MS-9

865 30 1
                                    

•••

“Ma'am, ayos lang po kayo?” Tanong ng taxi driver ng pinagsakyan na taxi kay Yumi.

“A-Ayos lang po ako.” Pagsisinungaling ko saka binigyan siya ng maliit na ngiti.

Hindi na nagsalita ang driver kaya ibinaling nalang niya ang tingin sa labas ng bintana.

Galit niyang pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata niya.

“Ano ba, Yumi! Bakit ka ba umiiyak dahil sa lalaking yon? Tinapon niya lang naman yung niluto mo ah!” Sermon niya sa sarili habang pinupunasan ang luhang rumaragasa mula sa mga mata niya.

Sobrang bigat ng pakiramdam niya kaya hindi niya maiwasang maiyak. Masiyadong masakit yung ginawa ni Yeonjun kanina para sa kaniya.

Ilang oras niyang pinaghandaan ang isang effort na ginawa niya para pasiyahin ang boss niya pero imbis na magpasalamat ay tinapon lang nito yon. Masiyadong nagdamdam ang puso niya, masiyado siyang nasaktan dahil sa ginawang yon ni Yeonjun.

“Yan kasi, Yumi, masiyado kang naawa sa kaniya. Ayan tuloy, nagsayang ka lang ng oras at pagod para pasiyahin siya pero siya... naawa ba siya sayo? Di ba hindi?” Tanong na naman niya sa sarili niya.

Hindi niya maintindihan si Yeonjun, sabi nito gusto niyang sumaya pero bakit parang sinasayang lang nito ang mga effort na makakapag-pasaya sa kaniya? Ano ba talagang gusto nito? Paano niya nagawang hilingin na sumaya kung ayaw niya din naman pala?

“Baliw amputa.” Sabi ni Yumi patungkol kay Yeonjun. “Sinayang niya lang yung chicken curry ko, kung ayaw niya edi dapat sinabi niya, hindi yung itatapon niya. Pwede ko pa kaya yong itake-out. Bwiset siya.”

Wag kang mag-alala, Yumi. Hindi naman na kayo magkikita ulit e.

Hindi na ulit siya lugar na yon. Ayaw na niyang makita si Yeonjun kahit hindi pa nito nababayaran ang pinang-gastos niya sa grocery niya.

Kaniya na yon!

“Ma'am, ayos lang po ba talaga kayo? Umiiyak po kayo e, gusto niyo po ng tissue?” Tanong na naman sa kaniya ng driver.

Gusto niyang sabihin na ayos lang siya kaya lang masiyadong halata na hindi kaya umamin nalang siya.

“Hindi po ako okay, kuya. Pwede pong makahingi ng tissue?” Hilam ang luhang tanong ni Yumi dito.

Kinuha naman agad ng driver ang isang box ng tissue gamit ang isang kamay saka ibinigay kay Yumi.

“Salamat po.” Si Yumi na nagpupunas ng luha ngayon. Napangiwi siya nang makita ang tissue na ginamit niya na nasamahan na ng make-up niya.

Bwiset!

Nakadating na sila sa bahay niya at nag-pasalamat muna siya saka nagbayad kay manong driver bago pumasok sa loob ng bahay niya. Pagkapasok niya sa bahay niya, basta niya nalang ibinato ang bag niya sa sofa saka padabog na binuksan yung pinto ng kwarto niya at ibinagsak ang katawan sa kama niya.

Masiyado siyang napagod ngayong araw na to para sa wala. Naglinis, nagluto, inalagaan niya pa ang boss niya at nagsayang pa siya ng effort para sa wala. Imbis na naghahanap siya ng trabaho ngayon, sinayang niya lang ang oras at pagod niya para paglingkuran ang isang tao na dapat hindi naman talaga.

Ginulo niya ang buhok niya at pinagbabato ang mga unan niya.

“Argghh! Nakakainis! Nakakainis ka, Choi Yeonjun!” Buong lakas na sigaw niya.

Napatingin siya sa ibabaw ng ulo niya at nakita niya doon ang poster ni Kaze Frimo na nakangiti. Kung may maganda mang nangyari ngayon sa kaniya, yun ay ang nakilala niya ang man of her dreams. Yun lang! Walang iba!

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now