"Pasensya na po, mga Mam and Sir! Na- excited lang po siguro makakita ng celebrity yung bata. Tara na, Cesi!" baling nito sa bata na tinapunan naman ng tingin ulit si Daniel.

"Pero siya talaga si----"

"Baka kamukha lang, CeSi. Tara na! Wag na nating iniistorbo sila. Sorry po ulit!" she bow her head before leaving. Naiwan naman ang binata na tila nakokonsiyensa sa nagawa. Ngunit di niya maintindihan kung bakit hindi sinabi ng dalaga sa harap ng mga kaibigan na magkakilala sila. She could easily do that. She could easily slapped him with the truth. But instead, she opted to pretend that they don't know each other.

Ano ba ang nagawa niya? At bakit narito sila CeSi at Maris? Anong ginagawa nila dito? Pakiramdam ng binata ay sasabog ang kanyang ulo sa pag-iisip. Nagsimula na ang programa ngunit hindi na niya muling nakita ang dalawa. Kaya naman patuloy ang paglipad ng isip ng binata. He is feeling bad for what he have done. Natakot lang siya marahil na gawing katatawanan ng mga kaibigan ang bata. He knew what his friends are capable of doing.

Nasa ganon siyang pag-iisip ng marinig niya ang anunsiyo ng host ng programa.

"Okay, we have a very special guest. These children wants to thank all of you for extending all your generous help to their village. So they have prepared a song for you. Please welcome, the Vitas children choir led by their Teacher Maris." 

Nakita niyang lumabas mula sa likod ng entablado si Maris. Hawak nito sa kanan si CeSi, sa kaliwa naman ay isang batang lalaki, kasunod ng mga ito ay ang mga batang tinuturuan ng dalaga. Lahat sila at nakasuot ng maayos na puting damit, and also wearing their biggest smilesNaupo ang dalaga sa isang silya na nasa gitna at nagsimulang tumugtog ng gitara. He saw CeSi move forward. Ito ang nagsimula ng awitin.

"We are the children of yesterday's dream

We are the promise of the future we bring

Waving the banners of love to all

To every nation, the rich and the poor

Pagkatapos ay sumabay na din sa batang babae ang lahat. Tila nakikinig sila sa mga mumunting tinig ng mga anghel.

We are the world of the restless and young

And we need a hand to guide us

Helping each other Build each other

As long as we're together you and me

For together we stand, divided we fall

Together we climb to the top of the world

We can be what we what for the world to see

We are the children of yesterday's dream

We have the yearning to do what is best

Be someone special from all the rest

Nation and brothers in unity

Building tomorrow for you and for me

Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng lahat para sa mga bata. Ang iba pa nga ay di napigiliang tumayo. Naghawak-hawak ng kamay ang mga bata bago yumukod sa lahat. Daniel saw Maris' wiping her tears. Instantly, gusto niyang daluhan ang dalaga at yakapin. She is really looking so fragile. Agad na kumilos ang binata ng makitang palabas na ang grupo ni Maris.He wants to apologize for what he have done earlier.

Naabutan niyang may kausap ang babae. Habang ang ibang bata naman ay abala sa pag-liligpit ng kanilang dala-dalahan. Sa isang sulok ay nakita ng binata si CeSi. Nilapitan niya ang batang babae.

"H-hello, CeSi! Ang galing nyo kanina ha!" parang nagulat naman na napalingon sa kanya ang bata. Kita sa mukha nito na hindi siguaro kung ano ang sasabihin o gagawin. Pinilit nitong ngumiti.

"S-salamat po! K-ala ko po h-hindi nyo a-ako kilala?" may pagtataka na tanong nito sa kanya.

"Sorry, CeSi! Nagulat lang talaga kasi ako eh..."

"O-kay lang po! Sabi ni Teacher Maris, baka daw po nagkamali lang ako..."

"CeSi..." he murmur silently.  Lalo siyang nakaramdam ng guilt. Akala niya ay galit sa kanya ang mga ito, pero mali siya.

"O Tara na, Ce---" awtomatikong napalingon si Daniel. Nakita niyang tila natigilan si Maris, pero saglit lang at agad itong nakabawi. She smiles at him! Walang bakas ng galit o pagtatampo.

"Hello, Sir Daniel! It's nice to see you here." masaya nitong bati sa kanya. Inisa-isa nitong ilagay sa bag ni CeSi ang ibang gamit ng bata.

"M-aris, Dandan, please? It's nice to see you here, too. About sa nangyari kanina, I'm s-so---"

"Naku! Wala po iyon, Sir Daniel. Naiintindihan naman po namin. Pagpasensyahan nyo na din po si CeSi, akala niya po siguro magkaibigan na kayo dahil po nag-stay kayo sa Vitas ng 1 week. Nakalimutan lang po namin na ipaliwanag sa bata na magkakaiba po tayo ng estado sa buhay. You're a star! But promise, last na yon na mangyayari. Pasensya na po." masuyo nitong paliwanag.

"M-maris...." yun na lang ang nasabi ni Daniel na walang nagawa kundi sundan na lamang ng tingin ang dalaga palabas sa lugar na yun.

Chasing Daniel (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant