Chapter XXI : Different

2.7K 65 1
                                    

ELIZABETH

Ilang oras na ba akong nakatunganga?

Ni hindi ko na mabilang...
Limang araw na ang nakakalipas simula ng makauwi ako dito sa pilipinas.

Nagulat pa nga ako dahil sinalubong ako nila greed at senna at sila pa mismo ang nag uwi saakin dito sa mansion ni dad.

Hangang ngayon hindi parin ako kinakausap ni dad...siguradong galit na galit parin saakin ito dahil sa mga ginawa ko.

Sa tuwing magbubukas ako ng cellphone nakikita ko kung gaano kagalit saakin ang mga tao.

May nag viral pa ngang sex scandal ko daw kasama si gaston pero ako na mismo ang nagsasabi...si jon ang nakauna saakin at hindi ang walangyang yun!

"Ate eliz hinihintay ka nila kira sa binyag ni deith,ninang ka!"

Rinig kong sigaw ulit ni senna mula sa labas ng kwarto ko.binyag na nga pala ni deith...

Hindi ko man lang namalayan na ngayon na yun,bagsak ang balikat kong tumayo sa kama bago ako pumuntang banyo at naligo.

Nang matapos akong maligo ay nagsuot ako ng robe at pabagsak na naupo sa gilid ng kama ko.

Limang araw wala ka parin...ang sabi ni xahon babalik ka

Ang sabi niya hindi mo ko matitiis...pero bakit hangang ngayon wala ka pa!?

Ganoon ba kahirap na balikan ako!?

Napatawa nalang ako ng pagak ng maramdaman ko ang patulo muli ng luha ko.

Iiyak nanaman ako...sige lang!

"Jo-jon..."

Banggit ko sa pangalan nito bago ko tinakpan ang bibig ko.
Ayokong marinig nila kung gaano ako kamiserable.

Ayokong marinig nila yung pag iyak ko dahil paniguradong tatawanan lang ako ni dad.

Sinabi na kasing no love attached eh bakit ba kasi nahulog pa ako sakanya!?

Bakla siya! As if naman mahalin ako nun eh haba din ang hanap nun!

Inis kong dinampot ang unan na nasa tabi ko bago ko ito muling binalibag sa pader.

Padabog akong pumunta sa walk in closet ko pero nang maamoy ko ang pabango na gamit ko ay agad din akong napaatras at sapo sapo ko ang bibig ko ng lumuhod ako sa harap ng toilet bowl,parang nasusuka ako pero wala namang lumalabas sa bibig ko...

Ano bang nangyayari saakin!?
Isang linggo na akong ganito ah!?

Susuka nalang bigla,hindi kaya...

Tumayo na ako at pumunta sa lababo para magmumog.

Ng makapag mumog ay kinalas ko ang suot kong robe at pinakatitigan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Wala sa sariling napababa ang kamay ko sa tiyan ko.

Hindi kaya..buntis na ako?

A Deal For PleasureWhere stories live. Discover now