Pero sunod-sunod pa ring bumagsak ang luha ko. How could they do that? Paano ko pa mayayakap at makakasama ang aking mga magulang? Paano ko ulit sila makikita na nakangiti sa akin? Paano na yung mga plano ko na kasama sila?

Tumayo ako at sumugod sa lalaking nasisiyahan pa sa ginawa niya.

Tinalunan ko siya at walang pag aalinlangan na sinapak ko siya sa kanyang mukhang nakangisi.

Napaatras siya dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko.

Pero muli ko pa siyang sinuntok nang sinuntok nang sinuntok hanggang sa napa upo na siya, nakita ko ang pag dugo ng kanyang labi, ang pagputok ng gilid ng kanyang mata, ang pag dugo ng kanyang ilong ngunit hindi pa ito sapat. Kailangan niya ring mamatay!

Sumasakit na ang kamao ko dahil sa malalakas na suntok na ibinibigay ko sa kanya pero hindi ko na ito ininda. Magbabayad siya. Wala silang puso!

"Remove her! Faster!" Nagawa niya pang sumigaw kahit ilang beses ko na siyang nasuntok.

Doon ko lang naramdaman ang mga tauhan niya na humawak sa akin.

Nagwala ako at halos lahat sila ay nahirapan sa akin.

"Dahan-dahan lang! Baka mabasag ang pinaglalagyan ng analysis data!" Sigaw naman ng walang hiyang tito ko.

Nakalapit ako sa kanya at sinuntok rin siya ng malakas. Nanlaki naman ang kanyang nga mata dahil sa gulat kaya sinampal niya ako dahil tuluyang nahawakan na ako ng mga tauhan niya.

Nanuot ang hapdi at sakit sa kanang pisngi ko pero wala ng mas sasakit nang makita ko ang mga magulang ko na nakalagay sa isang glass transparent capsule at nakaratay doon, hindi na humihinga. Wala ng buhay.

Paano pa ako lalaban kung ang mismong pinaglalaban ko ay binawian na ng buhay?

Paano pa ako magiging matatag kung ang mismong nagturo nito sa akin ay wala na?

Purong galit na lamang ang nararamdaman ko ngayon. Purong dilim na lamang ang nakikita ko ngayon.

Buhay ang kinuha nila sa akin kaya buhay rin ang aking kukuhain.

Mukhang lahat ng natutunan ko kung paano lumaban ay para pumatay lamang.

Tumalon ako sa ere kahit hawak ako ng napakaraming mga lalaking nakaitim na tauhan nila.

Inikot ko ang aking sarili para mawala ang pagkakahawak nila sa akin. Pumatong ako sa isa sa kanila at tumalon palayo.

May lalapit pa sana sa akin ngunit inilabas ko ang baril na dala ko at ang  analysis data para sa t*nginang research nila!

"Kuhain ang data sa kanya!" malakas na sigaw ni Romy kaya agad nag sikilos ang mga tauhan nila.

Mas itinutok ko ang aking baril, pero nagawa pa rin nilang lapitan ako.

Wala akong nagawa kundi ang mag paputok ng isa sa kanila.

Lahat sila ay gulat nang may matamaang isa sa kanila. Sa mismong  puso ko ito pinatama kaya bumagsak agad ito sa malamig na puting sahig.

Ang puting tiles ng sahig ay nabahiran ng dugo dahil nagkalat na ito.

Lahat napahinto at nagulat dahil hindi ata nila inaasahan na ang isang tulad ko na babae at nasa teenage pa lamang ay magagawa ito. Ang pumatay ng tao.

Pati ang mga traydor ay gulat din sa ginawa ko. Ang ama ni Nolan na si Marco na inaayos ang kanyang suot na lab coat ay napahinto.

Kung nasa katinuan ako ay matatakot na ako, tatakbo at makokonsensya sa ginawa.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon