Maya-maya ay tumalon ito at tumakbo palayo. Nabigla man ay sinundan ko siya at hinabol. Kung saan kami tumungo at mas lalo kong naramdaman ang pangungulila sa lugar na 'to. Maayos din ang pakiramdam at hindi nakapapangilabot.

Napatigil ako sa pagtakbo at dahan-dahang bumagal ang aking mga hakbang nang mapunta sa kusina. Doon ay naabutan ko si Siana na abala sa paggagayat ng mga gulay at ibang rekados. My eyes moistened as I check her details. Gano'n na gano'n pa rin siya. Larawan ng isang masipag at napakabuting ina. Natigil siya sa paghiwa at napatingin sa akin. Natulala siya ngunit kapagkuwan ay mabait na ngumiti sa akin. Tulad pa rin noon. Walang nagbago.

"Kumusta?" she asked gently. I pouted to stop myself being emotional at lumapit sa kaniya. Tumayo siya at agad akong niyakap nang mahigpit. I sighed and hugged her tighter.

"Ayos lang. Maayos ako, Siana. Ikaw? Kayo? Kumusta?" I whispered.

Hinaplos niya ang aking likod at ulo. Isa na rin akong ina pero iba pa rin talaga ang dating ni Siana sa akin. She's still a perfect image of a mother for me. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging bata.

"Ate Ganda!"

Napabitaw ako sa yakap nang may masiglang boses ang tumawag sa akin. Nilingon ko siya at napaawang ang labi nang makita siya. Maliksi siyang tumakbo sa akin at yumakap nang mahigpit. Yumuko ako upang mahaplos ang kaniyang ulo.

Napakurap-kurap ako at napatingin kay Siana nang may gulat na ekspresyon. She just smiled with a hint of sadness. Muli akong yumuko upang tignan si Simon and he got teary eyes while staring at me. Pinilit kong ngumiti saka lumuhod sa kaniya. Hinawakan ko ang mga braso niya at mukha. Gano'n na gano'n pa rin ang kaniyang hitsura tulad no'ng huli ko siyang nakita. Hindi siya lumaki man lang kahit kaunti. Kung ano ang hitsura ng batang iniwan ko noon ay gano'n pa rin ngayon. I expect him to be a tall guy now. Nagsisimula ng magbinata. But what I can see is still the cute and healthy Simon. Same height and same chubby face.

But as I stare on his eyes, the maturity is there.

"K-kumusta?" tangi kong nasabi. He smiled.

"Ayos lang po, Ate Ganda. Miss na miss na kita. Miss ka na namin ni Morphy. Akala namin ay hindi ka na namin muli pang makikita," aniya saka suminghot. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at hinagkan siya roon. His cheeks reddened a bit and then he pouted. Napakamot siya sa ulo nang bahagya.

Pinagmasdan ko sila at napangiti. Literal na walang nagbago sa kanila. Kay Siana ay alam kong mabagal na ang pagtanda talaga niya dahil lumampas na siya sa tamang edad. Ngunit si Simon at Morphy, may hindi tama. At nais kong malaman kung ano ang nangyari.

Tila katulad lang din ng dati. Tinulungan ko si Siana magluto. Matapos noon ay tumulong si Simon sa paghanda ng hapag-kainan. I can't stop watching them because it feels surreal. Hindi ko na rin naisip mula pa noon na makikita ko muli sila. Dahil noon ay wala na akong bumalik pa sa aking nakaraan. Kaya ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.

It's like a dream that is finally true. Pinagmasdan ko silang mabuti at hinayaan ang sarili na maging masaya sa piling nila. They are part of my past that I'll forever treasure. They already made a place here in my heart.

Nang matapos ay nagpresinta ako na maghugas ng pinggan ngunit agad na umiling si Siana. Wala naman akong ibang magagawa kaya tumayo na lamang ako sa tabi niya at pinanood siya sa kaniyang ginagawa. Sila Simon at Morphy ay nagpaalam umalis para maglaro.

Napagawi ang tingin ko sa natitirang niluluto ni Siana. Sinulyapan ko 'yon at agad nasamyo ang nakatatakam na amoy. Mayroon halong gulay at karne sa mainit na sabaw.

"Pakihalo naman, Azriella." Siana requested that I immediately obliged.

"Sino ang nagdala sa akin dito, Siana?" tanong ko habang naghahalo at nakamasid sa ginagawa niya. Bahagya niya akong sinulyapan at nagpatuloy sa ginagawa.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now