MS-22

816 25 1
                                    

•••

“Naks naman, mukhang blooming tayo ngayon ah.” Asar ni Kaze kay Yeonjun na naka-upo sa shotgun seat ng kotse niya ngayon.

“Shut up, Kaze.” Masungit na sambit ni Yeonjun habang nakatingin lang sa labas ng bintana.

“Asus, kitang-kita ko sa mga mata mo dude. May nangyaring maganda, ano yun?” Dagdag ni Kaze.

“Wala nga.” Si Yeonjun habang tinatago ang sumusupil na ngiti sa labi.

“Sabihin mo na, kilala kita, bespren. Minsan ka lang mag-kaganyan kaya i-share mo na. Sige ka, sasabihin ko kay Yumi na may gusto— fuck! Hindi kaya si Yumi ang dahilan kung bakit ka nagkaka-ganiyan?!” Gulat na tanong ni Kaze.

Hindi na napigilan ni Yeonjun ang pagsupil ng ngiti niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito siya kasaya ngayon.

Dahil lang ba nagkasama sila ng kasama kagabi? Magkatabi natulog at bago natulog ay may nangyaring halikan? Sapat na ba yon para umapaw ang kasiyahan sa puso niya?

“So siya nga? Grabe, happy pill mo talaga siya e no? Ano, naka-score ka na ba?” Nakangising sabi ni Kaze.

Bumaling na paharap si Yeonjun saka binaling ang tingin sa daan na tintahak nila.

“I've decided that when I came back, I will start to court her.” Iba ang sinagot ni ni Yeonjun.

“Woaah! Binata ka na ah! Proud ako sayo, pare! Umamin ka na ba sa kaniya na may gusto ka sa kaniya? Na nagagandahan ka sa kaniya? Na everytime na napapatingin ka sa kaniya—”

“Shut up, Kaze! Nag-sisisi na talaga ako ngayon kung bakit sinabi ko sayo ang mga bagay na yon. Nakalimutan kong madaldal ka pala.” Inirapan siya ni Yeonjun.

“Dapat nga mag-pasalamat ka pa sa akin e.”

“Why should I be thankful to you?”

“Alam naman nating dalawa na may gusto sa akin si Yumi noon at pasalamat ka dahil pinatigil ko siya sa pagkakagusto sa akin. Ginamitan ko pa siya ng acting skills ko para lang mapaniwala siya na may mahal na ako. At siguro, kung hindi ko ginawa yon, hanggang ngayon ay nababaliw pa din si Yumi sa kagwapuhan ko. So you, should be thankful.” Pagmamayabang ni Kaze.

“I didn't asked you to do that. Ikaw lang ang may gusto non.” Bawi namannni Yeonjun at siyempre, pambansang alaskador si Kaze ay hindi siya nagpatalo.

“Kasi, alam kong may gusto kana sa kaniya noong mga panahong yun. At ayoko namang ma-heartbroken ka dahil lang sa ako ang gusto ng babaeng gusto mo.” Giit ni Kaze na nakapag-pasimangot kay Yeonjun.

Hindi niya talaga gustong pag-usapan ang tungkol sa pagkakagusto ni Yumi sa kaibigan niya dati. Hindi pa din nawawala ang inis na nararamdaman niya kahit pa tapos na ang yugto na yon.

Kahit alam niyang may pag-asa na siya kay Yumi ay hindi niya pa din maiwasang hindi ma-insecure sa kaibigan. Paano nalang kung bumalik ang nararamdaman ng dalaga kay Kaze? Paano na siya? Sa isang iglap, mawawala ang tiyansa niya para maangkin niya ang dalaga.

“Fine, thanks.” Napipilitan niyang sabi. Alam niya kasing hindi aiya titigilan ni Kaze hangga't hindi niya sinasabi ang salitang yon.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now