MS-13

863 27 2
                                    

Kadugtong po ito ng chapter 12. Happy reading!

•••

Pagdilat ng mga mata Yeonjun sumalubong sa kaniya ang kulay puting kisame. Ilang beses niya munang ikinurap ang mga mata bago luminaw ang paningin niya.

“Yeonjun,” Ibinaling niya ang tingin niya nang may magsalita sa tabi niya.

Unti-unti niyang ibinaling ang leeg doon kahit pa nananakit yon. Nakita niya doon si Mr. Kim, ang family lawyer nila.

“M-Mr. K-Kim,” Bati niya dito.

“Jin na lang.” Sabi nito sa kaniya na wala man lang ngiti sa mukha.

“Y-Yo, w-what's up.” Nginitian niya ito pero hindi siya nito nagawang ngitian.

Walang emosyon ang makikita sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Nakasuot din ito ng kulay puting barong, malayo sa black tuxedo na lagi nitong suot.

Unti-unti namang siyang umupo sa kama niya. Nararamdaman niyang may gasa siya sa ulo pati na braso pero wala siyang pakialam doon. Nananakit din ang kasu-kasuan niya pero ayaw niya lang naman na humilata lang. Nananakit kasi ang likod niya dahil sa pagkakahiga.

“Ilang araw na akong tulog? Grabe, ang sakit ng katawan ko.” Reklamo niya.

“2 weeks, you've been sleeping for 2 weeks, Yeonjun.” Sabi nito na ikinatigil niya.

“Ano?! Dalawang linggo?!” Gulat niyang sabi.

“Ay, bingi.”

“Seryoso ka talaga diyan?” Paninigurado niya.

Tumango nalang si Jin. Napabutong hininga siya, masiyadong matagal ang pagkakatulog niya, ano na kayang nangyayari sa pamilya niya?

“Oh fuck! Have you seen Mom? Kamusta siya? Okay na ba si—” Napatigil siya sa pagsasalita nang magbukas ang pinto at inilabas non ang lalaking blangko lang ang mukha at may suot din itong salamin.

“Teka, sino ka?” Tanong niya dito dahil hindi ito pamilyar sa kaniya.

“Taehyung Kim, but if you want, you can just call me V.” Anito.

“At bakit ka naman nandito? Hindi ka naman mukhang nurse.” Sabi niya.

Imbis na sagutin siya, humarap ito kay Jin.

“Kuya, ready na yung kotse.” Yun lang ang sinabi nito tsaka umalis na.

“Kapatid mo yun?” Tanong niya kay Jin.

“Yeah, younger brother. Tumayo ka na diyan, may pupuntahan tayo.” Utos nito sa kaniya.

“Bakit naman kita susundin? Masakit pa kaya ang katawan ko.” Reklamo niya habang iniinda ang sakit ng braso.

“Pwes, kayanin mo kung gusto mo pang makita ang Mommy mo.”

Excited naman siyang tumayo na parang walang masakit sa kaniya. Binigyan siya ni Jin ng masusuot niya na agad niya namang sinuot. Maya-maya ay lumabas na sila ng ospital at sumakay sa kotse kung saan si V ang nagda-drive.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now