagsalita doon. Nakita ko sa kanan ko si Kaze at sa kaliwa ko naman ay si Yeonjun. Parehas silang nakalahad ang kamay sa harap ko.

“Uhm?” Sabi ko habang may awkward na ngiti sa labi.

“Ako dapat ang isayaw mo, ako ang date mo e.” Sabi ni Kaze.

“It should be me, I'm your boss, Yumi.” Si Yeonjun naman.

“Ano naman kung boss ka niya?” Tanong ni Kaze sa kaniya habang nakangisi.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now